AAK-Chapter 2

229 21 12
                                    


AAK- Chapter 2

Dale

Nagising ako sa isang katok. Napatingin ako sa paligid, umaga na pala? Nakatulog ulit kahapon at hindi na naman ako nakapag hapunan siguado masesermunan na naman ako ni nurse Lyn.

Bumangon na ako at nagayos-ayos, napatingin ako sa pinto muntik ko ng makalimutan yung kumakatok. Sino naman kaya ito? Hindi naman ito ang araw na dadalaw sila mommy, hindi rin naman oras ng pag inom ko ng gamot. Alas syete pa lang ng umaga kaya sigurado ako hindi rin ito ang agahan ko.

Pag bukas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang babae kahapon na nasa harapan ko. Nakangiti. Mabuti na lang hindi ako inatake sa puso.

" Hi " sabi niya habang dire-diretsong pumasok sa kwarto. Ito na naman tayo, tsk.

" Anong ginagawa mo dito?! " bulyaw ko sa kanya.

" Dinadalaw ka, siguro naman tapos ka ng magpahinga diba? "sagot naman niya sa akin. Sobrang nakukulitan ako sa kanya.

" Pwede ka nang umalis " sabi ko naman sa kanya.

" Agad-agad? " nagtatakang sabi niya.

" Oo, tapos mo na akong dalawin diba? At isa pa hindi naman tayo close " sagot ko naman sa kanya.

" Kaya nga ako pumupunta dito para makipagclose, makipag kaibigan " sabi niya.

" Hindi ko kailangan ng kaibigan " tipid kong sagot.

" Kailangan mo " sagot niya naman kaya nakunoot ang noo ko, kung hindi nga lang ito babae baka nasapak ko na ito.

" Bakit mo naman nasabi? " tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti siya ng tipid bago sumagot.

" We all need one " sabi niya habang papalabas sa kwarto ko. Hindi pa man siya nakakalabas tumigil siya sa pagalalakad at tumingin sa akin ng diretso.

" Don't push others away " seryosong sabi niya sa akin at tuluyan ng umalis. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at umupo sa sofa na malapit sa may pintuan.

Pinagmasdan ko ang paligid. Puting kisame, puting sahig pati mga unan iyan lang yata ang tanging kulay dito. Ang sofa naman kulay beige walang ipinagkaiba sa malungkot na kulay dito sa kawarto ko. Mayaman ang pamilya ko kaya naman na kaya nila na i confine ako sa isang magandang ospital. May tv dito at kumpleto ang mga gamit na tila ba nagpapahiwatig na magtatagal ako dito.

*******

Alasais na nang gabi pero mas pinili kong manatili dito sa rooftop, medyo malamig pero buti na lang may dala akong jacket.

" Andito ka pala " napatingin ako sa nagsalita. Nagulat ako dahil yung wirdong babae na naman na kahapon pa ako kinukulit, hindi ko na lang siya pinansin.

" Kalalaki mong tao suplado ka " sabi naman niya habang papalapit sa akin. Hindi ko parin siya pinapansin pero naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya naman napa tingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kalangitang naguumpisa ng magdilim.

" Ang ganda ng kalangitan " sabi niya habang nakatitig parin sa kalangitan.

" Anong maganda sa langit? " tanong ko sa kanya, hindi ko naman talaga makita kung ano ang maganda sa langit lalo na't padilim na. Nakita kong naka simangot na siya at naka tingin na sa akin kaya naman nakunot ang nook o.

" Bakit anong problema? " tanong ko sa wirdong babae na Anya daw ang pangalan.

" Ikaw, ikaw ang problema " sabi niya. Mahahalata mo sa tono ng boses niya na naiinis siya.

" Aba! Bakit ako? Ikaw itong bigla biglang sumusulpot dito " inis ko ding sabi sa kanya. Wala naman yata siyang karapatang mainis dahil ako ang naiinis dahil sa kanya at sa panggugulo niya.

" Unang una, hindi mo naman pagmamay-ari ang rooftop na ito. Pangalawa, gusto ko lang namang makipag kaibigan sayo. At pangatlo bakit ka nandito? Eh hindi mo naman napapansin ang kagandahan ng langit? " sunod sunod niyang sabi. Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na siya pababa.

Naiwan akong mag isa habang iniisip ang mga sinabi niya. Sa pag iisip ko hindi ko maiwasang mapatingin sa kalangitang ngayo'y nilamon na ng kadiliman.

At ngayong puno na ito ng mga bituin masasabi kong maganda nga ito, maganda nga ang kalangitan.

******

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Napatingin ako sa paligid, anong oras ba ako bumalik sa kwarto ko? Hindi ko na maalala pero naaalala ko parin ang mga sinabi ng wirdong babaeng iyon. Bakit ba gusto niya akong maging kaibigan? Wala ba siyang kaibigan dito at ako ang pinupunterya niya? Pero sa ugali niya mukang imposible halata namang palakaibigan siya.

" Hijo, anong oras ka ba bumalik ng kwarto mo? " tanong ni Nurse Lyn habang papasok ng aking kwarto.

" Hindi ko nga po alam eh " sagot ko.

" Naku huwag ka nang magpapagabi at masama iyan sa kalusugan mo " bilin niya. Ito ang ayoko sa lahat, nararamdaman ko na naman kung gaano ako ka malas. Nakakainis. Gusto kong mag wala sa tuwing naaalala ko ang sakit ko.

" Dale? Ayos ka lang ba? " narinig kong tanong ni Nurse Lyn baka napansin niyang tulala ako.

" Opo, ayos lang ako "sagot ko dahilan para mapangiti ito. Isa pa sa pinaka ayaw ko ang kinakaawaan ako, pakiramdam ko ang hina hina ko. Nararamdaman ko na naman kung gaano ako kawalang kwenta.

Pagkaalis ni Nurse Lyn, hindi ko maiwasang mapatingin sa orasan. Hindi ko alam pero parang may kulang. Hindi ko maipaliwanag pero parang may hinihintay ako. Sigurado akong hindi ang mga magulang ko dahil kakadalaw lang nila noong nakaraang sabado at tuwing sabado't linggo lang sila dumadalaw dahil sa trabaho nila. Ayoko rin namang dumadalaw sila dahil ayokong nakikitang malungkot ang mga magulang ko, ayoko.

Kumuha na lang ako ng libro sa cabinet tutal matagal tagal na rin akong hindi nakakapag basa ng mga libro. Simula nung ma confine ako dito sa ospital na ito.

*******

Napahikab ako at napatingin sa oras alas dos na ng hapon. Ganun pala ako katagal nagbabasa? Hindi ko na namalayan ngayon ko na lang ulit naramdam ang maexcite sa mag nangyayari sa bawat pahina ng libro kaya siguro medyo nalibang ako.

Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang pakiramdam na ito na parang may kulang.

Sa iglap nasagot ang tanong ko ng may narinig akong katok sa pinto.

" Knock, knock. Anya to Dale? " napangiti ako ng marinig ang boses ng wirdong babaeng iyon.

Mukang masasanay na ako sa kanya.



An Angel's Knock ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon