AAK-Chapter 5
Dale
" Nung.....ba't hindi ikaw ang mauna? " napakunoot naman ang noo niya sa sinabi ko. Naisip ko lang kasi na hindi ko pa talaga siya kilala, kahit nga yung kwarto niya di ko alam.
" Huh? Bakit ako? " tanong niya, napansin ko rin na hindi siya kumportable sa sinabi ko pero gusto ko talagang malaman ang tungkol sa kanya. Kung bakit siya nasa ospital at kung bakit gustong gusto niya na maging kaibigan ko.
" Gusto ko ding malaman yung kwento mo palagi na lang ba ako? Magkaibigan na tayo diba " paliwanag ko sa kanya, Hindi siya nakasagot, tumingin siya sa paligid at saka napako ang tingin sa orasan.
" Ay...may nakalimutan pala akong gawin. Sige bye " pagkatapos niya sabihin iyon dali dali na siyang umalis. Nagulat ako sa ginawa niya para bang may tinatago siya. Bakit ayaw niyang mag kwento, siya nga itong makulit at nagpapakwento ng tungkol sa buhay ko.
Dahil wala naman akong gagawin ngayon, naisip kong matulog na lang. Ito naman talaga ang buhay ko dito sa ospital at isa pa bawal naman talaga akong mapagod.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko, ng makarinig ako ng katok. Alam kong hindi si Kuls yon dahil hindi nagsasalita ang taong kumakatok. Sino naman kaya iyon?
" Dale? " tila ba nahinto ang mundo ko ng marinig ko muli ang boses niya. Bumalik muli ang sakit na pilit kong inaalis sa namamatay kong puso.
Bumalik ang lahat at kung saan nga ba nagsimula. Muli kong naalala ang una naming pagkikita.
**************
3 years ago
Napatingin ako sa may playground ng makarinig ako ng isang iyak. Gabi na kaya naman medyo kinabahan ako, hindi naman sa naduduwag ako hindi ko lang maisip kung bakit may tao pa sa ganitong lugar lalo na't madilim na.
Wala naman din akong nagawa kung hindi tingnan kung man ang umiiyak. Isang babae, mahaba ang buhok nito at naka upo sa bench. Ano naman kaya ang problema niya?
" Miss? Okay ka lang " napaatras ako ng tumingin siya sa akin, sobrang pula ng mata at nahahalo na sa kanyang luha ang eye liner kaya para tuloy siyang binugbog.
" Muka ba akong okay? " sabi niya sa akin na patuloy pa rin sa pag iyak. Broken hearted siguro to.
" Miss hindi ka mahal nung lalakeng iyon, marami pang mas matino sa kanya yung hindi ka lolokohin " sabi ko sa kanya para naman gumaan ang loob. Nakaka hiya naman kasing iwanan ako itong nag approach eh.
Nagulat na lang ako ng pinaghahampas niya ako.
" Aray! Miss bakit anong problema mo ? " naiinis kong tanong, siya na nga itong pinagagaan ang loob.
" Porket ba umiiyak iniwan na kaagad ng boyfriend? Porket ba nakaminis skirt malandi na? Porket ba mahilig sa horror, illuminate na? Porket ba bagsak sa exam,bobo na? Hindi ba pwedeng tinatamad lang magreview? Ha? Sagot! " sigaw niya sa akin kaya naman napailing ako, nakakatakot naman ang babaeng ito.
" S-sorry miss hindi ko alam eh " nasabi ko na lang tumango tango naman siya.
" Sorry rin kuya ikaw na nga itong nagmamagandang loob eh " sagot naman niya, mukang kumalma naman na siya.
" Pwede mo akong pagsabihan ng sama ng loob " sabi ko na lang kaya napangiti siya hindi ko alam pero biglang may naramdaman ako na kung ano sa puso ko.
" My bestfriend, she has lukemia. Nagamot na dati eh bumalik na naman " umiiyak na sabi niya.
" Bakit ka umiiyak? Kailangan mong maging masaya para sa kanya. Maging matataga ka kailangan ka niya " sabi ko naman sa kanya.
" Alam ko, alam ko rin na magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang umiiyak ako. She's a strong girl. Magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa, kung anong meron siya meron ako. Yung mga problema niya alam ko, ganun din ang mga problema ko " kwento pa niya.
" Mas matapang pa yun sa akin, sa unang tingin aakalain mong wala siyang sakit napaka galing niyang magtago. Tinatago niya iyon sa mga ngiti niya sa pagiging masayahin niya. At sa tulong narin ng make up, girl's bestfriend " dagdag pa niya.
" Ganun naman talaga ang buhay, kung sino pa itong nahihirapan siya ang mas matapang siya pa yung nagbibigay lakas ng loob sa atin " sabi ko naman sa kanya. Napangiti siya at nagpunas ng luha.
" Alam mo kuya, ang gaan ng loob ko sayo. Salamat sa tulong mo, gumaan talaga ang loob ko " sabi niya sa akin.
" Wala yun miss " tipid kong sagot.
Tumayo na siya at akmang aalis na pero humarap muli siya sa akin at nagsalita.
" Salamat ulit? "
" Dale " pagpapatuloy ko naman sa sinabi niya.
" Dale. Salamat ulit Dale " inilahad niya ang kanyang kamay kaya naman inabot ko ito.
" Mara " pakilala niya sa akin kaya naman napangiti ako.
" Nice to meet you " sabi ko naman sa kanya.
******
" Dale? " bumalik ako sa reyalidad ng marinig kong tinatawag niya ako.
" Bakit ako nandito? " tanong ko, na hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
" Gusto lang kitang makausap " sabi naman niya na tila ba nagmamakaawa.
" Wala na tayong dapat pag usapan " sagot ko sa kanya.
" Please.. " paki usap niya. Alam kong sa puntong ito umiiyak na siya at sa totoo lang ayokon non, nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.
" Umalis ka na! " hindi ko na napigilan ang sumigaw. Alam kong nagulat siya sa inasta ko dahil ni minsan hindi ko pa siya sinigawan ng ganito, ngayon lang. Pero may karapatan naman siguro ako, ako yung niloko, yung sinaktan.
" B-babalik na lang ako at sana sa pagbalik ko makausap na kita " sabi niya sa akin at umalis na.
Pag kaalis na pag kaalis niya agad kong sinapo ang ulo ko. Hindi ko ginustong paiyakin siya, ayokong ipagtabuyan siya. Gustong gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na mahal ko pa siya.
" Ang tanga tanga mo! " sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
" Dale? " may narinig akong boses kaya napatingin ako sa kanya.
" A-ayos ka lang ? " tanong niya sa akin na tila ba kinakabahan.
" Iwan mo muna ako " sabi ko sa kanya.
" Pero..." magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya pinapatapos.
" Alis! " hindi ko sinasadyang pati siya sigawan ko. Hihingi sana ako ng tawad pero tumakbo na siya.
" Ang tanga mo talaga " yan na lang ang mga sinabi ko sa aking sarili.
WD3vo
BINABASA MO ANG
An Angel's Knock ( Completed )
Historia Corta" Knock, knock " narinig kong sabi ng isang babae. Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko. Credits to: endorphinGirl for my book cover :)