Hapon na ng magising ang dalaga. Wala na si Eugene sa kanyang tabi. Luminga linga si Jen sa paligid at nasulyapan nya ang isang note na iniwan marahil sa kanya ni Eugene katabi ng isang bulaklak ng rosas.
" Sweetheart, can't wait to see you later, please wait for me, i'll pick you up at 7pm. miss you so much! I love you- Eugene."
Kinilig si Jen habang sinasamyo ang bango ng rosas. Napapangiti pa rin sya habang nagaayos ng sarili. Pasado alas sais pa lamang kaya kumuha muna sya ng makakain sa kusina habang nanonood ng tv sa sala.
Biglang me nagdoorbell, kaya dali dali nyang pinuntahan sa pagaakalang si Eugene na ang dumating.
Laking gulat nya ng me nagdeliver ng isang malaking paper bag na d&g ang tatak.
"Ma'am kayo po ba si Jen?",padala po yan ni Sir Eugene,pakireceive na lang po", sabi ng lalaki.
Nilagdaan naman ni Jen ang kopya mg delivery receipt at inabot sa lalaki.
Ng makaalis ang lalaki, binuksan agad ni Jen ang laman ng paper bag. Me iniwang note don si Eugene soon.
" Please wear me, we'll be having dinner tonight".
At dali daling nagayos ang dalaga, naligo at nagayos ng sarili. Isinuot ang isang eliganteng night dress na humubog sa kanyang magandang katawan. Black dress na mahaba ang neckline na nagpapakita ng kanyang cleavage at isang pares ng diamond jewelry na lalong nagpatingkad sa kanyang ganda.
Isang silver stiletto na bumagay din sa kanyang suot na damit at tinernuhan ng isang silver na clutch bag.
Tiningnan nya ang kanyang sarili sa harap ng salamin, at namangha sa kanyang nakita. Animo isang magandang modelo ang kanyang nasa harapan. Hindi rin nya nakilala ang kanyang sarili.
'Dddiiinngggg'....naku andyan na si Eugene..
At bago nya puntahan ang pinto. Muli nyang sinulyapan ang sarili. Kahit yata sino mapapanga nga pag sya ang makikita. Akala mo nasa isang fashion event lang.
Isang tunog pa bago sya tuluyang lumapit sa pinto.
<<<comment>>>
BINABASA MO ANG
Mr. CEO
RomanceSya si Eugene anak ng isang mayamang negosyante na mula sa Amerika. Gwapo at matipuno ang pangangatawan. Sya nman si Jennilyn na isang simpleng babae. Maganda at matalino.. Matagal na niyang mahal si Eugene pro paano sya mapapansin gayong isa lamang...