"Ang Batang Pasaway" -Repentance

422 3 2
                                        

Repentance

“Ang Batang Pasaway”

            Sa isang syudad ay mayroong mag ina na palaging usap-usapan. Ang dahilan nito ay dahil ang anak ay laging nag papasaway sa kanyang ina. Pero palagi namang pinag-sasabihan ng Ina ang kanyang anak. Dumating ang araw na nag-karoon ng matinding kasalanan ang anak sa kanyang ina. Nahuli ng ina na nangungupit ito ng pera sa kanyang taguan. Nagalit ang ina at pinag-sabihan ang anak. Humingi ito ng tawad at ito naman ay pinatawad agad ng kanyang ina. Ngunit sa pangalawang pag-kakataon ay nahuli nanaman siya ng kanyang ina, kaya naman sinabi sa kanya ng kanyang ina, na iiwanan na siya nito at pupunta sa malayo. Sa takot ng anak ay muli itong humingi ng tawad sa ina. Sa pag-kakataong ito ay nag-sisi ang bata at inamin ang kanyang nagawa at nangakong hindi na uulit pa. Kaya naman ay muli siyang pinatawad ng ina. Dahil dito hindi na umulit pa ang anak at itoy naging mabait sa kanyan ina.

            Ganito ang dapat na pag-hingi natin ng kapatawaran sa ating Diyos. Itoy ating pag-sisihan at siguraduhing hindi na tayo uulit pa. Sapagkat ang pag-hingi lang tawad ay hindi sapat, dapat ay buong pusong pag-sisihan at itama ang kamaliang nagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MODERN-DAY PARABLEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon