Kenji's POV
Halos ilang oras na nasa ICU si Blaire, eh inilipat sya sa isang Private Room.
"You can enter the room na po. But please don't touch anything especially, the patient." sabi ng nurse bago umalis.
Tumango nalang ako bilang sagot. Lumulutang parin ang utak ko.
Binuksan ni Dad ang pinto at pumasok kami sa loob. Silently, lumapit kami sa kanya. But not that near.
Blaire..
Ang daming nakakabit sa mga kamay nya. Sa katawan nya. Ang putla putla nya.
Mas naiiyak ako nang makita ko sya.
"Sa labas na muna kami, Kenji." paalam ni Dad sa akin. Tumango nalang ako.
Ang tahimik. Hindi ako sanay.
Halos yung heart monitor lang ang naririnig ko sa loob ng kwarto.
"Blaire..."
"Blaire."
"Wala na ba akong magagawa kundi umiyak?" I feel useless. I'm a useless husband. I'm a failed partner.
"This won't happend if I just.."
Damn!!
DAMMIT!!!
Ang tanga tanga ko talaga! Even if I'm aware that she's pregnant I let her drive on her own! Kabuanan pa nya! Because of me! It's my fucking fault!
Ilang oras ang dumaan at naka-tunganga lang ako sa mukha nya. Hoping she'll wake up.
"Kenji."
Napalingon ako sa may pinto at nakita si Iris na nakatayo doon.
"I-Iris."
"I heard from Cherry."
It's been a while since I saw her. Since High school graduation, I think.
"I'm here to pray for her safety."
"Thank you."
Lumapit sya sa kinatatayuan ko at hinimas ang likod ko. "Just cry. Alam kong ikaw ang pinakanahihirapan ngayon."
Dahil sa sinabi nya napaiyak ako. "Bakit sya pa? Bakit hindi nalang ako?!"
"Kenji. Alam kong madami akong nagawang kasalanan sa inyo. Lalo na kay Blaire."
Medyo lumapit sya kay Blaire but not that near. "And I am sorry for it. Binago ni Blaire ang lahat. Pagkatapos ko kayong saktan, itinuring nya parin ako kaibigan. She always invite me for lunch." She paused and wiped her tears.
"I'm so greatful to met someone like her."
"Thank you," I tap her shoulder. "Back in college days, I didn't know that Blaire is still here in Philippines. Akala ko umuwi na sya pero nakita ko sya sa isang public library. Hindi ko sya kinausap dahil alam kong magiging mabait nanaman sya at ma gu-guilty nanaman ako. Kaya umupo ako ng malayo sa kanya. Kung titingnan mo sya sa malayo di mo sya mamumukhaan dahil sa wig nya. Pero namukhaan ko agad sya. Habang nagbabasa sya, naka ngiti sya. Dun ko lang narealize kung saan at ano ang nagustuhan mo sa kanya."
Humarap sya sakin. "May aura si Blaire na kayang magdala ng tao into happiness. At yan din ang pinaka gusto ko sa kanya."
She stopped then wiped her face. "Omygod. I'm sorry!"
"No problem."
"I--I'll pray for your family."
"Thank you for coming, Iris."
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise
Teen FictionPumunta lang ako dito para mag-aral. Para mamuhay ng normal, kahit minsan. Sino bang mag-aakalang, makikila ko sya? That playboy, sometimes cold, and always handsome man?