Sa tagpong iyon hindi na napigilan ni Jen na halikan si Eugene. Dahil na rin sa init na nararamdaman nya at dala ng alak na ininom nya.
Inilapit ni Jen ang labi kay Eugene at agad nman hinalikan ni Eugene ang malambot na labi ni Jen, tumugon si Jen. Ngunit hindi rin nagtagal iyon.
Iginiya na sya palabas ni Eugene patungo sa kanyang kotse. Sa kotse, hawak ni Eugene ang kamay ni Jen habang nagmamaneho. Lasing na lasing pa rin si Jen dahilan upang masuka sa loob ng kotse ni Eugene.
Sa halip na magalit si Eugene, huminto sila sa gilid ng kalsada at lumabas si Eugene sa kotse at tumungo sa kinauupuan ni Jen, kumuha sya ng tissue at mga gamit sa compartment nito.
Pinunasan ni Eugene si Jen, pati ang nagkalat na suka nito sa kanyang bestida.
Sa halip na sa bahay nila Jen ihatid ni Eugene minabuti nyang sa condo muna nya ito ituloy, sa kadahilang basa ang damit at amoy alak si Jen.
Araw araw nman inaayos at nililinisan ng maid na arawan ding umuuwi ang condo nya. Pagdating sa condo, pinahiga muna nya si Jen habang nagpainit ng tubig sa bathtub.
Sya na naghanda ng pwdeng maisuot na pamalit si Jen, at nghanda ng makakain.
Tinitigan nya ang maamong mukha ni Jen na sa sandaling napahiga ay nakaidlip sa sobrang kalasingan.
<<<comment>>>
BINABASA MO ANG
Mr. CEO
RomanceSya si Eugene anak ng isang mayamang negosyante na mula sa Amerika. Gwapo at matipuno ang pangangatawan. Sya nman si Jennilyn na isang simpleng babae. Maganda at matalino.. Matagal na niyang mahal si Eugene pro paano sya mapapansin gayong isa lamang...