I needed to breathe pero hindi ko naman alam kung paano. Hindi ako inihatid nila Ido sa bahay namin nila mommy tulad ng sinabi ko sa kanya. Kaya lalo akong nainis. Ayokong nawawalan ako ng power over the people I am with. Call me a control freak or whatever - I don't care, I just don't want to be the weak one.
Instead of taking me home, dinala niya ako sa isang bahay. Sila ni Judas ang nag-uusap lang. Hindi ko naman matingnan si Judas Escalona. Naiinis ako sa kanya. He's my dealer - well not that way but I am his client. Kilala niya ako simula pa lang noong nag-aaral ako. I had been his client for that long - halos sabay lang yata kami ng kapatid ko at ang ikinagagalit ko, sinabi niya ang sikreto ko kay Ido. Kung nasabi niya kay Ido, kanino niya pa kaya binanggit?
Bumaba kami ng sasakyan. Tahimik na sumunod ako sa kanila. Naiisip ko si Dad. Nakauwi kaya siya ng safe? Sinundan kaya siya ng mga lalaking iyon? Bakit ba kasi hindi na lang nila kunin ang gusto nila - kung totoo nga ang sinasabi ni Ido sa akin at pabayaan na lang nila ang daddy ko? Madali lang naman iyon. My dad is a good person and he loves our family very much. Hindi na rin ako nagtataka kung nagawa nga niya iyon para kay Danelle. Ang ikinagagalit ko ay para bang walang alam si Danelle at wala siyang pakialam sa nangyari.
Kumatok si Judas sa main door, kaagad namang bumukas iyon at nakita ko ang isang batang lalaking kasing bigat yata ng sako ng bigas times two na kumakain ng popsicle habang nakatingin sa amin.
"Hi, Uncle Jude, Ninong Ido and that lady!"
"Hello, Mon. Nasaan ang tatay mo? Nalaman niya ba na kinuha namin ang Escalade?"
Kumunot ang noo ko. Napatingin ako ssa kotseng itim sa likod ko. They stole the car and the little boy helped them? What kind of people am I dealing with?
"Mga putang ina ninyo!"
Napasinghap ako nang lumabas ang isang lalaking naka-pants lang. He was showing his abs and his tattoo to the world while holding a gun and pointing it to Ido and Judas. Nakadama ako ng takot. Takot para sa akin at para sa batang nakagitna sa kanila.
"Dad! Dad! Daddy! Nandito ako! Bad iyan eh!" Sabi bigla ng bata. Tumingin ang lalaki sa batang mataba.
"Sige na, Mon, pumasok ka muna sa loob."
"Lagot kayo mga Tito!" Humagikgik pa ang bata na tila hindi natatakot sa mga nagaganap samantalang ako nangnginig na ang tuhod ko.
"Hindi ba kayo marunong manghiram! Halos pagpapatayin ko iyong mga guards dito! Mga putang ina ninyo!"
"Gago!" Sabi ni Ido. Tinabig lang niya ang baril na parang ganoon na lang. Bumaling sa akin si Ido kaya napatingin rin sa akin ang kausap nilang lalaki.
"Oh, sino iyan? Iyan ba iyong aasawahin mo?"
"KD! Walang class iyang bunganga mo!" Sabi pa ni Ido. "At mag-t-shirt ka nga! Akala mo naman naaakit ako sa abs mo! Tse!"
"What the hell is happening? Ido, iuwi mo na ako!" Sigaw ko na lang bigla pero hindi niya ako pinansin. Pumasok siang tatlo sa loob ng bahay na iyon. Napilitan akong sumunod. The house is huge pero ang pinaka napansin ko talaga ay ang puno sa gitna mismo ng bahay na iyon na nakapaloob sa fiber glass. Dahan-dahan akong lumapit doon - it amazed me how the owner of this house preserved the tree but then when I saw a big yellow snake inside - napaatras ako.
"Oh my god!" I hissed.
"Wala lang iyan, Georgina, hindi ka naman tutuklawin niyan. Iyong snake ko, nanunuklaw, wanna try?" Alam kong double na naman ang sinasabi ni Ido sa akin but then, I wasn't in the mood to answer him.
Hinarap ko siya. Tinulak ko siya at saka ko inilabas ang outburst ko.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Why can't you just take me home instead? Why can't you just tell me what the fuck is going on? I am tired of your puzzles! Just fucking let me go home!"
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
General FictionRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...