Metro, Philippines
Six months later...
I realized that I had to move on. Naisip ko na kung babalik si Ido, babalik siya at kung babalikan niya ako at kung totoo ang sinabi niya na mahal niya ako ay dapat nandito siya. We should've work things out by now pero wala siya dito at hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi ko alam kung may hinihintay pa ako o kung kailangan ko pang maghintay dahil hindi ko alam kung babalik pa ba siya.
"Tata!" Lumingon ako nang marinig ko si Ave Maria. Hindi ko inaasahan ang pagdating nilang pamilya. Siguro ay dadalaw sila kay Dad. Maayos na si Dad ngayon. His skin is healing fast. Naoperahan ko na siya at naging successful ang operasyon na iyon. He said that he was proud of me and that he loved me. Kung minsan ay naninibago pa rin ako tuwing sasabihin niyang mahal niya ako - hindi talaga kasi ako sanay. Alam ko na ngayon na mahal nila ako pero naninibago talaga ako.
Masaya ako dahil maayos kami ng pamilya ko.
"Hey, little girl!" Bati ko sa kanya. Hinagkan ako ni Ave Maria sa pisngi at saka yumakap sa akin. Nakangiti lang siya habang titig na titig sa akin.
"Nasaan ang mga kapatid mo?" I was talking about Dyosa Santa and her new little brother Arkanghel.
"With Lola and Lolo. Tata, why are you sad?" Ave Maria is three and she's very malambing to all. Nakakatuwa kung iisipin na dahan-dahan ay nagkakaroon ng sariling pamilya ang mga kapatid ko. Si Pablo ay engage na sa long - time girlfriend nito habang si Marcus ay hindi ko maintindihan ang relasyon na meron ito sa ex - girlfriend ni Ido. On and off silang dalawa. Hindi naman ako nakikialam sa kanila.
I was just a keen observer of their roller coaster relationship. Minsan si Marcus, uuwi nang masaya tapos minsan naman, inis na inis siya. Hindi lang naman iisang beses na inuwi ni Marcus si Bernadette sa bahay, what I am sure of is that Mom hates her. Quote and unquote mom, "Ayoko sa babaeng iyon, parang hindi siya stable." Napapangiti na lang ako dahil I know na hindi nga stable si Berna. May kaunting pitik siya sa buhay.
"Tata, when are you gonna have kids?" She asked me. Napatawa naman ako. Everyone seems to be really interested with my love life - na wala naman ako. Nagkaroon dati pero hindi naman na nasundan.
"Ikaw talaga, ang daldal mo." Sabi ko na lang. Kinarga ko siya para ipasok sa loob. Ibinigay ko siya sa tatay niya. Hindi pa rin kami maayos ni Javier. Civil lang kami sa isa't-isa pero hindi kami magkaibigan. I still hate him. Hindi ko makakalimutan na dahil sa kanya, nagulo kami ni Ido. I hate him, gabi-gabi ay pinagdarasal ko na sana mabaog siya pero hindi naman nangyayari dahil kapapanganak lang ni Danelle noong nakaraan.
Umakyat ako sa silid ko at nahiga sa kama ko. I was pouting. Nasaan na kaya si Ido? Hindi ko na talaga alam. I sighed. Tumayo ako para kunin ang librong binabasa ko kagabi. Pampalipas oras lang dahil ayokong maisip si Ido. Nang buksan ko ang drawer ay nahulog ang kulay pulang box ko. Kumalat ang laman niyon sa sahig. I sighed when I saw the pills I bought from Judas. Napapailing lang ako. Isa-isa kong pinulot ang mga iyon. These are the pills I bought but never took.
There was a time in my life that I wanted to be just like Danelle, pero hindi ko kaya. Hindi dapat. Subconsciously, I was thinking about my parents and how they will be disappointed if I become just like her.
Nang mapulot koi yon ay dineretso ko na sa bowl at saka ni-flush, there's no way I am going to be like Danelle. I knew that if she has a choice, hindi niya rin gagawin ang bagay na iyon. Again, I lied on my bed and stared at the ceiling, I was counting the cracks, thinking about Ido.
Sa inis ko ay tinawagan ko si Axel John. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Georgina, bakit?" Tila ba nagtatakang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
General FictionRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...