AN ANGEL'S KNOCK
" Knock, knock! " narinig kong sabi ng isang babae.
" Sino yan? " tanong ko.
" Knock, knock " sabi niya ulit habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.
" Sino yan? "tanong ko ulit." Pwedeng buksan mo muna ako ng pinto " mataray na sagot nito.
Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko.
" Sino ka? " tanong ko ulit sa kanya, mas lumapad lang ang ngiti nito kaya naman nainis na ako.
" Ikaw? Sino ka " tanong pabalik ng babae.
" Ikaw nga kanina ko pang tinatanong niyan Miss " sa pagsabi ko non bigla naman siyang sumimangot, ang weird lang ng babaeng ito.
" Anya, ikaw? " pagpapakilala naman niya sa akin sabay lahad ng kamay inabot ko naman ito at nagpakilala rin.
" Dale" tipid kong sagot.
Hindi ko napansin na sa pagkatok niya sa aking pintuan kasabay non ang pagkatok niya sa aking sugatang puso.
BINABASA MO ANG
An Angel's Knock ( Completed )
Short Story" Knock, knock " narinig kong sabi ng isang babae. Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko. Credits to: endorphinGirl for my book cover :)