"Kadakilaan ng Ama" -The Love of God for Humanity

350 3 0
                                    

The Love of God for Humanity

“Kadakilaan ng Ama”

            May isang ama na kilalang kilala dahil sa labis na pag-mamahal sa kanyang anak. Lahat ay namamangha sa ama na ito sapagkat nakukuha parin nitong mahalin ang kanyang anak kahit pa itoy palagi na lamang nag-bibigay ng sakit sa kanyang ulo. Kadalasan pa nga ay malaking kasalanan ang ginagawa nito sa kanyang ama. Subalit ito parin ay iniintindi ng kanyang ama ngunit hindi nito kinukunsinti ang mga maling gawain nito, palagi niyang pinag sasabihan at pinapaalalahanan ang anak. Subalit napakatigas parin ng ulo ng bata na para bang ang puso nito ay bato. Marami ang nag-sasabi sa ama na iwan na niya ang kanyang anak at pabayaan sapagkat wala naman itong ginagawa kundi sutilin lang ang ama. Subalit kahit ano pang sabihin ng iba at kahit ano pang kasalanan ng anak ay patuloy parin ang ama sa pag-mamahal at pag-aalaga dito. Dahil dito, nabago ang anak dahil nalaman at naramdaman nya ang labis-labis na pag-mamahal sa kanya ng kanyang ama.

            Ganito ang pag-mamahal ng Diyos sa ating mga tao. Kahit tayoy makasalanan, patuloy parin ang kanyang pag-mamahal at pag-bubuhos ng biyaya sa bawat isa sa atin. Ang kanyang pag-ibig sa atin ay walang kundisyon. Kahit paulit-ulit tayong nag-kakasala ay patuloy parin niya tayong pinapatawad. Itoy tanda lamang ng kanyang labis-labis na pag-mamahal sa atin. Kaya dapat ay mag-bago tayo. Dahil sa huli, kapag tayoy hindi naka-hingi ng tawad sa kanya at hindi tayo gumawa ng mabuti habang nabubuhay pa upang sundin ang kalooban niya, ay siguradong huli na ang lahat upang mag-sisi pa sa araw ng kanyang pag-pili sa mga taong kanyang makakapiling at makakasama sa habang panahon. Mahalin natin ang Panginoong Diyos at ipakita ito sa pamamagitan ng pag-sunod sa kanyang mga utos at pag-sunod sa kanyang mga kalooban.

MODERN-DAY PARABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon