Huminga ako nang napakalalim habang nakatayo sa labas ng pintuan ng mga Emilio. Iniisip ko nab aka nandito si Thaddeus, kailangan ko siyang makausap. Kailangan naming linawin ang mga bagay sa buhay-buhay namin. Hindi pwedeng maikasal kami – hindi kasi ako papaya talaga. Kahit na ano pang gawin at sabihin ni Mommy sa akin – kahit na ipa-revoke pa nila ang lisensya ko bilang doctor ay hindi ako papayg na magpakasal. Naisip ko na baka kapg nakausap ko siya ay pumayag siya sa gusto ko. Hindi naman siguro niya talaga gustong sabihin na siya ang masusunod sa aming dalawa. Baka tinatakot niya lang ako., baka hindi niya lang matanggap na ganoon dapat – baka ginagawa niya lang iyon para ayawan ko siya at hindi naman na niya kailangan magpakapagod sa kakagawa ng paraan para ayawan ko siya – effortless – ayoko talaga sa kanya.
"Georgina!"
Nagulat ako nang bumukas ang pinto tapos ay lumabas ang Mama ni Thaddeus. May dala siyang malaking brown paper na may lamang kung ano sa loob. Mukhang magaling na siya, kung sabagay, hindi naman talaga siya nagkasakit kasi nagsakit-sakitan lang siya. Pinilit kong ngumiti.
"Nariyan po ba si Thaddeus?" Tanong ko. Nakangiti pa rin siya. Hinawakan niya ang braso ko.
"Kung si Ido, sumama ka na sa akin. Pupuntahan ko siya ngayon. Halika." Hinatak niya ang kamay ko tapos ay sumakay kami sa isang pulang kotse. Nasa loob na kami kaya wala na akong magagawa. Siya na ang nagmaneho para sa aming dalawa at habang nasa byahe ay wala siyang ginawa kundi ang ikwento ang kanyang anak. I acted as if I was interested. Naisip ko na kailangan kong kunin ang loob ng nanay nya para kapag nabuko ko na talagang criminal si Thaddeus ay madali siyang maniniwala sa akin – lalo na kapag she trusts me.
"Siya po ba ang panganay ninyo?"
"Ah... hindi. Si Giting ang panganay ko. Magiting ang pangalan niya dahil ipinanganak siya noong Araw ng Kagitingan, kaya lang, noong sumali siya sa frat noong college siya, ayon, ikinamatay niya." Paliwanag ng babae Bigla akong natahimik. Hindi naman ako nakapag-comment. Ayokong makialam sa part na iyon ng buhay niya. Kahit na gusto kong tanungin kung anong aksidente ay hindi ko naman magawa. Ayoko ng personal attachment mula sa kanila. I have my own agenda.
Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa bahay ni Thaddeus. Bungalow lang ang bahay pero modern ang style noon. May malaking letter T sa may front door na napipintahan ng kulay silver. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Iyong thought na makikita ko siya, hindi ako mapakali. I just can't... I took a deep breath and followed his mom. Pumasok kami sa loob. Nakita ko naman na may kasambahay siya na siyang nagbukas ng pintuan sa amin.
"Nasaan si Thaddeus?" Tanong ko. Napatingin sa akin si Grace. Ngumiti siya at ipinagtulakan ako sa daan patungo sa mga silid.
"Bumaba ka diyan sa dalawang baitang tapos iyong dulong kwarto sa hallway, naroon ang silid niya. Sige na, tawagin mo na siya para makapananghalian na tayo." Malambing na utos niya sa akin. Huminga ako nang malalim. Okay, gagawin ko ito pero ginagawa ko lang ito para hindi kami matuloy sa kasal. Hahanap ako ng katunayan na hindi siya mabuting tao at aalis ako sa buhay niya na parang napapaso. Ayokong magpakasal kay Thaddeus, ayoko sa kanya. Ayoko talaga. Lumakad ako patungo sa dulong pintuan. Habang naglalakad sa hallway ay doon ko napansin ang iba't ibang litrato ng mga sikat na building at tower sa iba' ibang bansa.
Napansin ko agad ang litrato ng Eiffel tower, mayroon ding litrato ng Burj Kalifa, Liberty Statue – sa New York, iyong Needle sa Seattle at iyong Tokyo Tower sa Japan.
Ayoko man ay na-impress ako. Looks like Thaddeus loves travelling and maybe he's the one who took the pictures. Wala kasing signature iyon ng mga kilala photographer sa bansa. I reached his door. Kakatok sana ako nang mapansin kong bukas iyon kaya pumasok na lang ako.
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
General FictionRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...