AAK-Chapter 9

131 9 0
                                    


AAK-CHAPTER 9

Dale

" You hate her but you love her, that's weird " sabi ni Kuls. Napagdesisyunan naming magkwento tungkol sa aming mga buhay. At si Mara ang naging sentro ng pag uusap. Nagalit siya kay Mara dahil sa kinalimutan na daw siya nito at higit sa lahat may ginawa siyang isang bagay, hindi sinabi sa akin ni Kuls kung ano yon sikreto daw muna.

" Present tense " nakunoot ang noo ko ng sinabi niya iyon.

" Huh? "

" Love! Present tense, mahal mo pa rin kahit niloko ka " naiinis na sabi niya kaya naman natawa na lang ako.

" Ganun talaga siguro kapag nagmahal ka, tanga " pagkasabi ko naman tumawa siya ng malakas.

" Buti pala hindi ko na mararanasan iyan " nakunoot ang noo ko sa sinabi niya.

" Anong ibig mong sabihin? "tanong ko sa kanya.

" Let's face it Sung, hindi na ako aabot sa mga ganyang bagay. Malapit na akong mamatay. Hindi naman sa sumusuko na pero pangalawang beses na itong sakit ko pero ayaw talaga akong lubayan ni Leuk. " paliwanang naman niya pero sinamaan ko siya ng tingin.

" Ano bang pinagsasabi mo? Syempre matututo ka pang magmahal at may mag mamahal pa sa iyo " sabi ko na lang ayoko ng ganitong pag uusap may kung kirot sa puso na hindi ko maipaliwanag.

" Syempre naman. Marunong akong magmahal no sino ba namang hindi? Siguro puppy love lang yon pero mahal ko talaga siya. Yung bestfriend ko? Kaya lang mukang kinalimutan na niya ako. Nagkita na nga kami at hindi niya ako maalala, ayos lang yon tutal mamamatay na lang din ako " kwento niya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot pero wala naman akong magawa para pagaanin ang loob niya.

" Maaalala ka din niya " paninigurado ko.

" Talaga? " paninigurado niya kaya tumango tango naman ako.

" Anyway, change topic na tayo" sabi naman niya.

" Ano namang topic ? " tanong ko sa kanya.

" Hope " nakangiti niyang sagot.

" Hope? " kunot noo kong sabi.

" Oo, hope. Pag asa " sabi naman niya.

" Anong meron don? " nagtatakang tanong ko sa kanya. Weird naman talaga siya pero hindi pa rin ako nasanay.

" Ang meron don, wala ka non. Gets? " paliwanag naman niya kaya naman lalo akong nalito.

" Huh? " nasabi no na lang dahil litong lito ako sa mga pinagsasabi niya. Nagulat naman ako ng tumawa siya.

" Weird mo " sabi ko na lang sa kanya.

" Alam ko " natatawa pa rin niyang sambit.

" Pero alam mo maswerte kase narinig ko may heart donor ka na pala " sabi naman niya, kaya nagulat ako.

" Tsk. 20% lang ang chance na mabuhay ako don " sabi ko naman at nagulat ako ng batukan niya ako.

" Buti nga ikaw may 20% chance ako wala. Wala namang donor ang mga cancer patient eh " naiinis na sabi niya.

" Magkaiba naman kasi tayo " sabi ko naman.

" I know. Ikaw binibigyan na ng second chance para mabuhay ako nabigyan nga binawi naman ulit " sagot naman niya.

" Napakalaki na nung 20% kung tutuusin, subukan mo. Inaabot na sayo tanggapin mo naman. " dagdag pa niya.

" Maniwala ka Dale, have hope " makahulugang sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita nakatingin langa ko sa kanya. Bakit ang isang tulad niya na mayroong sakit ang nagsasabi nito?

" Bakit mo sinasabi ito sa akin? " tanong ko sa kanya.

" Bakit ako nagsasabi nito? Siguro kasi puno ako ng positive vibes, wala naman kasing mawawala kung magiging positibo ka mas hahaba pa ang buhay mo. Tingnan mo ako " paliwanang naman niya.

" Tingnan mo ikaw, negatibo ka kasi kaya ayan " dagdag pa niya.

" At isa pa yung donor mo, minsan din siyang nabuhay at sa tingin ko masaya siya kasi dahil sa kanya may isang buhay ang maililigtas at ikaw yun " sabi pa niya.

" Hindi ko alam kung saan mo nakukuha iyang mga pinagsasabi mo, Kuls" natawa naman siya sa mga sinabi.

" Experience is the best teacher " sabi naman niya.

" Alam mo bang minsan din akong nagalit sa kanya pero napag isip isip ko ano bang mapapala ko sag alit ko sa kanya? " dagdag pa niya.

" Masayang mabuhay, ngayon binibigyan ka ng pagkakataong madugtungan pa ang buhay mo. Go grab it " seryoso niyang sambit kaya napabuntong hininga na lang ako.

" At kapag tapos na ang operasyon, kumatok ka lang sa pintuan ko. Huwag kang mag alala, sigurado ako magiging tagumpay ang operasyon mo" sabi niya sa akin.

" Gaano ka naman nakakasigurado? " tanong ko naman sa kanya.

" Nah, huwag nga kasing negatibo " sagot naman niya sa akin kaya tumango tango na lang ako.

" Oh may words of wisdom ka pa? " tanong ko naman sa kanya.

" Kausapin na natin si Mara? " sagot niya.

" Ikaw galit ka sa kanya " sabi ko naman.

" Ikaw mahal mo pa siya eh " sagot naman niya.

" Pero hindi na niya ako mahal" tipid kong sabi.

" People fell out of love. Ganyan naman talaga kahit gaano katagal ang relasyon minsan kasi hindi naman talaga kayo meant to be. Nagkataon lang na hindi maganda ang pag hihiwalay niyo. Kung yung mga nasa anim na taon ngang relasyon may nagkakahiwalay pa kayo pa kayang tatlong taon lang. Kung kayo, kayo talaga. Move on, yun ang isa mo pang dapat gawin " paliwanag niya naman sa akin.

" And by the way hindi ko alam kung bakit nagawa iyon ni Mara, kilala mo siya hindi naman ganun yun eh. Baka siguro nasakal siya sayo o kaya naman..sorry to say pero hindi ka na niya mahal " dagdag pa niya.

" Ouch " sabi ko naman kaya tumawa siya.

" Ouch talaga " sagot naman niya.

" Anyway nagugutom na ako, gusto mo bang kumain? " pagiiba niya ng topic.

" Oo, order tayo? " tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.

" Sung, baka tama nga ang sinabi ko na hindi naman talaga kayo meant to be. " mahinang sabi niya.

" Baka nga " sagot ko sabay tingin sa kanya.

" Baka nga " ulit ko.

L.W"




An Angel's Knock ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon