AAK-CHAPTER 10
Dale
Dahil na rin sa pangungumbinsi ni Kuls na magpaopera ako pumayag na rin ako. At ito na ang araw na iyon. Bago ako maghanda para sa operasyon ko tiningnan ko muna ang litrato naming ni Kuls, nakiusap kasi siya na magpakuha kaming dalawa ng litrato kaya naman pumayag na rin ako. Sino namang tao ang hihindi sa napaka kulit na si Kuls?
" Dale maghanda ka na " sabi sa akin ng doctor kaya naman tumango ako.
Bigla ko tuloy naalala aang huling pag uusap namin.
" Sung? Tara punta tayo sa chapel " pag aya niya sa akin.
" Anong gagawin natin doon? " tanong ko sa kanya.
" Swimming, kasi nga summer na ngayon eh. Tara " sagot naman niya.
" Ha, ha " sarkastiko kong sagot.
" Alam mo naman siguro ang ginagawa sa chapel diba? " sabi naman niya sa akin kaya naman tumango ako.
" Yun naman pala eh, tara " pag aya niya sa akin.
" Hindi naman ako naniniwala sa kanya " seryoso kong sagot.
" What? Bakit? " tanong niya.
" Hindi niya tinutupad ang mga hiling natin " sabi ko sa kanya.
" Nag promise ba siya? " tanong niya sa akin, umiling ako bilang sagot.
" Yun naman pala, aasa ka hindi naman nangako sayo. Yung iba nga nangangako hindi pa tinutupad yung hindi pa kaya nangako " sagot naman niya pero maya maya tumawa siya.
" Joke lang yung sinabi ko ha " sabi niya kaya naman nakunoot ang nook o.
" So? Ano na yung words of wisdom mo Kuls? " tanong ko naman sa kanya kaya napabuntong hininga siya. Iisa lang ang ibig sabihin non.
" Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa totoo yun. Sinabi ko nga na dapat may pag asa ka pero hindi ibig sabihin non aasa ka lang, kumilos ka din. Halimbawa na lang ang isang bola sa may taas ng kabinet, umaasa kang makukuha yun, awing awa na sayo ang Diyos, dasal ka ng dasal n asana makuha mo yun pero ikaw anong ginagawa mo naka upo lang? Nga nga lang? Hindi ikaw si Juan Tamad na naka higa at hinihintay ang bayabas na malaglag sa puno. " sabi niya.
" Kung bakit naman ito nangyayari sa atin? God has better plans. Pagsubok lang ito, akala mo lang hindi mo kaya pero na uunahan ka lang ng doubts ng mga takot mo. Susuko ka, yung what if's. Napaka misteryoso ng buhay, Dale. Minsan nga yung mga taong nadaanan mo lang at wala ka namang pake, nagiging parte na rin yan ng buhay ng mo ng hindi mo namamalayan. Baka nga si God pa yan di mo lang napansin, kasi nga sa sariling mundo mo lang ikaw na katuon. Paano ko nasabi? Natanong mo na ba kung bakit nanlilimos ang mga bata? Kung bakit mag isa lang yung bata? Hindi ako hipokrito kasi magkaparehas lang tayo. " dagdag niya pa.
" Wow. Speechless ako " sabi ko na lang kasi sa tuwing nagsasalita siya wala na talaga akong masabi.
" Kasi totoo. Have hope pero hindi ibig sabihin non aasa ka na lang. Lumaban ka rin. Have faith in God, siya ang bahala sayo. Kung ano ang plano niya makakabuti iyon sayo. Hindi mo iyan ikasasama, baka dahil sa mga desiyon mo kaya ka nagkaganun. Don't blame him. Hindi lang naman ikaw ang anak niya, bababa siya para sayo? No. Bababa siya para sa ating lahat. Ililigtas ka niya? No. Ililigtas niya tayong lahat. " sabi pa niya habang paikot ikot sa loob ng kwarto ko para tuloy siyang isang guro.
" At siya nga pala lagi mong tatandaan ang rason kung bakit ka nabubuhay, kung bakit gusto mo pang madagdagan ang buhay mo. Alam kong meron ka noon. " makahulugan niyang sambit.
Wala naman akong nagawa kung hindi making ng making.
" Goodluck sa operasyon " sabi niya.
" Salamat " sagot ko naman.
" Magkita ulit tayo, pagkatapos ng operasyon. " nakangiti niyang sabi.
" Sige, ako mismo ang pupunta sa kwarto mo " paninigurado ko sa kanya.
" Sige ba. Pangako iyan" sabi niya.
" Pangako" sagot ko naman.
*********
Naririnig ko ang tunog ng isang makina. Hindi ko man nararamdaman kung ano ang ginagawa ng mga doctor, alam ko naman ang mga nangyayari.
" Palagi mong tatandaan ang rason kung bang bakit ka nabubuhay, kung bakit gusto mo pang madagdagan ang buhay mo " paulit ulit kong iniisip ang mga sinabi niya.
Kaya dapat maging matagumpay ang opeasyon dahil nangako ako sa kanya na pupuntahan ko siya sa kanyang kwarto. Dapat makita niya na hindi ako sumuko at nakayanan ko ang mga pag subok. Sigurado akong matutuwa siya pag nakita niya ako dahil hindi nasayang ang laway niya sa kakabigay ng mga pangaral sa akin.
" Tama yan Dale, lumaban ka " narinig kong sabi ni doc. Hindi ko man nakikita ang muka niya alam kong pursigido siyang mapagtagumpayan ang operasyon.
Matapos pa ang ilang oras, nakarinig ako ng mga palakpakan at masasayang hiyawan ng mga doctor. Ang ibig bang sabihin non, tagumpay ang operasyon? Siguro nga.
Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa Diyos sa binigay niya sa aking pangalawang pagkakataon. At nangangako akong mas magiging makabuluhan na ang buhay ko.
Pangako....
1 week after
" Gusto mo pa ng spaghetti? Eh yung fruit salad? Hindi ka pa tumitikim ng rilyenong bangus. " natatawa na lang ako kay Mom. Ang dami niyang dinalang pag kain, parang may okasyon.
" Mom, busog na po ako. At isa pa ang dami dami kasing pagkain na dinala niyo " sabi ko sa kanya.
" Nako, Dale dapat lang yun noh. Dahil tagumpay ang operasyon mo dapat lang na magka roon ng kasiyahan " paliwanag naman niya.
" Mom naman halos araw-araw may handa? " natatawa kong sabi kaya natawa na lang din si Mom.
" Hayaan mo na lang yang Mom mo masaya lang kasi yan, kami dahil nakayanan mo ang operasyon " sabi naman ni Dad.
" Syempre Dad, ako pa " sagot ko naman sa kanya.
" Baka naman kasi may inspirasyon. " sabat naman ng kapatid kong babae na si Darlene, habang nagbabasa ng isang fashion magazine.
" Sino si Mara ba? " nakunoot naman ang noo ko sa sinabi ni Darren ang bunso namin. Pero binatukan lang siya ni Darlene.
" Sira, hiwalay na sila at isa pa tingin ko ibang babae ito " sabi naman ni Darlene sabay pakita ng litrato naming Kuls.
" Uy, ano ba Darl ibalik mo nga iyan sa lagayan niyan! " suway ko naman sa kapatid ko.
" Dale, ano ka ba huwag ka ngang sumigaw baka mabinat ka niyan " sabi naman sa akin ni Mom.
" Maganda siya ah, magaling ka talagang umili anak. Mana sa Daddy " natatawang sagot ni Dad kaya naman sinamaan ko lang siya ng tingin kaya lalo lang siyang tumawa.
" Patingin nga " kinuha naman ni Mom ang litrato at kinilatis itong mabuti at saka napangiti..
" Nagkita na pala kayo ni Anya " sabi nito kaya naman nakunoot ang nook o.
" Mom, kilala niyo siya? " nagtatakang tanong ko pero mas lalo akong nagulat sa sagot niya.
" Silly, oo naman paano ko ba makakalimutan itong matalik mong kaibigan? "
BINABASA MO ANG
An Angel's Knock ( Completed )
Short Story" Knock, knock " narinig kong sabi ng isang babae. Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko. Credits to: endorphinGirl for my book cover :)