Thaddeus # 9

148K 4.8K 641
                                    

"What kind of event?"

Bahagya akong naguluhan nang marinig ko ang sinasabi ni Ido sa kabilang linya. Ilang beses niya akong tinatawagan ngayong araw na ito pero hindi ko siya sinasagot. Nag-file rin ako ng indefinite leave sa ospital. Hindi ko talaga kinakaya ang mga nangyayari. I wanted to leave the family, I wanted to leave the country and start a new life away from all of this.

"Iyong event na maraming tao. Iyong pwede kaming pumasok sa ospital ninyo."

"Kayo?" Napabalikwas ako ng bangon.

"Yes. Kami. I can't go on with the details now. I can't. Sasabihin ko sa'yo kapag kaharap na kita. Hindi ko pwedeng i-risk. Baka may nakikinig sa usapan natin."

"Fine." I rolled my eyes. "There's this coming event in the hospital. Annual ball. Doon siya gaganapin sa mismong Medical City. It's a ball, so it's formal. If you want to do something unnoticeable, doon ninyo gawin - at pwede ba, Ido, h'wag mo akong tawagan na. Ayaw na kitang makausap."

Binabaan ko siya ng phone. Noon ko lang naisip na hindi ko pala nasabi sa kanya kung kailan ang ball na sinabi ko sa kanya. Wala ako sa mood para makipag-usap kay Ido. Gusto ko lang munang mapag-isa. I know that I am not good at being alone - minsan kasi sinasabi ko lang na gusto ko na mag-isa para magmukhang kaya ko ang lahat ng bagay - like now... I really needed someone to talk to, pero dahil sa tingin ko ay hindi nila ako maiintindihan ay pinili ko na lang na mag-isa.

I sighed. I stood up and opened my door. Lalabas sana ako para kumain nang magisnan ko si Daddy na nakatayo sa labas ng silid ko at akmang kakatok. I smiled nervously. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan pero masaya naman akong makita siya.

Bigla kong naisip kung nakita niya ako nang umagang may nagtangkang bumaril sa kanya. Napansin ko na dumami lalo ang body guards ni Dad at ni Mom matapos ang insidenteng iyon.

"May sakit ka ba, Gina?" He asked me. "Nag-file ka daw ng leave. What's wrong, may masakit ba?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Walang namutawing salita sa akin. Niyakap ko na lang si Daddy. Hindi ko napigilan ang hindi mapaiyak. Alalang-alala ako sa kanya. Galit na galit naman ako kay Danelle. Kung hindi naman kasi dahil sa kanya, wala naman kami sa ganito.

"Dad, mahal na mahal kita." Hindi na ako nahihiyang magsabi. I remember Tita Ella - she was always telling me to be more expressive than this. Nahihiya kasi akong magsabi talaga.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap ko kay Daddy. He was smiling.

"Mukhang may sakit ka nga, Gina. Halika, ipapatingin kita sa Uncle Nathan mo."

"Dad naman! Bakit ba hindi mo na lang sabihin na I love you, too sa akin? Dahil ba hindi ako si Danelle? Dahil hindi ako ang favorite mo?"

Nakita kong napanganga si Daddy. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Umalis na ako sa harapan niya at nagtuloy sa ibaba. Sa pagbaba ko ay nakita ko naman si Danelle. Nandito pala ang magaling kong kapatid. Kasama niya si Javier. They were talking inside the living room. Javier even kissed my sister - it was a sneak smack and it made my sister laughed. And I hated her more for that.

"George! Hi!" Bati niya nang mapansin niya ako. Lumapit siya sa akin. Nakangiti siya. Akmang hahalikan niya ako sa pisngi ng sampalin. Napatayo si Javier.

"Until when are you going to wreck this family, Danelle?!" I asked. To the rescue naman si Javier sa kanya. Nagulat ako nang harapin niya ako para sampalin din.

"You have no rights, Georgina!"

"Meron akong karapatan!" Pigil ang luhang sigaw ko. "You don't know what she did to this family!"

Thaddeus: The Conceited Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon