"Ang Talinghaga ng Isang Ama" -Grace

256 2 0
                                        

Grace

“Ang Talinghaga ng Isang Ama”

Mayroong mag-ama na naninirihan sa isang lungsod. Ang ama ay napakabuti sa lahat, lalung-lalu na sa kanyang anak. Subalit ang anak ay tila hindi namana sa ama ang pagiging mabuti. Maraming kalokohang ginagawa ang anak na ito. Palagi niyang binibigyan ng sakit sa ulo ang kanyang ama. Ito naman ay iniintindi ng ama ngunit hindi nito kinukunsinti ang anak at itoy kanyang pinag sasabihan. Ipinapaalala ng ama sa kanyang anak ang tama at mali, at palagi nitong sinasabi sa kanyang anak na mahal na mahal nya ito. Palaging pinapadama ng ama sa kanyang anak kung gano sya ka-mahal nito. Subalit ang anak ay matigas parin ang ulo at palagaing sumusuway. Kahit ganito ang pinapakita ng anak sa kanyang ama, ay binibigay parin nito ang mga kailangan at kagustuhan ng anak. Isang araw ay nadisgrasya ang anak, at dinala ito sa pinakamalapit na ospital. Nabalitaan ito ng ama at dali-daling nagpunta sa nasabing ospital. Pagdating doon ay umiiyak na nagtanong ang ama kung ano ang kalagayan ng anak. Sinabi sa kanya na malubha ito at kailangang salinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Sinabi ng ama na siya ang gamitin upang ang anak ay masalinan ng dugo. Sinabi sa kanya na hindi sapat iyon, dahil maraming dugo ang kailangan. Ikamamatay niya ang labis na pagkawala ng dugo. Subalit, nagpumilit ang ama. Sinabi niyang handa siyang ialay ang kaniyang buhay para sa anak, at gayun na nga ang nangyari. Naisalin ang dugo sa anak subalit, sa dami ng kinailangang dugo ng anak ay madami rin ang inialay ng kanyang ama. At dahil maraming dugo ang nawala sa kanyang ama ay hindi nito nakayanang mabuhay pa. Nabuhay ang anak subalit nasawi ang kanyang ama.

Ganito ang tinatawag na “Grace”. Katulad ng anak sa talinghaga, hindi tayo karapat-dapat sa pagmamahal at mga pagpapala ng ating Diyos. Marami tayong ginagawang masama, subalit nariyan parin ang Diyos para sa atin. Mahal na mahal tayo at hinding hindi tayo iiwan.

MODERN-DAY PARABLEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon