"What's this?"
Tumingin ako kay Ido habang nakatayo kami sa tapat ng isang malaking pinto sa ilalim ng bahay ni King David. Inaalalayan ko pa siya dahil nag-aalala ako na baka mabunggo kung saan ang balikat niya. Nilagyan ko ng sling ang braso niya para hindi niya iyon magalaw para hindi maapektuhan ang kanyang balikat. Nakaakbay naman siya sa akin.
Makailang beses ko siyang inirapan dahil habang naglalakad kami ay pinipisil niya ang right boobs ko. Panay niya kasing sinasabi na mas malaki daw iyong left sa right kaya daw papantayin niya. Ewan ko ba, gago si Ido pero kinikilig ako sa kanya.
"Sasabihin ko pero kiss muna." Sabi niya. Hinatak ko ang buhok niya tapos ay umingos ako. He just laughed. Hinalikan niya ako sa pisngi tapos ay binuksan niya ang pinto. Akala ko kama ang makikita ko but I felt my heart stopped beating when I saw what was inside.
In there, I saw gold - all kinds of gold - coins, vases, grails. Hindi lang iyon. May mga gems din and I am pretty sure I saw some diamonds too!
"Oh my god!" I muttered.
"Ito ang dahilan kung bakit maliban sa ang gwapo ko na, napakayaman ko pa. Diba na sa akin na ang lahat?" He grinned.
Parang nanginginig ang tuhod ko. Organize naman ang palligid. Hindi katulad nang mga nakikita ko sa pelikula na nagkalat lang ang kayamanan, itong treasure chest nila Ido na kasing laki ng kwarto ko ay organized.
Nabasa ko ang mga pangalan sa mga cabinet na naroon.
Azul's share...
Axel John's treasure.
King David Supot.
Impyerno ni Judas.
Thaddeus Victorious - pinakagwapo.
And guess what? Ido stood before the Thaddeus Victorious cabinet. Sinensyasan niya akong lumapit sa kanya tapos ay binuksan ang pinto niyon.
"Baby, mamili ka ng bato na ilalagay natin sa singsing mo." Sabi ni Ido. Napatitig ako sa kanya. Is this his way of proposing to me? Cause right now, I am pretty speechless.
Pero sa kabila ng karangyaan na nakikita ko sa harapan ko, nakuha ng isang larawan ang atensyon ko. I took it. It was beside a golden crucifix. It's a picture of a woman and her baby.
"Sila ba?" I asked him. He sighed.
"Yes... that was my wife, Roma and our little angel - Amarah. I figured, back then that they belong to my stash because I treasure them. Mas mahalaga pa sila sa kahit na anong mamahaling bato o ginto na nasa loob nito."
Hindi ko alam kung bakit pero may kaunting kirot akong nararamdaman. Alam ko naman na kasama sa buhay niya ang kwentong iyon ng mag-ina niya but I couldn't help but feel pain. Pakiramdam ko mas mahalaga sila sa akin - na alam kong hindi tama. Kahit na ayoko, nakakaramdam ako ng insecurity sa isang patay.
Ido cupped my face. "But hey, though I treasure them a lot, they're in my past. They will always have a place in my heart but my world now, revolves around you and our future kids." Sabi niya. Bumaba ang kamay niya sa puson ko. "Wala pa bang laman? Gabi - gabi na ah! Saka tuwing umaga!" Sabi pa niya. Bigla ay napahagikgik ako.
"Sorry, Ido but sometimes I feel inferior to your ex-wife." I honestly told him. Ngumiti siya.
"Wala kang dapat ika-inferior. You're alive. Your heart beats, your warm, you're here, isa pa masarap ka." He licked his lower lip. Binayo ko ang dibdib niya. "Seryoso. Alam ko kung anong pakiramdam nang nakikipagkompetensya sa taong wala na, hindi ko gagawin iyon sa'yo. Mahal kita, Georgina. Binuhay mo ang puso ko. Ikaw at ako, tayong dalawa, iisa tayo."
BINABASA MO ANG
Thaddeus: The Conceited Man Challenge
Fiction généraleRoma. Italya. Vatican. Pilipinas Sa mga salitang ito umiikot ang mundo ni Thaddeus Victorious Emilio. Nakilala niya si Roma sa Italya. Nagpakasal sila sa Vatican and namuhay nang masaya kahit na hindi tahimik sa Pilipinas. Mahal niya si Roma, mahal...