Hindi ko alam kung anong pakay sa akin ng magpipinsang Consunji na iyon. Iniwan ko sila sa bahay ni Hera dahil wala akong panahon sa kakadada nila. They were too guilty at iyon lang ang alam kong rason kaya sila naggagaganoon. Nagpasundo ako kina Axel John sa Tagaytay. Habang nasa sasakyan kaming lima - buo kami ngayon at na-miss ko talaga silang lahat - lalo na si Azul. Kaming dalawa ni Azul ang nasa likod. Si David ay nasa gitna ng van kasama si Monmon, naglalaro yata sila ng psp na mag-ama. Si Judas naman ang nagmamaneho habang si Axel John ang dakdak nang dakdak sa harapan. Hindi ako nakikinig sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako.
Habang tahimik ako at naiisip ko ang mga bagay na naging dahilan nang pag-iwan ko kay Georgina ay natatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko ang sarili kong maging duwag at iniwan siya nang ganoon na lang. Iniisip ko na baka ako ang dahilan kaya siya mapapahamak. I never thought that I'd think about that but now that I did, I want to punch myself in the balls.
"Tahimik ka yata?" Narinig ko si Azul. Bahagya akong timingin sa kanya. Ngumisi ako sabay haplos sa tuhod niya pataas. Binatukan niya ako.
"Na-miss lang kita. Umuwi ka sa akin ngayon, Mahal ko."
"Ulol ka, Ido! Fuck you! Tulak kita sa van palabas! Tang ina mo! Mabaog ka!"
"Dad! Dad! Daddy! Ano po iyong baog?" Tanong ni King Solomon sa tatay niya. Ako na ang sumagot.
"Iyon iyong mangyayari sa'yo, Lobo kapag ginaya mo si Dad! Dad! Daddy! mo na thirteen years naging supot! Mababaog ka tapos magkakaroon ng agiw ang bur mo!" Binatukan ulit ako ni David saka inirapan ako.
"Mon, 'wag kang makinig sa Ninong mo! Sira ulo iyan!"
"Opo, Dad! Sabi po ni Mommy, puta daw po si Ninong Ido. Malandi daw po kasi. Ano po iyon?"
"Yaan mo si Mommy, Monmon. She's always right!" Hinaplos ni David ang mukha ng anak. I was just looking at them. Naiisip ko na gusto ko na talagang magkaroon ng pamilya. Gusto ko ng supling. Gusto ko ng asawa. Nagkaroon ako noon. At noon, palaging sila ang nakikita ko kapag iniisip ko ang kinabukasan o ang hinaharap pero ngayon, nakikita ko na lang si Roma bilang parte ng nakaraan at si Amarah bilang isang bagay na minsang ibinigay sa akin ngunit binawi dahil mas kailangan ng anghel ng Panginoon.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Judas.
"Kay Georgina..." Wika ko. Kinakabahan ako kapag nababanggit ang pangalan niya. Pwede kasing nainip na siya at nag-move on sa buhay niya at hindi na niya ako bigyan ng puwang sa puso niya. Ikamamatay ko iyon.
"Oh, narinig ninyo." Sabi nI Azul. "Diretso na tayo kay Georgina nang ma-beast mode na ni Ido. Pero pare, isarado mo ang bintana ha."
"Mag-move on na kayo! Magdadalawa na nga ang anak ko!" Sigaw pa ni Axel John. Nagtawanan ang mga kasama ko pero ako naman ay kabadong - kabado. Nakatulog na ako at nagising pero hindi pa rin kami nakakarating kina Georgina. Sobrang traffic kasi. Naubos na nga ni Monmon ang isang box na pizza na binili ni Judas kanina sa hi-way. Ngayon nga ay gutom na naman siya pero nasa traffic pa rin kami.
"Putang inang traffic ito! Babarilin ko iyong mga traffic lights na iyan eh!" Sigaw ko.
"Wag, Ido. Gago ka!" Sabad ni KD. May kung anong ngiti sa mukha niya. "Traffic lights are more than traffic lights, you know. Sometimes, they give direction in our lives too."
"Erection kamo." Sabi pa ni Judas. "Naalala ko dati may kasama akong babae, ni-tsu--"
"Gago! May bata!"
"Oo na!"
Finally. Narating namin ang bahay nila Georgina. Malapit na kami nang mapansin kong may nakahintong sasakyan sa mismong tapat ng bahay nila. Nakita ko rin si Georgina may may kausap na lalaki. Nakita ko lahat pati ang paghalik na ginawa ng lalaki sa pisngi ni Georgina.
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
General FictionRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...