Chapter 8

13.9K 380 1
                                    

Blaire/Keth's POV

"Good morning Keth!" bati ni Kenji sakin pagkaupo ko, nagulat ako kaya tinaasan ko sya ng kilay. Agad naman akong tumango sa kanya. Bakit niya ba ako binabati? Nuon nga kahit 'Hi' wala.

"Morning." Wala talaga ako sa mood ngayon, pinagalitan kasi ako ni Harold dahil hindi ko naipasa agad ang papeles na dapat kong ibigay sa kanya.

Umupo na ako sa assigned seat ko, at.... katabi ko na si Kenji, kasi nga na swap si Cherry sa ibang section. So, sya nagvolunter siya na sya nalang ang tumabi sa'kin.

Wala naman akong magawa dahil agad nyang dinala ang bag at gamit niya at umupo sa tabi ko.

Ilang minuto ang nakalipas.

"Ay kalabaw!"

Nagulat ako sa bigla nyang paghawak sa balikat ko at ngumiti ng malawak sa akin.

"Hey! That's rude! I'm not a kalabaw, sa gwapo kong to?! Hah!"

Itinaas nya ang kilay niya. Para syang bakla. Pero, gwapong bakla....

"Kapal."

"Yeah, bakit may nakita ka na bang manipis na nilalang?" Pilosopo nanaman nyang sagot. Bumuntong hininga ako.

"Ang kulit mo! Pwede ba!" Ewan ko sa unggoy na 'to. These past days ganyan na sya. FC much na.

"Penge number mo!" See? Ang FC! Sobrang FC! Sya pa naman may sabing hindi ko dapat sya kausapin.

"9-1-1."

"Aanhin ko yan?"

"Humihingi ka ng number diba? Oh yan."

Just returning my favor. Pilosopo ka kasi masyado!

"I mean your cellular number! Tanga!"

"Ako pa yung tanga ngayon?"

"Sorry na! Pahingi nga!"

"Aanhin mo ba number ko?!" sabay lingon sa kanya.

"Wala lang! Dalawa lang kasi laman ng phonebook ko e."

"Dalawa? Tch. Sus, ikaw dalawang contacts lang? Asa." Playboy to e. Asang dalawa lang.

"Oo! Tingnan mo pa!" tas pinakita nya yung laman ng phone nya.

[Contacts]
- Dad
- My num

Dalawa? Eh isa lang yan! Hindi kasali yang number nya!

"Oo nga 'no."

Bakit dalawa lang? Pano ang number nung mga panget nyang chikababes? Ni Erin?

"Sige na!"

Nagpa-cute sya saka ngumiti.

"Kulit. Oh para tumigil ka na. Tsk."

Then ibinigay din nya yung sa kanya.

"Thanks--" sasabihin nya sana. Kaso--

"Good morning class!"

"Ang epal naman ni Maam Helen." bulong nya.

"Pag ikaw marinig nun."

"So? Tsss."

"Okay class, did you read about the blah blah blah."

-LUNCH-

Ang bilis ng oras no? Hay. Ewan. Ganyan talaga. Bored kasi ako e. Di ko namalayan na lunch na pala.

Pumunta na ako sa Cafeteria para bumili ng lunch.

Pagdating ko dun, hindi pa man ako nakakapila, nabigla nalang ako nung hinila ako ni Kylah at kinaladkad papuntang Juniors Builing, sa likod.

Pagdating namin dun, nandun na silang lahat. Yung mga barkada nya.

Anong ibig sabihin nito...

Itinapon ako ni Kylah sa sahig kaya bumagsak ako.

Araaay. What the hell is this?!

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko.

"WALANG HIYA KA!" sigaw ni Bea.

"Ano?" At, ako pa talaga ang walang hiya? Di ko nga alam anong nangyayare e!

"You.. BITCH!!" - Dianne

"Teka! A-anong pinagsasabi nyo?!"

"Wag ka nang magma-ang maangan pa! Inigaw mo si Prince Kenji!!" sigaw ni Dianne.

"Huh?!"

"Sinabi sakin ni Xylah na katabi mo sya sa classroom nyo at hiningi mo ang number nya! Pati sabi ni Ate Iris, na nagddate kayo. Tch. Kunwari ka pa. You whore!!!!"

Sasampalin na sana ako ako ni Kylah, na kapatid ni Xylah. Pero---

Pinikit ko na lang yung mga mata ko.

"STOP IT!!!!!!" may narinig akong sumigaw. Hindi na tuloy ang pag sampal sakin.

Sino yun?

Minulat ko yung mata ko at nakita ko si--

Kenji?

"Kenji!"

Kenji's POV

After ng last subject namin hindi ko na nakita si Keth. Buset yan.

Makapunta na nga lang ng Cafeteria.

"Patay na naman yung nerd girl! Hinila nung 5 demons eh!" may narinig akong nagttsimisan sa gilid kaya nilapitan ko sila.

"Oo nga! Patay. Sigura---"

"Asan si Keth?!" agad kong pinutol ang pag uusap nila.

"Sino ka ba?! AT KUNG MAKASIGAW KA NAMAN!"

"G-girl.. si Prince Kenji.. yan."

Napalingon sakin yung babae at lumaki ang mata.

"Ah!! Nako. Sorry po."

"SABI KO NASAN SI KETH?!"

"H-Hinila sya nung limang babae dun sa likod ng Juniors Building!"

Agad agad akong tumakbo sa sinabi ng babae.

Pagdating ko dun, nakahilata na si Keth sa sahig.

"Pati sabi ni Ate Iris, na nagddate kayo. Tch. Kunwari ka pa. You whore!!!!"

Sasampalin na sana sya ni Kylah pero agad akong tumakbo sa kinatatayuan nila.

"STOP IT!!!!!!"

"Kenji!"

"Pri--Prince Kenji." Nanginginig na sabi ni Kylah.

"Anong ginagawa nyo sa kanya!?"

"Kasi-!"

I twist my tongue. I'm angry.

"Alam nyo bang itinuring talaga kayong mga kaibigan ni Keth! Sinabihan ko na sya na layuan na nya kayo pero hindi nya kayang gawin yun kasi nga kaibigan ang turing nya sa inyo. Pero ano to?! Ito ba ang igaganti nyo sa kanya?! HA?"

Napayuko sila at aakmang magsalita pero nag-init ang ulo ko at napasigaw.

"Wag na wag na kayong magpapakita sakin. O sa kanya! Kung gusto nyo pang mag-aral. Get out of my sight."

Agad naman silang nagsitakbuhan.

Narinig kong umiiyak parin sya habang nakayakap lang sya sa likod ko.

Hinarap ko sya sakin at tinanggal ko yung salamin nya.

"Tahan na."

She didn't stopped crying kaya nainis ako pero pinigilan ko.

"Ang panget mo kaya umiyak.. Princess Blaire." sabi ko at biglang napaangat ang ulo nya at lumaki ng kunti ang mata.

"An-anong.."

"I know who you are.. Princess."

"H-how?!"

"Because I have the access? Basta."

Tahimik siya at parang sini-sink in ang sinabi ko. Agad syang yumuko at tumulo ang luha nya sa kamay nyang nakayukom. "Keep it as a secret! Please!!"

Napangiti ako, "I will."

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon