^CHAPTER 16^

13.8K 219 1
                                    

Isang masayang hapunan ang kanilang napagsaluhan ng gabing iyon.

Punong puno ng masasarap na pagkain ang laman ng lamesa na animo'y me fiesta sa isang barangay.

Kumpleto ang lahat ng mga empleyado. Andun din si Shiela na abala sa kwentuhan sa mga kasamahan nila.

Si Jen nman ay nabusog sa daming nakain kaya halatang natahimik sa isang sulok habang nakamasid sa mga taong patuloy ang kasiyahan.

Me pumailanlang na romantikong tugtugin habang ang ilan ay nagpatiunang sumayaw sa gitna ng bulwagan.

Si Eugene naman ay pasimpleng nagmamasid kay Jen sa kabila ng pagaanyaya sa kanya ng mga babae doon na isayaw sila.

Nang oras na iyon me lumapit kay Jen, isang naimbitahang kliyente anak din ng may ari. Matipuno, gwapo at halatang tinitilian din ng mga kababaihan.

Inaya si Jen na sumayaw ng lalaki. Hindi maiwasan ni Eugene na mainis sa natanaw. Kaya lumagok siya ng isang basong alak. Naginit agad ang kanyang pakiramdam. Kaya sa kanyang pagkainis lumapit sya sa dalawang nagsasayaw, at inaya si Jen na makipagsayaw sa kanya.

"Excuse me, pwede ko bang isayaw si jen?", pagkalapit sabay hila kay Jen ni Eugene.

Habang si Jen naman ay biglang nagulat Kay Eugene sa ikinilos into.

Sa pagkakalapit na iyon hawak ni Eugene si Jen sa kabilang braso habang hapit ang kanyang beywang.

Nasamyo agad ni Jen ang amoy alak na hininga ni Eugene. At nakaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso habang nakadikit ang kanilang katawan sa saliw ng romantikong tugtugin.





<<<comment ulit>>>

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon