AAK-Chapter 12

154 11 0
                                    

AAK-CHAPTER 12

Dale

" A-anong nangyari? " tanong ko kay nurse Lyn na sumunod pala sa akin.

" Lumala ang kondisyon niya, isang gabi nahirapan siyang huminga " paliwanag ni nurse Lyn.

Nagpaiwan lang ako sa loob. Gusto ko siyang bantayan hanggang sa magising siya. Lumapit ako at pinagmasdan siya, napaka putla niya, halos wala nang kulay ang mga labi niya na nanunuyot na, mas pumayat rin siya ngayon at humihinga siya sa pamamagitan ng isang aparato. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito, ilang araw lang naman na hindi ko siya nakita bakit lumala ang sakit niya?

Muling tumulo ang mga luha ko, wala akong pakialam kung hindi pa ako masyadong magaling. Nakakapanlumong makita ang kaibigan mong palaging masaya at araw araw kang kinukulit na nakaratay sa higaan at nahihirapan. Sobrang sakit pala, parang nararamdaman ko rin ang hirap na dinadanas niya.

" Anya? " tawag ko sa pangalan niya nang mapansin kong unti unti na siyang nagigising. Nang maidilat na niya ang mga mata niya, tiningnan niya ako at saka ngumiti. Hindi ko ipinakita ang pagtulo ng luha ko dahil ayokong mag alala siya kaya dali dali ko itong pinunasan.

" Tagumpay ang operasyon, Anya " nakangiting sabi ko sa kanya.

Inalalayan ko siya ng pinilit niyang umupo.

" Huwag mong tatanggalin iyan! " napasigaw tuloy ako ng tinanggal niya ang mask sa bibig niya.

" Ok na ako, at isa pa paano ako makakapag salita kung may mask ako? "sabi naman niya pero bakas pa rin sa boses niya na nahihirapan siya.

" Oo na " tipid kong sagot.

" Pero alam mo ba mali pala ako sa sinabi ko sayo " sabi naman niya.

" Anong sinabi mo? " tanong ko naman.

" Na walang transplant ang cancer, yung akin pala meron " nakangiting sabi niya.

" Bone marrow transplant ? " tanong ko.

" Oo, yun nga kailangan ko daw nun "sagot naman niya.

" Hindi ka pala nakakapagpatransplant? " tanong ko naman sa kanya, sa pag kaka alam ko kasi pangalawang beses na niya nagkaroon ng leukemia.

" Hindi pa, chemotherapy lang kasi ako dati " sagot niya.

" Edi maganda " natutuwa kong sabi.

" Maganda nga, pero mahirap mag hanap ng donor " sabi niya naman.

" Ano ka ba, maniwala ka lang makakahanap ka ng donor. Hindi ka pababayaan ng Diyos, magdasal ka lang " maging ako nagulat sa mga sinabi ko, ewan ko ba siguro nga nagbago na talaga ang pananaw ko sa buhay.

" Wow, ikaw na ba ang nagsasabi niyan? Change of heart, Sung. Oo nga pala literal na change of heart " natatawang sabi niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.

" Opo, hindi ako susuko. Magdadasal ako n asana may mahanap akong donor para masaya tapos pag gumaling na ako magkikita tayo sa labas ng ospital " nakangiting sabi niya.

" Anya, bakit hindi mo sinabi sa akin? " nawala ang ngiti niya sa tinanong ko.

" Anong hindi sinabi? Wow, change of heart talaga Anya na ang tawag mo sa akin " natatawang sabi niya.

" Alam mo ang sinasabi ko " seryosong sabi ko.

" Naaalala mo na ako? " naiiyak niyang tanong tumango tango lang ako, habang pinapahid ang luha niya.

An Angel's Knock ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon