Nagising ako nang wala si Thaddeus sa tabi ko. Alas dos na nang madaling araw pero wala pa rin siya. Hindi ko alam kung natuloyang pakikipag-usap niya sa mga magulang ko. Hindi na kasi niya ako kinausap matapos niyang sabihin na magpahinga ako.
Nakaramdam ako ng gutom. Nakatulog kasi ako kaninang alas - syete dahil sa pagod at sa pag-iisip. Nasaan na nga kaya si Ido? I sighed. Kahit hirap at makirot ang tuhod ko ay tumayo ako para hanapin siya sa labas pero walang tao sa bahay na iyon. Dumiretso na lang ako sa kusina para maghanap ng makakain. I saw a piece of cake inside the ref - iyon na ang kinain ko. Habang nakaupo sa dining table ay napansin ko ang isang litrato doon. Kinuha ko iyon at tinitigan. Palagay ko ay si Ido ang binata doon. Mas bata ang hitsura niya tapos ay may kaakbay siyang babaeng mataba. Maybe that was his sister.
Tiningnan ko ang likod ng litrato.
Baby Butchog and Kuya Ido.
I smiled. Ang sweet lang ni Ido. I wish ganoon din ako sa mga kapatid ko. Guarded ang feelings ko pagdating sa kanila but I care deeply about them - lalo na kay Danelle. Kahit naman kasi saan ako magpunta, baliktarin man ang mundo, kapatid ko siya. Naiinis lang ako sa mga desisyon niya sa buhay but I love Danelle. Galit nga lang ako sa kanya dahil sa choices ni Dad but still, she is my sister.
Maya-maya ay naulinigan ko ang mga yabag sa sala. Marahil ay si Ido na iyon. Lumakad ako at kinapa ang switch ng ilaw. Nakita ko si Ido na half naked at pasaan ang gilid ng mukha.
"Ido!" Napasigaw ako.
He looked at me and he was grinning. "Wow! Ganyan mo ba ako na-miss, Georgie?" Maloko na naman ang tono niya. Napabilis ang lakad ko.
"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka nakipag-away?!" Kumuha agad ako ng pang - first aid sa kanya. Naupo si Ido sa sofa. Mukhang masama ang tama ng panga niya. Habang nakaupo siya sa sofa ay umupo naman ako sa binti niya. I was on top of him. Noon ko siya ginamot.
"Aw!" He exclaimed. I looked at him.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko. "Bakit ka nga nakipag-away?"
"Eh gago kasi iyong Javier Consunji na iyon! Hindi ako papayag na masaktan ka niya ulit!"
Napatitig lang ako kay Ido. No one had ever showed me such care - siya lang. Hindi ko nga inaasahan na sa kanya ko pa mararamdaman iyon samantalang kinamumuhian ko siya dati.
"Makinig ka muna sa akin, Ido." Sabi ko sa kanya. I gently cupped his face. "We're a thing right? And I want you to not do anything to Javier or to his lot."
"Bakit? Dahil may gusto ka kay Javier? Basagin ko mukha noon eh! Mas gwapo ako doon! Mas hot ako doon! Mas malaki ang batuta ko kaysa doon!"
Medyo na-slow ako. Hindi ko alam kung anong batuta ang sinasabi niya sa akin. Napailing na lang ako.
"Hindi! Yes, there was a time when I fell for him but that's over now. Paninindigan ko na itong we're a thing na ito." I said to him. Medyo kumalma ang mukha niya. Para bang pinipigilan niyang ngumiti.
"Putsa, kinikilig ako, ampota! Pa-kiss na nga lang!" Sabi niya pa sa akin. Pinanlakigan ko siya ng mga mata tapos ay hinagkan. Ginamot ko na lang ang mga pasa niya. I made a mental note to talk to Javier the next time I see him. Kailangan niyang intindihin na off - limits si Ido sa galit niya sa akin.
Alam ko naman na mali na itulak ko si Danelle. Doctor ako, alam ko ang stress na dala noon sa kapatid kong buntis but I just couldn't let my feelings in. If I could only tell her. Hindi naman ako ganoon kasama. I wanted to tell her for her to feel sorry for dad and for me to have someone I can lean on beside me, pero kapag sinabi ko para ko na ring ipinagsangkalan ang buhay ng pamangkin ko na nasa loob ng sinapupunan niya.
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
General FictionRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...