"Ang Talinghaga ng Kotse" - Atonement

277 3 0
                                    

Atonement

“Ang Talinghaga ng Kotse”

 

May isang binata na nagmamay-ari ng isang napaka-gandang kotse. Ito’y pinag-titinginan at pinagmamasdan sa tuwing dumadaan sa alin mang mga kalsada. Dumating ang araw na ang lalaki ay nasadlak sa problema. Nalulong siya sa kung anu-anong bisyo, at pagsusugal.

Siya ay nabaun sa utang at nag pasya na isangla ang kanyang magara at napaka-gandang sasakyan. Ito’y kanyang isinangla upang siya ay magkaroon pera at mabayaran ang iba niyang utang. Dumating ang takdang araw na kailangan na niyang tubusin ang kanyang sasakyan. Kapag hindi niya ito nagawang tubusin, ang sasakyan niya ay mapapasakamay ng kanyang pinagsanglaan at hindi niya na ito mababawi pa. Subalit walang kakayahan ang binata na tubusin ang kanyang kotse.

Ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa. Subalit ito ay hindi naging sapat. Nakarating sa ama ng binata ang pangyayari. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa kanyang anak, ang ama ang tumubos ng sasakyan at ito’y ipinagkaloob muli sa kanya.

Ganito ang pagmamahal sa atin ng Diyos. Tayo’y walang kakayahang tubusin ang ating buhay kahit anong gawin natin.

Tanging ang Diyos lamang ang siyang may kakayahang tubusin tayo upang tayo ay maligtas at magkaroon ng maganda at mapayapang buhay.

MODERN-DAY PARABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon