^CHAPTER 4^

25.1K 475 17
                                    

Samantalang si Jen, hindi rin makatulog sa kanyang higaan. Iniisip rin nya ang mukha ni Eugene.

Ang matang kay tamis tumingin, ang ngiti nya na nakapangaakit sino man ang ngitian. Mas matangkad sya sa karaniwang lalake. Hindi matawaran ang kaamuan ng kanyang mukha.

"Hayyss...ang gwapo tlga nya", hindi pa rin nagbabago mula noong una ko syang nakita"..wika nya sa sarili..

Kinaumagahan, maagang pumasok si Eugene sa opisina pra sa appointment nya sa mga executives at makipag meeting sa mga politicians para sa merging ng ibang kumpanya.

Ng patapos na ang isang meeting nya, dumirecho sya sa bario Magallanes para bisitahin ang mall na kasalukuyang itinatayo roon.

Samantalang si Jen at Shiela naman umusisa sa mall na tinatayo roon. Inaya na lang ni Eugene ang dalawa na nakita nyang sumisilip mula sa kalayuan.

"Tara halikayo! maglunch tayo sagot ko" tawag ni Eugene sa knila.

"Me masarap na kainan diyan sa malapit na restaurant,sabayan nyo akong kumain" anyaya ni Eugene..

Dahil si Shiela ay me pasok pa sa trabaho nung araw na iyon. Si Jen na hindi makakilos ang naiwanan kay Eugene pra samahan sya sa pagkain.

"I won't take no for an answer" pilit ni Eugene kay Jen..kaya napilitang sumama ni Jen kay Eugene.

Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Jen papunta sa knyng sasakyan.

Nakaramdam ng init si Jen sa pagkakalapit ng kanilang mga balat.

Na ganon din ang naramdaman ni Eugene sa pagkakalapat ng knilang braso.

Masayang kumain ang dalawa at nabusog sila sa tanghalian nilang sinigang na sugpo at lechon kawali.

Inihatid ni Eugene si Jen sa bahay at hindi nya maiwasang halikan sa pisngi ng magpaalam si Jen.

" I'll see you tomorrow sweetheart" sabi ni Eugene.. Hindi naiwasan ni Jen na kiligin sa ginawa ni Eugene sa kanya at namula ang mukha nya sa init dulot ng halik na iyon ni Eugene.

««««comment ulit»»»»

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon