AAK-AN ALTERNATE ENDING
Dale
2 years later....
Nandito muli ako sa secret garden. Hindi dahil sa may sakit ako, kung hindi dahil sa nakasanayan ko na. Mas naging maganda pa ito, may kubo na rin gaya ng gusto ni Anya at may swing pa. Napatingin ako sa kalangitan, mukang masaya ang langit ngayon. Dahil kay Anya mas na pahalagahan ko ang paligid.
Napangiti ako habang inalala ang nakaraan, isa na nga lang alaala ang lahat. Masaya at malungkot na alaala pero heto ako ngayon kinaya ko, na kaya ng puso kong mabuhay. Nagkaayos na kami ni Mara, ang totoo niyan magkaibigan na kami, siguro dahil na rink ay Anya. Nalaman ko rin kung bakit nagalit si Anya sa kanya, ako pala ang dahilan. Nalaman niya kasi na niloko ako ni Mara kaya ayun nagalit matagal na palang alam ni Mara na ako yung kaibigan ni Anya, hindi lang niya sinabi sa akin pero napatawad ko na siya.
Masaya na ang buhay ko ngayon, muli akong pumasok sa eskwelahan at nang maka graduate naghanap agad ako ng trabaho. Malaking tulong ang mga naranasan ko noon, dahil mas naging malakas ako.
Naparito ako sa secret garden para tuparin ang pangako ko kay Anya, kaya lang wala siya dito. Naisipan ko munang umupo sa may bench na ngayo'y bagong pintura na. Muli kong binuksan ang scrapbook na pagmamaya-ari ni Anya.
" Efipanya's Utopia " sa pagsambit ko ng mga katagang iyon muling tumulo ang mag luha ko. Naaalala ko naman siya.
Dito sa mismong lugar na ito binawian siya ng buhay, pinilit kong mabuhay gaya ng gusto niya. Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan at malungkot dahil sa nangyari.
Noong nakatulog siya sa may secret garden hindi na siya nagising na comatose siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, araw araw akong nagbabantay sa kanya, araw araw kong siyang kinakausap at sinasabihang gumising.
Sabi ng doctor hindi daw pwedeng maisagawa ang transplant kaya mas lalong lumala ang kondisyon niya. Lalo akong natakot dahil don, nag aalala na rin ang mga magulang ko pero wala akong pakialam gusto siyang mabuhay. Kailangan ko siya.
Araw araw akong pumuntang chapel para magdasal para makiusap na sana pagalingin na niya si Anya. Napakabait niya mas may karapatan siyang mabuhay kaysa sa akin.
Isang araw nagising siya. Sobrang saya ko, halos magtatatalon ako sa tuwa.
" Sabi ko na nga ba lalaban ka " sabi ko naman sa kanya pero umiling lang siya.
" Dalhin mo ako sa secret garden, please " nanghihina man nagawa pa rin niyang sabihin iyon. Hindi na ako kumontra pa at binuhat ko na siya.
Nang makarating kami inupo ko siya sa may ilalim ng puno at tinabihan ko siya.
" Ang ganda ganda ng lugar nato " tumango naman ako sa sinabi niya.
" Basta alagaan mo itong lugar na ito ah, mahalaga ito para sa ating dalawa alam mo naman iyon " sabi pa niya kaya tumango uli ako gusto ko mang umiyak hindi ko magawa dapat ako yung malakas. Hindi niya dapat makita na nanghihina ako.
" Yung pangako mo na dadalhin mo ako sa gubat na yon baka hindi na matupad " malungkot na sabi niya.
" Ano ka ba, bakit naman hindi matutupad iyon? Pangako tutuparin ko iyon kahit anong mangyari " nakita ko namang ngumiti siya.
" Basta ipangako mo sa akin na mabubuhay ka ng masaya. You know God has better plans " sabi kaya tumango ako.
" Ilang beses mo ng sinabi yan " sabi ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
An Angel's Knock ( Completed )
Short Story" Knock, knock " narinig kong sabi ng isang babae. Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko. Credits to: endorphinGirl for my book cover :)