^CHAPTER 11^

16.6K 210 4
                                    

Lumipas ang mga araw na kanilang inaasam asam ang pagtatapos ng taon sa eskwelahan.

Sa eskwelahan.

Nagkita kita ang mga magkakaklase sa isang school program nila.

Si Jen nasa bandang unahan ng upuan. Si Marah na katabi si Nick sa bandang gitna.

Habang naguusap sila Nick at Marah tungkol sa magiging program nila. Lumapit si Jen sa kanila.

Si Jen, "Ano bang program ang natin ngayon?"

"Ang nabasa ko kasi sa bulletin natin, Magkakaroon daw tayo ng out of town trip, ung parang recollection bago matapos ang school year", pagliliwanag ni Marah

"Iniintay lang natin ung bus na maghahatid satin sa retreat house", saad ni Nick.

"Naku, mukhang masaya yan ah", si Jen na halatang naexcite sa narinig.

"Ok yung mga pwedeng magkasya sa bus #1 pwede ng sumakay. In 30 minutes lahat mag gather sa function hall kung saan tayo lahat bababa" sigaw ng school administrator.

Lahat nga sila nakarating sa pagdadausan ng kanilang recollection.

Tahimik si Marah at Jen na sa sandaling iyon ay magkatabi.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay si Nick na nagmamasid sa kanila. Napagtanto din nya sa sarili nya na mabait din nman si Marah. Bakit sa tagal ng pagiging magkakaklase nila ay hindi man lang niya napagtuunan ng pansin si Marah na madalas na nagpaparamdam ng pagtingin sa kaniya.

Sa mga nagdaan na araw umiiwas na sa kanya si Marah.

"Marahil busy lamang siguro sya sa mga aralin nya,kaya hindi na nya ako napapansin",bulong ni Nick sa kanyang sarili.

Si Marah ay umiiwas na kay Nick at napagtanto niyang makabubuting iwasan na nya para hindi sya lalong masaktan, at pagtuunan ng pansin ang kanyang pa-aaral.

"Pagkatapos ng taon na ito,lilipat na lamang ako sa Maynila at doon ko itutuloy ang aking pag-aaral", yun ang laging sinasabi nya s kanyang ina.

Sa recollection

Administrator: "Bago matapos itong activity natin,dapat me natutunan tayong bagay na mahalaga sa atin. Gumawa kayo ng isang sulat para sa taong mahalaga sa inyo at hindi nyo makakalimutan kahit na matapos ang taon na ito".

"Lumapit sa taong iyon at sabihin ang nilalaman ng sulat. Pagkatapos ay iyo syang pasalamatan dahil naging parte sya ng iyong buhay ngyong taon na ito."











««««comment ulit»»»»»

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon