Ang Talinghaga ng Isda -Trinity

217 3 0
                                    

Trinity

 

“Ang Talinghaga ng Isda”

 

Mayroong isang pamilya na nakatira malapit sa dagat. Ang kanilang pangunahing ulam ay walang iba kundi isda. Gayun pa man ay masaya sila at kuntento sila sa kinakain nilang ito sa pang araw-araw. Dumating ang araw na magkakaroon sila ng bisita. Naisip ng pamilya na gawing espesyal ang paghahanda ng pagkain upang ang mga ito ay matuwa. Humuli sila sa dagat ng bangus. Tinimplahan nila ito at gumawa ng tatlong klase ng paraan ng pag-luto. Ang una ay prito, ang pangalawa ay sinigang, at ang pangatlo ay paksiw. Ang tatlong klase ng kanilang pag luto sa isda ay katakam takam, sa amoy pa lamang ay gugutumin ka. Dumating ang mga bisita, nagpahinga saglit at pumunta na sa lamesa upang kumain. Inihanda naman ng pamilya ang pagkain, at nakangiti silang pinagsilbihan. Nag-tanong ang isa sa mga bisita tungkol sa ulam. Itinanong niya isa-isa kung ano ang mga ito. Sinagot naman ng ama ng pamilya na siyang nagluto, “iyan po ay pritong bangus, sinigang na bangus at paksiw na bangus,” sagot ng ama, “iyan po ay magkakaibang putahe subalit iisa lang po iyan, ang tatlong iyan ay isda.”

Ganito rin ang ating Panginoong Diyos. Inihayag niya ang kanyang sarili sa tatlong persona. Ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Gayun pa man ay iisa parin sila. Iisa parin ang ating Diyos.

MODERN-DAY PARABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon