AAK-Chapter 1

327 23 17
                                    



AAK- CHAPTER 1

Dale

Isang buwan na rin ang nakalipas noong namalagi ako sa ospital na ito. Isang buwan na rin ang nakalipas noong naghiwalay kami. Masakit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako nagkulang, kung bakit iniwan niya ako at ipinagpalit sa iba.

Isang araw habang naglalakad ako sa may kalye Ingrid sa Westroad nakita ko siya may kasamang ibang lalaki, naghahalikan sila. Hindi na ako lumapit wala namang mangyayari basta tumakbo na lang ako kung saan at habang tumatakbo sumakit na lang bigla ang aking puso akala ko dahil lang ito sa mga nakita ko yun pala may sakit na talaga ako sa puso.....sa mismong araw na iyon na diagnosed akong may sakit sa puso. Malas lang. Masakit na nga ang puso ko emotionally pati ba naman physically ?

Napabuntong hininga ako. Wala namang mangyayari kung pipilitiin ko pang malala ang nakaraan ko. Kaya naisipan ko na lang na pumunta ng rooftop at doon magpahangin. Alam kong masama sa akin na gumamit ng hagdan pero mas ginusto kong gamitin ito. Wala rin namang magbabago kung gumamit ako ng elevator, masakit pa rin ang puso ko.

******

Sa pagdating ko sa may rooftop agad akong lumapit sa may railings at doon ko dinama ang simoy ng hangin. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko sa tuwing pumupunta ako dito, kahit papaano nakakabawas ng sakit.

Sa pagmuni-muni ko hindi ko maiwasang mapatingin sa ibaba. Nakaagaw ng atensyon ko ang isang babae na tila ba nagtatatakbo sa labas ng ospital, sa tingin ko isa rin syang pasenyente sa ospital na ito dahil sa suot niya. Hindi ko maiwasang magtaka sa kilos niya kasi para bang ang saya saya niya, hindi ba't ang dahilan kung bakit siya nasa ospital ay dahil may sakit siya? O di naman kaya hindi naman ganun kalala ang sakit niya kaya siguro nagagawa parin niya ang magtatatakbo di tulad ko malubha.

Sa totoo lang naiingit ako sa mga gaya niya halata naman siguro ang dahilan diba? Hindi ko maiwasang matawa sa sarili ko kung anu ano na lang talaga ang naiisip ko pati yung hindi ko kilala napagdidiskitahan ko. Ganito nga siguro kapag malapit ka nang mamatay lahat kahit hindi mo kakilala pumapasok na sa isipan mo.

Napansin kong tumigil na ang babae sa katatakbo at tumingin sa akin, hindi ko alam kung sa akin nga siya nakatingin dahil malayo at nasa taas pa ako pero kita ko talaga na dito sa may rooftop siya nakatingin. Nakangiti ito at pagkatapos, tumakbo na ulit siya at sa pagkakataong ito alam kong papasok na siya sa loob ng ospital at doon ko na ring nasipang bumalik sa kwarto ko tutal maghahapon na rin naman at malapit na rin ang oras ng pag inom ko ng gamut baka hinahanap na nila ako.

******

" Dale! Nako hijo san ka ba nagpupupunta?" narinig kong sabi ni Nurse Lyn nang papasok na ako sa kwarto ko. Sa halos isang buwan ko dito siya ang natasang mag alaga sa akin kaya naging close na kami.

Napangiti na lang ako at saka pumasok sa aking kwarto. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi mag salita.

" Sa may rooftop po. Nagpahangin lang " tumango tango naman siya.

" Doon ka ba lagi nagpupunta sa tuwing nawawala ka? " tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot.

" Sige, sa susunod ipaalam mo kaagad sa akin kung pupunta ka soon para naman hindi ako mag alala sa iyo niyan at isa pa baka atakihin ka " pagpapaalala niya sa akin.

" Opo " Tipid kong sagot.

Sa mga oras na ito ipinainom na niya sa akin ang aking gamot at saka nagpaalam.

Nakakalungkot ang mag-isa dito. Sa totoo lang hindi lang talaga ako palakaibigan kaya naman wala pa rin akong kakilala dito na mga kapwa pasyente. Si Nurse Lyn lang at yung doctor ko ang kakilala ko dito.

Sa pag iisa ko nagulat ako ng may mag salita mula labas ng aking pinto. Boses ito ng isang babae.

" Knock, knock! " narinig kong sabi ng isang babae.

" Sino yan? " tanong ko.

" Knock, knock " sabi niya ulit habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

" Pwedeng buksan mo muna ako ng pinto " mataray na sagot nito.

Pagbukas ko ng pinto bumulaga sa akin ang isang babaeng hanggang balikat ko lang. Nakangiti ito sa akin kaya naman nakunoot ang noo ko.

" Sino ka? " tanong ko ulit sa kanya, mas lumapad lang ang ngiti nito kaya naman nainis na ako.

" Ikaw? Sino ka " tanong pabalik ng babae.

" Ikaw nga kanina ko pang tinatanong niyan Miss " sa pagsabi ko non bigla naman siyang sumimangot, ang weird lang ng babaeng ito.

" Anya, ikaw? " pagpapakilala naman niya sa akin sabay lahad ng kamay inabot ko naman ito at nagpakilala rin.

" Dale " tipid kong sagot.

Pagkatapos kong magpakilala agad siyang pumasok sa kwarto ko at umupo sa aking higaan.

" Teka, hindi ka dapat basta basta pumapasok sa kwarto ng may kwarto! " bulyaw ko sa kanya.

" Ang sama mo naman! Bakit ba magkakilala na tayo diba? " sagot naman ng babae hindi ko alam kung ilang taon na siya pero kung umasal siya parang sampung taong gulang. Kaya siguro naadmit ito dito.

" Alam ko pero hindi pa rin tama iyon " sabi ko ng mahinahon sa kanya.

" Bakit? " tanong niya sa akin.

" Kasi nga bawal at isa pa hindi naman tayo close ah " paliwanag ko sa kanya.

" Kailangan pa ba non? " inosenteng tanong niya. Kaya tumango ako pero nagulat ako ng tumawa siya.

" Pero hindi mo ba alam? Sobrang close kaya natin. Sobrang lapit natin sa isa't isa " natatawa niyang sabi. Baliw na nga yata ito kung anu ano na lang ang mga pinag sasabi.

" Miss... " bago ko pa matapos ang sasabihin ko bigla naman siyang sumabat.

" Anya, Anya ang pangalan ko "

" Ok, Anya look wala akong oras sa mga kalokohan mo " naiinis man hindi ko ito ipinahalata sa kanya.

" Hindi naman ako nagloloko ah " sagot naman niya sa akin kaya napabutong hininga ako.

" Anya pasensya na pero kailangan ko ng magpahinga " sabi ko sa kanya.

" Ganun ba? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Sige bye na kita na lang tayo bukas " nakangiting sabi niya. Langya yun lang pala ang malalapag paalis sa kanya.

Humiga na lang ako sa kama ko at natulog sa kalahating araw sobrang dami nang nangyari sa akin, kaya naman napangiti ako.

********

Nagising ako ng mag aalas-otso na ng gabi. Napaka tahimik ng lugar. Kung tutuusin wala naman talagang nag bago sa isang buwan ko dito sa ospital na ito. Pero kanina lang may isang nabago.

Nainis man ako sa babaeng nakausap ko kanina pero inaamin ko na panandalian kong nalimutan na may sakit pala ako. Masaya ako kasi sa araw na ito may isang pagbabagong naganap sa routine ko.

At simula nga non ang tahimik kong buhay napuno na ingay na mas malakas pa sa dalawang malalaking speaker.


**************************

A/N:

Chapter 1 of AAK :) yey! akala ko matatagalan pa pero mukang gumana utak ko ngayon at sana magtuloy tuloy na.

Short story lang ito :)

Hope you like it : )






An Angel's Knock ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon