AAK- Chapter 3
Dale
" Earth to Pluto? " natatawa ako sa mga pinagsasabi niya. Hanggang ngayon kasi hindi parin siya umaalis sa tapat ng pinto at mukang wala siyang balak umalis.
" Milky way to black hole ? " sabi niya pa, habang patuloy pa rin sa pag katok kaya naman pibag buksan ko na ng pinto.
Sobrang laki ng ngiti niya na tila ba batang napagbigyan sa kagustuhang makapag laro sa playground.
" Buti naman at pinagbuksan mo na ako ng pinto " sabi niya habang tumatalon talon sa aking kama.
" Teka! Bumaba ka nga diyan baka mahulog ka " agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.
Napatingin ako sa kanya, bakit nga ba ako ang palaging ginugulo nito? Sa pagkakaalam ko naman marami ring pasesyente dito sa floor namin. Bakit hindi na lang sila ang guluhin niya?
" Bakit ba ako ang ginugulo mo? " tanong ko sa kanya kaya agad naman siyang napatingin sa akin.
" Ha? " naguguluhan niyang sabi. Patuloy parin siya sa pagtingin sa paligid na tila ba sinusuri ang bawat detalye ng aking kwarto.
" Bakit hindi ka na lang sa iba makipag kaibigan marami naman ditong pasyente " tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.
" Ayaw mo nun magkakaroon ka ng isang cute na kaibigan " sabi niya. Nagtaka ako ng makitang binuksan na niya ang pinto.
" Tara? " sabi niya sa akin nagtaka ako, ano na naman kaya ang plano ng wirdong babae na ito at mukang isasama pa ako.
" Huh? Saan? " tanong ko na lang.
" Kahit saan, basta hanggang sa mahanap natin ang tamang lugar " sagot naman niya mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya.
" Tamang lugar? Mahahanap? " tanong ko ulit.
" Nawawala ka diba? Ako din kasi eh kaya siguro ikaw ang gusto kong maging kaibigan. Parehas tayong naliligaw at hindi natin alam kung saan pupunta. Mas maganda kung may kasama ka sa paglalakbay, kaya naman bilang kaibigan sasamahan kita " nakangiti niyang paliwanag. Ang totoo wala akong naintindihan sa mga sinabi niya pero may kung ano sa kaloob looban na para bang gumaan.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya nang inilahad niya ito. Nakangiti siya ngayon sa akin at sa unang pagkakataon nginitian ko rin siya.
" So...official na ba ang pagkakaibigan natin ? " tanong naman niya kaya tumango ako bilang sagot. At gaya ng pagkakakilala ko sa wirdong babaeng ito, tumatalon talon siya na parang batang binigyan ng isnag malaking manika.
*******
" Saan ba talaga tayo pupunta? " tanong ko sa kanya. Kanina pa kami naglalakad hindi ko nga alam kung bahagi pa rin ba ng ospital ang nilalakaran namin. Sa likod kami dumaan at mahahata mo na hindi na ito masyadong napupuntahan. Maraming mga ligaw na halama, hindi ito napuputol kaya naman kasing haba na nito ang isang batang nasa dalawang taong gulang. Marami ring mga plastic ng basurahan na nilalangaw na sa tabi tabi. At ang pinaka ayoko sa lahat ang masangsang na amoy na kanina ko pa nalalanghap.
" Basta, koning tiis na lang malapit na tayo " seryosong sabi niya. Hindi niya ba alam na kanina pa niya sinsabi ang salitang malapit na kami?
Tumigil muna ako dahil sa pagod, tsk nakakainis. Napansin siguro ni Miss wirdo na tumigil ako kaya naman tumigil din siya at napatingin sa akin.
" Bakit ka tumigil? " tanong niya.
" Pahinga muna tayo kahit sandila lang " sagot ko naman. Mukang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil sa nakita kong reaksyon niya.
" Alam mo masyado kang maarte mas malala ka pa sa babae. Sandali pa lang naman tayo naglalakad ah ? " sabi naman niya akin na tila ba naiinis.
" Pasensya na madali lang mapagod " sabi ko na lang. Ayoko rin naman ng ganitong pakiramdam, nakakainis dahil para bang ang hina hina ko. Naptingin ako sa kanya ang dating inis mukang napalitan na ng awa. Tsk. Ito ang ayoko sa lahat ang kinaaawaan ako.
Mas minabuti ko ng maglakad at indahin na lang pagod ko. Napatigil ako kasi hanggang ngayon tulala parin siya at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya.
" Hoy! Miss wirdo tutunganga ka na lang ba dyan? " bulyaw ko sa kanya, tumingin siya sa akin na may lungkot ang mga mata. Ganyan ba ako kaawa awa? Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya ang sakit ko ha?
" Huwag kang mag alala konting konti na lang mararating na rin natin yung sinasabi ko " sabi niya.
" Hindi naman ako nagrereklamo " bulong ko na lang sa sarili ko dahil ayoko ng mag isip ng kung ano anong mga bagay.
" Alam ko" seryoso niyang sabi. Narinig pala niya ako.
Hindi ko maiwasang mag isip. Ano naman kaya ang sakit ng babaeng ito? Siguro hindi naman malala kasi nakakangiti pa siya at ang saya saya niya araw araw, muka na ngang baliw. Pero kung hindi naman malala ang sakit niya bakit nandito siya sa ospital at nag iistay?
Kahit pagkato niya weird. Dahil hindi naman ako lulamabas at nakikihalubilo sa mga kapwa ko pasyente kaya naman hindi ko rin alam kung ano ano ang mga nangyayari sa floor namin.
Napansin kong tumigil siya sa paglalakad kaya naman tumigil din ako.
" Nandito na tayo " nakangiti niyang sabi. Nakunoot naman ang noo ko dahil wala naman akong nakikita kundi isang pader, isang pader na puno ng mga baging at kung ano ano pang mga sulat.
" Ito na yun? " naiinis kong tanong sa kanya. Pero natawa lang siya at umiling iling.
" Syempre hindi! Ano ka ba " sabi niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
" Oh eh nasaan na? " tanong ko.
" Relax, huwag masyadong excited " sabi naman niya na ngayo'y tumigil na sa pagtawa.
" Alam mo ba yung kwentong secret garden? " tanong niya.
" Yung Korean drama? " sagot ko. Mukang bibig ng mommy ko ang palabas na iyon. Napupuyat siya dahil don.
" Hindi iyon, yung libro si Frances Hodgson Burnett ang author " paliwanag naman niya.
" Ano naman ang kinalaman ng libro na iyon sa pupuntahan natin? " naguguluhang tanong ko. Hindi ko maiwasang maintriga sa sinasabi niya.
" The Secret Garden, it is a story about...obviously a secret garden. Pero fiction lang iyon diba? Pero tingin ko hindi isang kathang isang lang ang secret garden " ani niya.
" Huh? " mas lalong wala akong maintindihan sa mga paliwanag niya.
Ngumiti lang siya at may tinulak sa isang bahagi ng pader. Nagulat ako dahil bumukas ito.
" Behold, the secret garden " nakingiting sabi niya.
Namangha ako sa ganda ng paligid parang isang panaginip kung saan ayoko ng magising.
Kung panaginip nga ito huwag nga sana akong magising at sana habang buhay na ako dito. Sana nga, sana.
BINABASA MO ANG
An Angel's Knock ( Completed )
Short Story" Knock, knock " narinig kong sabi ng isang babae. Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko. Credits to: endorphinGirl for my book cover :)