"Ma, wala ako sa Pilipinas. Sabihin ninyo diyan sa doctor na patay na patay sa akin, hindi niya muna makikita ang ka-gwapuhan ko at hindi niya muna mararamdaman ang hotness ko dahil busy ako."
Ngumuso ako habang nagsasalita. Wala naman ako sa ibang bansa. Nasa resort ko ako sa Batangas at nagpapahinga. Kailangan ko lang makalayo sa lahat ng stress sa buhay ko ngayon. I nee to breathe at hindi ko magagawa iyon kapag palaging nasa paligid ko ang nanay ko. Wala siyang ginawa kundi ang mag-set nang mag-set ng date para sa amin ni Georgina Varess. Hindi ko naman siya gusto -- in a way na pakakasalan ko siya. Gusto ko siya na maikama. Masarap siya para siyang sinigang.
Hindi ko makakalimutan ang lasa ng labi niya, lasang sampaloc. Maasim na manamis-namis. Para sa akin ang mga babaeng natitikman ko ay may kanya-kanyang putahe. May sarili silang lasa --- parang ulam. May kanya-kanyang unique na pampagana -- pero si Roma - siya ang pinakamasarap sa lahat. Siya ang sinigang ko na habang tumatagal lalong sumasarap.
Si Georgina, kakaiba din ang lasa niya. Malapit na siya sa pagiging paksiw na isda. Maasim -- kumakagat ang asim niya. Fiesty and fierce --- kabligtaran ng gusto ko sa buhay pero sakto ng babaeng gusto kong ikama. Napailing na lang ako, alam kong matatawa na naman ang mga kaibigan ko kapag nalaman nila kung anong iniisip ko. Sasabihin nila na puro libog lang ako - sa ngayon kasi ay iyon lang talaga ang kulang sa buhay ko - hindi naman ako naghahanap ng relasyong pamatagalan. I just need someone to get me through the night - iyong makakasama ko haggang sa makatulog ako. Ayoko naman kasing mag-isa. Sa gabi, sa halip na makatulog ako ay naiisip ko ang mga pwedeng nangyari sana kung hindi ako umalis ng bahay nang umagang iyon.
Siguro buhay pa sila at siguro may kapatid na si Amarah. Siguro kung naroon ako at dumating ang gumawa noon sa kanila ay napatay ko ang mga iyon at nabuhay ang mag-ina ko. Paminsan-minsan ay naiisip ko si Roman, madalas akong magising sa gitna ng gabi na tila ba nararamdaman ko pa ang yakap niya mula sa likod ko pero alam kong panaginip lang ang lahat nang iyon. Hindi naman na siya babalik, hindi ko na siya makakasama. Inaalagaan ko ang sarili para matagal ang buhay ko, para matagal kong isipin ang mga what ifs ng buhay ko. Kung ang ibang tao ay ayaw isipin ang what if, ako gusto ko iyon - iyon lang kasi ang tanging paraan para maisip ko at makasama ko sa isipan ko ang mag-ina ko.
Tumayo ako at pumasok sa bahay ko na nasa gitna ng resort na iyon. I went straight to my bed, matutulog sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Liwayway.
"Bakit, Butchog?" Tanong ko na nakakunot ang noo.
"Kuya, alam kong wala ka sa ibang bansa, you have to get to the hospital! Inatake si Mama sa puso!" Frantic na sigaw niya sa akin. Napatayo naman ako agad at hindi na sumagot. Tumakbo ako sa kotse ko at sing bilis ng kidlat.
Ramdam na ramdam ko sa dibdib ko ang kaba at ang pagtibok ng puso ko. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa kong tawirin ang halos ilang milya ng distansya mula sa Batangas papunta sa Varess Medical City. Tinawagan ko si Liwayway, sinagot naman niya at sinabi kung nasaan sila. Umakyat ako sa fourth floor at pinuntahan na si Mama. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Liwayway, si Papa, Mama, si Mrs. Varess, at si Georgina - ang babaeng patay na patay sa akin.
"Ma? Ma? Mama!" Dinaluhan ko si Mama na nakapikit pa. Hawak naman ni Papa ang kamay niya tapos ay nakadikit sa puso niya. Hindi ako mapakali. Ayoko nang nararamdaman ko. Ayokong mawalan na naman muli. Ayokong maramdaman ang kalungkutan na naramdaman ko nang mawala ang mag-ina ko.
"Ma..." Tawag ko. Dumilat siya at tiningnan ang lahat. Napaluha siya nang makita ako.
"Ido... kapag hindi mo pinakasalan si Georgina, mamamatay ako, may cancer ako, stage five." Umiiyak na sabi niya. I made a face.
"Ma, mahal kita pero hanggang stage 4 lang ang cancer. Ma, 'wag kang adik." Lalo siyang napahagulgol. Tumingin ako sa palagid. Nakita kong iiling-iling ang babaeng iyon habang nakatingin sa amin. She walked away. Sinundan ko naman siya. Ngayon ko lang nalaman na dito rin siya nagtatraaho - na may kinalaman pala siya sa mga Varess.
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
Ficción GeneralRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...