"Ang Talinghaga ng isang Estudyante" - Second Coming

1K 3 0
                                    

Second Coming

 

“Ang Talinghaga ng isang Estudyante”

 

            Sa isang magandang syudad ay may isang napaka-gandang paaralan. Ang lahat ng kabataan ay nais na makapag-aral dito. Ang paaralang ito may mga respetadong manggagawa tulad ng guro at iba pa. Sa paaralang ito ay may isang estudyante na tila ay walang hilig sa pag-aaral. Ayaw niyang sundin ang kanyang guro.  Palagi siyang pumapasok subalit ang isip niya lumilipad, kung anu-ano ang ini-isip. Minsan pa nga ay tinawag siya at hindi niya alam ang isasagot kahit napakadali ng tanong. Dumating ang araw ng kanilang pag-susulit at siyay walang nasagot. Dahil dito, siyay bumagsak at naiyak sa resulta ng kanyang marka. Nakita siyang umiiyak ng kanyang guro at sinabi sa kanya, “Sige pag-bibigyan kita. Aralin mo ang mga tinalakay natin at bibigyan kita ng isa pang pag-susulit sa susunod na buwan.” Natuwa ang estudyante sa narinig niyang ito. Subalit sa mga araw na dumaraan, hindi niya inaaral ang mga tinalakay ng kanyang guro. Palagi niyang sinasabi sa sarili na matagal pa naman iyon. At dumating na ang araw ng ikalawa niyang pagkakataon sa pag susulit. Muli, ay wala siyang nasagot. Siyay muling bumagsak at sinabi sa kanya ng kanyang guro, “Ito na ang ikalawa at ang huli. Wala na akong magagawa pa. Ikaw ay nabigo, kaya tanggapin mo ang bunga ng iyong kapabayaan.” Nag sisi ang estudyanteng ito at sinasbi sa sarili n asana ay ginawa niya ang lahat. Subalit huli na ang lahat para dito.

            Ganito ang muling pag-babalik ng ating Panginoon. Dito ay huhusgahan na tayo batay sa ating mga nagawa. Huli na ang lahat para sa pag-sisisi. At sa mga gumawa ng kalooban ng ating Panginoong Diyos habang nabubuhay ay siya din lamang ang maliligtas at makaka-piling ng ating Panginoon sa habang panahon.

MODERN-DAY PARABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon