"Ang Mayamang Ginoo" -Means of Grace

405 2 0
                                    

Means of Grace

“Ang Mayamang Ginoo”

                May isang napaka-yaman na ginoo ma mayroong mabuting puso. Siyay madaling maawa sa mga taong sa kanya ay lumalapit. Maraming natutuwa sa kanya dahil sa ipinapamalas nitong kabaitan, subalit marami rin ang umaabuso dito, ngunit ang mga itoy hindi nag tatagal na siyay isahan sapagkat madali niyang nahahalata at nahuhuli ang mga abusado. Minsan ay dumayo sya sa isang probinsya upang mag bakasyon. Sa kanyang ilang araw na pananatili roon ay nakilala niya ang isang batang napaka-hirap. Wala na itong mga magulang at siya na mismo ang nag tatrabaho upang buhayin ang sarili. Nagkakilala ang ginoo at ang batang ito nang alukin ng bata na linisin ang sapatos ng ginoo kapalit ng kahit mag-kanong halaga. Nahabag ang ginoo at itoy pinag-aral at tinustusan ang lahat ng pangangailangan nito. Tuwing araw na ibibigay na ang ulat ng marka ng bata sa paaralan ay ang ginoo na mismo ang sumasadya sa guro upang tignan ito at kanyang malaman kung ito ba’y nag-aaral ng mabuti at kung itutuloy ba niyang pag-aralin ang bata. At nakita niyang mataas ang mga marka nito at nababanggit ng guro na palaging sinasabi ng bata na malaki ang pasasalamat niya sa taong nag-paaral sa kanya kaya naman ay ibabalik niya ang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Natuwa ang ginoo at nagging buo ang pasya na siyay tustusan at patapusin sa pag-aaral. Dahil dito, gumanda ang buhay ng batang dati ay wala ng patutunguhan.

                Ganito dapat tayo sa ating Panginoon. Tulad ng bata sa kwento, ibalik natin ang pasasalamat sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng pag-gawa ng mabuti at pag-sunod sa kanyang kalooban sapagkat labis-labis ang kanyang pag-mamahal at pag-papalang kanyang ibinubuhos sa bawat isa sa atin.

MODERN-DAY PARABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon