Sana ay huminto na ang oras ng mga Sandaling iyon, hiling ni Jen sa isip nya. Magkalapit ang kanilang mga katawan habang sila ay nagsasayaw sa romantikong tugtugin.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jen sa pagkakahapit sa kanyang beywang ni Eugene. At nasamyo niya ang pabango ni Eugene na nahaluan ng tamis ng alak sa hininga.
Samantalang si Eugene naman ay nakatitig sa maliit na mukha ni Jen pababa sa mapupulang labi nito.
Lalong nagpabilis sa tibok ng puso nila ng pumailanlang ang tugtugin ni Michael Buble na "The Way You Look Tonight".
Lalong hinigpitan ni Eugene sa pagkakahapit sa beywang si Jen na animoy me gustong umagaw Kay Jen sa kanya na nakahawak naman sa kanyang leeg ng sandaling iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ni Eugene sa pagkakatitig sa mapupulang labi ni Jen na lalong nagpainit sa kanyang katawan. Hindi nya alam kung bakit samatanlang ang lakas nman ng air con sa loob ng lugar na iyon.
Lumapit ang kanyang mukha sa mukha ni Jen at hinalikan ang malambot at mapulang labi ni Jen. Hindi na tumanggi si Jen at tumugon sa mainit at matamis na halik ni Eugene sa kanya.
Nanghina mga tuhod ni Jen sa pagkakahalik na iyon ni Eugene sa kanya. Lalong niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg ni Eugene upang kumuha ng lakas sa nanghihina nyang mga tuhod.
Tumagal ang palitan ng matatamis na halikang iyon at natapos kasabay ng romantikong tugtugin.
Hindi alam ni Jen kung paano at kailan natapos ang mga sandaling iyon. Si Eugene naman ay hindi nakuntento at bumulong pa kay Jen ng, "I miss you Sweetheart".
Kilig na kilig si Jen sa narinig at animo'y bata na gusto tumalon sa tuwa.
<<<comment ulit>>>
BINABASA MO ANG
Mr. CEO
RomanceSya si Eugene anak ng isang mayamang negosyante na mula sa Amerika. Gwapo at matipuno ang pangangatawan. Sya nman si Jennilyn na isang simpleng babae. Maganda at matalino.. Matagal na niyang mahal si Eugene pro paano sya mapapansin gayong isa lamang...