^CHAPTER 18^

13.5K 207 1
                                    

Nang makakuha ng lakas bumalik na si Jen sa kanyang upuan. Hindi pa rin sya mapakali sa nangyari kanina kaya at animo nasa alapaap ang kanyang pakiramdam.

Pumunta sya sa bar section at tinanong ang crew doon. "Meron ba kayong alak na pampalakas ng loob dyan", tanong ni Jen sa isang crew.

" Ma'am meron dito margarita pambabae po o kaya bacardi try nyo po", panghihikayat ng crew.

"Sige ung Bacardi nga subukan ko", at kinuha nga ni Jen ang isang shot glass at derecho nyang tinungga ang laman ng baso.

Nakaramdam ng init sa katawan si Jen ng maubos ang laman ng nasa baso. Humirit pa ulit sya ng isa pa, hanggang makaramdam ng hilo.

Napansin no Eugene na nakakarami na ng inom si Jen. Kaya nilapitan nya ito. Sinenyasan no Eugene ang crew na wag ng mgserve ng alak kay Jen kaya dali daling ibinalik ng crew ang pangatlong baso sa loob ng bar section.

Si Jen naman ay nahihilo na, ng tangkang tatayo na sya sa kanyang upuan ay bigla syang natumba. Agad na nahawakan ni Eugene ang mga braso ni Jen at tuluyan ngang natumba si Jen, napayakap na sya ng tuluyan Kay Eugene.

Nasamyo ni Eugene ang alak sa hininga ni Jen dahilan upang bumilis lalo ang kabog sa dibdib nya. Naramdaman ni Jen ang init ng yakap sa kanya ni Eugene. At nagustuhan nya ang pagkakadikit nila ni Eugene.



<<<comment>>>

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon