Idolatry
“Ang Talinghaga ng Pinuno”
Sa isang siyudad ay mayroong kaguluhan. Ang namumuno sa kanilang lugar ay isang dayuhan. Maraming armas at tauhan. Pinapahirapan nito ang mga tao at pinaparusahan. Marami ang gustong mag-aklas, subalit sila ay takot at walang magawa. Sa loob ng ilang taon ay kanilang pinagtiisan ang mga pangyayaring ito. Para sa kanila, ito ay isang bangungot. Sa paglipas ng ilan pang mga taon, patuloy parin ang paghahari sa kanila ng masamang dayuhan na sa kanila ay namumuno. Subalit ang hindi niya alam, mayroong isang taong palihim na bumubuo ng pag-aaklas. Hinikayat niya ang lahat ng kanyang mga kababayan na sumama sa pag aaklas. Ang iba ay walang lakas ng loob na sumali sapagkat ayaw nilang madamay sa maaaring mangyaring gulo, ang iba naman ay piniling makilahok upang matigil na ang mga paghihirap na kanilang dinaranas. Ang taong bumuo ng grupo sa pag aaklas ang siyang naging pinuno ng kanilang samahan. Siya ang nag-isip at utak ng pag aaklas na gagawin. Dumating ang araw ng kanilang pakikipag laban sa masamang dayuhan at sa mga tauhan nito. Sila ay sumalakay, at dahil sa magandang plano ng kanilang pinuno ay marami silang napatay at isa man sa kanilang hukbo ay walang nag buwis ng buhay. Napatay nila ang masamang pinuno, at nang akala nilang tapos na ang labanan ay biglang nabaril sa likod ang mabuting pinuno at ito’y namatay. Agad nilang nahuli at pinatay ang bumaril sa mabuting pinuno. Nalungkot ang lahat sa nangyari. Dahil dito, nagpatayo sila ng rebulto ng kanilang mabuting pinuno bilang ala-ala. Sa paglipas ng panahon ay sinamba na nila ito, at itinuring na diyos ng pakikidigma.
Ganito ang nangyayari sa ibang tao ngayon. Rebulto ang kanilang sinasamba sapagkat kadalasan namana at kultura na nila ito. At ito ay mali, sapagkat ang Diyos natin ay isa lamang, at ayaw niyang sumamba pa tayo sa iba pang diyus-diyosan, mapa rebulto o hindi.
BINABASA MO ANG
MODERN-DAY PARABLE
Spiritualcompilation of tagalog parables.. [Ang mga talinghaga..] kapupulutan ng aral.. God's.. =))) --- written by: Mark Valdez