AAK-Chapter 6

121 8 0
                                    


AAK-CHAPTER 6

Dale

Napatingin ako sa orasan. Dapat andito na siya kanina pa bakit kaya wala pa siya. Tsk. Oo nga pala sinigawan ko siya kahapon kaya naman bakit pa siya babalik? Siya na nga itong nagmamagandang loob ako pa tong nagmamatigas.

Nang makarinig ako ng katok, napatayo agad ako. Pero dahil walang nagsasalita alam kong hindi siya ito.

" Dale? " narinig ko ang boses ng aking ina. Anong nangyari sa pagakakaalam ko sa susunod na linggo pa siya pupunta.

" Mom? Bakit ka nandito? " tanong ko sa pagbukas ng pinto.

" Ayaw mo ba akong makita? " malungkot na tanong niya.

" Hindi naman sa ganon, pero diba next week ka pa dapat dadalaw. May nangyari ba? " sagot ko naman sa kanya pero umiling lang siya.

" Naka usap ko si Mara " diretsong sagot ni Mommy kaya naman biglang nag init ang ulo ko.

" Mom?! Ano nagsumbong ba siya sayo? " galit na tanong ko. Walang alam si Mom sa mga nangyari wala na rin akong balak sabihin.

" Anak, hindi. Ako ang nagsabi na puntahan. Sana naman magkaayos kayo " pakiusap naman ni Mom.

" Mom, ayoko na nga pwede ba! Huwag mo naman sana pangunahan ang desisyon ko " paki usap ko naman sa kanya. Isa ito sa pinaka ayaw ko ang pinapangunahan ang lahat ng desisyon ko. Mahal ko sila pero madalas lang talaga pinapangunahan nila ang lahat lahat hindi naman ako robot kaya kong tumayo sa sarili kong paa.

" Dale ayos ka lang?! " nag aalalang tanong ni Mom. Napansin niya siguro na hindi na maganda ang pakiramdam ko. Bigla na lang kasing sumikip ang dibdib ko at hindi maka hinga.

" I'm o-okay.." mahina at nahihirapan kong sabi.

" Dale? Dale! Dale! " BIgla na lang nagdilim ang lahat at tanging sigaw ni Mommy ang narinig ko.

****

Agad akong napabalikwas ng bangon.

" Anak? Ayos ka na ba? " nagaalalang tanong ni Mom. Kaya naman napatango na lang ako.

" Ano bang nangyari ? " nagtatakang tanong ko.

" Sinabi ko naman sayo na hindi ka dapat napapagod diba, hindi rin dapat nagagalit dahil naaapektuhan yung puso mo " napatingin ako sa aking doctor at tumango.

"Pasensya na ho doc " sabi ko na lang.

" O sige aalis na ako " sabi ni doc.

" Salamat doc " sabi ni Mom.

" Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Mara ? " nagaalalang tanong ni Mom.

" Mom, pwede ba ayokong pag usapan iyan " sabi ko na lang sa kanya.

" Sige, basta kung may problema ka nandito lang kami " sabi niya kaya naman napangiti ako.

Napakatahimik ng lugar ng biglang binulabog kami ng tunog ng cellphone ni Mom. Hudyat iyon na kailangan na niyang umalis at bumalik sa trabaho niya.

" Mom, sagutin niyo na iyan. Alam kong importante ang tawag na iyan "

Habang may kausap si Mom sa cellphon,napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko si Kuls na tumatakbo. Napatingin siya sa may bintana ko pero agad din siyang umiwas. Galit nga sa akin.

" Dale, I'm sorry but I have to go " malungkot na sabi ni Mom.

" Naiintindihan ko po " sabi ko sa kanya.

Nang makapag paalam na siya at umalis naisipan kong pumunta sa secret garden baka nandoon si Kuls at makahingi na ako ng tawad.

******

Kahit na nahihirapan ako dahil sa dami ng dumi dito, hindi ko ito ininda dahil alam kong sa dulo nito may masisilayan akong isang napaka gandang lugar. Ngayon lang ako naniwala sa kasabihang ' don't judge a book by its cover ' akalain mo nga namang may magandang lugar dito sa kabila ng napaka ruming lugar.

Habang naglalakad naman ako, iniisip ko na kung paano ako hihingi ng tawad. Hindi ko kasi alam ang mga ganoong klaseng bagay hindi ako magaling sa mga ganyan. Kay Mara nga lang ako nagsasabi ng mga nararamdaman. Mara...tsk. naalala ko na naman siya.

Pagkarating ko sa secret garden, wala siya doon.Nakakapag taka kasi dito lang naman siya nagpupunta. Hindi kaya nasa rooftop siya? Pero nakita ko siya kanina. Naisipan ko munang mag pahinga sa may bench dahil na rin sa sobrang pagod at isa pa wala naman ding patutunguhan ang pag iisip ko. Sa pag upo ko may napansin ako sa ilalim ng bench. Isang notebook.

Hindi ko muna ito pinansin at sa halip. Naisipan ko munang matulog, lalo na't malamig sa lugar na ito at napaka presko ng hangin.

Sigurado akong magugustuhan ito ni Mara, napakaganda ng lugar na ito. Mahilig si Mara sa mga bulaklak at magaling din siyang mag paint. Panibagong inspirasyon na naman ito. Teka? Bakit ko ba siya iniisip? Ano bang problema ko?! Nakakainis.

Tumayo na lang ako at nagpalakad lakad. Inikot ang buong lugar at napatingin sa may gubat. Ano kayang meron diyan? Naalala ko tuloy yung pag uusap naming ni Kuls.

" Ano sa tingin mo ang meron diyan? " tanong ni Kuls.

" Aba malay ko " sagot ko naman sa kanya.

" Curious ako, sana makapunta tayo diyan " sabi naman niya habang nakatingin pa rin sa may parte ng gubat.

" Sige, pangako dadalhin kita diyan " sabi ko na lang ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya.

" Weh? Di nga ? " halos di siya makapaniwala sa sinabi ko.

" Oo, oo nga " natatawang sagot ko sa kanya.

" Promise? " sabi habang iniharap ang hinliliit niya sa akin.

" Ano ba yan, bata lang ang gumagawa niyan " sabi ko naman sa kanya.

" Basta, it's a sign of our promise " sabi naman niya kaya wala naman akong nagawa kundi gawin ang promise sign na parang nangangako sa isang bata.

" Promise " at pagkasabi ko ng mga katagang iyon, napangiti siya ng napakalapad.

Muli akong nabalik sa reyalidad ng makaramdam ako ng malamig na hangin. Normal ang ganitong kalamig sa lugar na ito dahil maraming puno. Napakaganda talaga ng lugar na ito.

Bigla kong naalala ang notebook na nakita ko sa may ilalim ng bench. Kinuha ko ito. Para siyang diary at makikita mo na gawa ng tao ang mga disesnyo pero napakaganda.

Nakasarado man makikita mo pa rin ang mga pahina na ka kulay ng mga puno, na para bang makaluma ang mga ito. Lahat ng mg disenyo dito ay recycle. Nakakatuwa napa ka creative ng gumawa nito. At halatang babae ang gumawa.

Binsa ko ang nasa harapan ng libro.

Efipanya's Utopia 




An Angel's Knock ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon