Thaddeus # 20

124K 4.1K 292
                                    

                  

One year later...

"Dad, your skin is getting better. Two weeks from now, I will operate on you and you'll be as good as new!"

Nakita kong napangiti si Mommy sa narinig niya. Hinawakan niya ang kamay ni Daddy tapos ay hinagkan niya ito. My father suffered from a third degree burn. Pero ang mahalaga doon ay ang nakaligtas siya at buhay siya ngayon at kasama pa namin. Half of his body was burned pero masaya naman si Daddy.

"Thank you, Georgina." He said. Napangiti lang ako at hinagkan siya sa noo.

"Magra-rounds muna ako, Mom. Bye Dad. Rest okay?" Lumabas ako ng silid niya. Sa ngayon ay si Uncle Juan Miguel ang nagpapatakbo sa ospital. The hospital suffered from the bombing too, in fact halos kalahati ng ospital ang under renovation ngayon but I didn't had to worry because Uncle Juan and Uncle Nathan are doing everything just to get back the glory of the Varess Medical City.

Wala naman nagbago sa buhay ko. I just lost someone but I gained my family back. I sighed. Napatitig lang ako sa chart na hawak ko. Walang araw na hindi ko siya inisip. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko noon na naging dahil nang pagkawala niya.

Thaddeus Emilio saved my dad but after that night, hindi ko na siya nakita, wala na ako balita sa kanya o kahit na sino sa mga kaibigan niya. I see Azul, occasionally pero halata na hindi siya komportableng kausapin ako.

I asked myself every night if back then, the love I feel for Ido was enough and I realized that maybe it's not that I had to jump to conclusions immediately after knowing things. Alam ko na dapat nakinig ako sa kanya, na dapat hindi ko siya pinagdudahan. Alam kong nagkamali ako pero huli na dahil wala na siya at hindi ko alam kung babalik pa siya.

Noong huli kong nakausap si Axel John ay sinabi niyang hindi nila alam kung nasaan si Ido. It's like he disappeared. No one knew where he is or what happened to him. Kinakabahan nga ako na baka namatay na siya o kung anuman pero ayon sa mga pulis, wala naman silang nakitanng bangkay ng isa pang lalaki. Walang bakas na iniwan si Ido. Walang kahit na ano.

It's like he never existed.

"Early out ako ha. Cancel mo muna ang clinic ko." Sabi ko sa secretary ko. I was smiling. Today is a special day. Kaya aalis ako ng maaga dahil gusto kong makarating nang maaga sa pupuntahan ko. I don't want to be late.

Bago ako tumuloy sa pupuntahan ko ay dumaan muna ako sa isang flower shop para kuhanin ang bulaklak na order ko, matapos iyon ay dumiretso na ako sa sementeryo.

Pinuntahan ko ang anak ni Ido. Today is her tenth birthday. Noong una ay pinupuntahan ko lang ang puntod ng asawa at anak ni Thaddeus dahil nagbabaka-sakali ako na naroon siya at magkakausap kami pero ni minsan – sa araw-araw kong pagpunta roon ay hindi ko siya nadaratnan. Minsan ay kinabahan ako dahil pagdating ko doon ay may fresh lilies. I knew that it was from him, pero sa tagal kong naghintay sa kanya ay hindi siya dumating. Bumalik ako kinabuksan pero wala pa rin siya.

I almost camped out in the cemetery just to wait for him pero hindi siya dumating. Araw-araw na lang ay naghihintay ako.

"Hi, Amarah. Roma..." I greeted them. I found talking to them easing. Kumabaga, wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob at ng mga iniisip ko kaya hindi na ako nahiya kay Roma – kahit naman hindi ko siya nakilala.

"Did he come here, yet?" I asked as if she was really listening to me. "If he does, do you think he knows that I come here regularly?" I sighed.

Minsan ay tinanong ako ni Danelle kung ano daw ba ang gagawin ko kapag nagkita kami ni Ido. Ano daw ba ang sasabihin ko? Iiyak daw baa ko o hihingi ng tawad at sasabihin na mahal ko siya?

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko kappag kaharap ko na siya. Naisip ko na baka maiyak ako at manginig lang sa harapan niya. The thought of seeing him again terrifies the hell out of me, but then, I really want to see him.

"Georgina?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Azul. I smiled at him. Tulad ko ay may dala rin siyang bulaklak na may kasamang lobo. Nilagay niya iyon sa tabi ng dala ko.

"Alam mo pala na birthday ng inaanak ko." Sabi ni Azul sa akin. I smiled at him. Iyon lang ang tangi kong maibigay sa kanya. Tulad ng kay Ido ay hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya. May parte sa akin na gustong itanong sa kanya kung may balita na ba siya, may parte naman sa akin na gustong manahimik na lang at humingi ng tawad. Hindi ko alam kung gusto kong ipaubaya na lang sa tadhanan ang pagbalik ng lahat... o patuloy lang akong maghahanap habang umaasa o kung may inaasahan nga ba ako.

"Oo. Ido told me that once. I never forgot..." I answered back. He nodded. Tapos ay bigla siyang huminga nang malalim.

"Are you even looking for him?"

"Why would I?" Tanong ko. "Umalis siya... kung babalik sya, matagal na dapa. Kung hindi pa siya bumabalik, ibig sabihin baka hindi pa siya handa."

Napamaang si Azul habang nakatingin sa akin.

"I never forgot. Minsan tinanong ko si Leira kung hindi ba siya natatakot nab aka hindi ka na bumalik and she told me that she's scared but she holds on to your promise every time you leave. Sabi mo daw, kahit anong mangyari ay babalik ka at gusto kong paniwalaan na kahit anong nangyari o mangyari kay Ido, babalik siya – lalo na kung handa na siya. Mahal ko siya, naghihintay ako at kung babalik siya at sasabihin niyang wala na akong hinihintay, okay lang naman. After all, it was my fault."

"Ah! Self – punishment. Reminds me of Adan Narciso." He chuckled. I had no idea what he just said but I know he gets my point. Nauna na akong nagpaalam kay Azul. Kailangan ko pa kasing balikan si Daddy sa ospital. Ako ang bantay sa kanya ngayon. Ang alam ko, naroon si Marcus. Mag-uusap kaming dalawa tungkol sa operasyon ni Papa.

I came back to the hospital as soon as I could, then went up to Dad's room only to find my brother kissing Ido's ex – girlfriend! Na-eskandalo ako.

"Putang ina, Georgina! Hindi ka ba marunong kumatok?!" Sigaw sa akin ni Bernadette! Nanlalaki naman ang mga mata ko.

"Nakakahiya naman sa inyo na ako pa ang dapat kumatok! Why don't you two get a room! Fuck!" I hissed. Hinata ni Marcus si Bernadette palabas. I was looking at the both of them. Inirapan pa ako ni Marcus tapos ay lumabas na sila. I made a face then I went to Daddy's room. Gising  siya habang nakangisi sa akin.

"Nahuli mo rin pala sila." Medyo paos pa siya nang sabihin niya iyon. Natawa naman ako.

"Oo. Dad. Of all people, si Bernadette pa. Nagkalat ang bunganga noon." Sabi ko sa kanya. He chuckled.

"Gina..." Hinaplos ko ang sunog niyang balat. He's getting better every day and I am very happy.

"Po?"

"I'm sorry about, Ido." Sabi niya sa akin. Hindi ko napigilan ang mapanguso sa kanya.

"I am too, Dad. I truly am sorry." Wika ko sa kanya. "But things are too late. I don't think he'll be coming back or if he comes back, babalikan niya pa ba ako." Sabi ko na lang. "But hey, there are other things to be happy about."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"That night, Georgina, he said to me that he loves you very much..."

I pouted my lips.

"Wag mo naman akong paiyakin, Daddy." I kissed his cheek. Nang makatulog si Daddy ay tumanaw ako sa bintana. Hindi miminsang inisip ko na baka nagmamasid lang si Ido ss paligid. I wanted to hug him. Nakakainis lang kasi tinuruan niya akong magmahal pero nasaan siya ngayon? Pinalambot niya ang puso kong sintigas ng bato. I know it's all my fault but hey, can life give me a break? After all, I was just hurt because he lied to me. Small or big lies are still lies.

Just like what Aunt Ella and I quote – A relationship that started with a lie will never be successful.

At sa amin ni Ido, ayokong mangyari sa amin ni Ido iyon. I want hi whole honesty with me. That's not too much to ask. I took a deep breath.

"Nasaan ka na ba, Ido? Miss na miss ko na ang kagwapuhan mo..."

t

Thaddeus: The Conceited Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon