Chapter 11

12.6K 335 12
                                    

KENJI's POV


"Bago ko sabihin yun! Let's play a game!" sabi nung lalaki.

"Sige! Ano ba yang larong yan?! Lalaruin ko yan basta't ibigay nyo sya ng ligtas sakin!"

"Oo naman. Kung mananalo ka." sagot nung kidnapper.

"Ano ba ang dapat kong gawin!?" sabi ko habang kinakakalkal ko yung students information.. hinahanap ko yung kay Keth..

Ayun nakita ko na. Yung address agad yung tiningnan ko para makatawag ako sa bahay nila at mapagsabihinan na nakidnapped si Keth- i mean Blaire. At para na din makatawag sila ng police.

"You shouldn't call any person, even your relatives and pati kay Blaire, lalong-lalo na ang police!" sabi nung kidnapperr na nasa kabilang linya.

"H-huh!?"

"Is it clear?" sabi nya.
"O-oo!" tapos nun lumabas na ako ng school para pumara ng Taxi.
"Ano na yung game na sinasabi mo!?" atat kung tanong.

"Pumunta ka sa ***** plaza, may isang cellphone doon sa likod ng bench sa center part ng plaza.. After 10mins tatawag ako dun kapag hindi mo yun nasagot.. Ewan ko na lang kung ano ang ipapagawa ni Boss samin.." sabi nya.

"Manong sa ***** plaza po. Pakidalian nyo po."

PLAZA

Dumating ako sa plaza, limang minuto bago mag time. Pumunta agad ako sa center part ng plaza at hinanap ang sinabi nyang cellphone. Medyo natagalan ako kasi marami namang bench sa Center ng Plaza.

Halos limang minuto din bago ko nahanap, at saktong tumawag ang lalaki. "Bilis ah." bumangad nito sakin.

"Ano ba? Bakit nyo ba 'to ginagawa?"

"Uh... for fun?" tapos eh tumawa sya ng malakas. Babae na ngayon ang kausap ko. I think, ito yung boss nila.

"Kasi nalaman ko na sya pala ang Prinsesa. Wow lang. Yayaman ako ng sobra sa kanya." tapos tumawa ulit sya.

Ang familiar lang ng boses nya..

"P-pwede ko ba syang makausap?"

"Sige. 5 minutes."

"OH. SAGUTIN MO!" sigaw nung babae kay Blaire.

"Blaire?" sabi ko.

"HMMMMMMMMMP!!!" alam kong si Blaire na nga yun pero parang nakatakip ang bibig nya.

"Okay ka lang ba? Sinasaktan ka ba nila?"

"K-Kenji.. Tu--tulungan mo ko.. *sob*" tinanggal na yung takip nya sa bibig. Salamat naman, ng malaman ko kung kumusta sya.

"Oo. Tutulungan kita. Wag kang mag alala. Hintayin mo--"

"TIMEEEEEEEEEEEEE IS UP! Ew. Parang nasa movie lang ang peg nyo. Di bagay. Tch." agad na bawi nung babae, "Hindi pa tapos ang--"

"May angal ka?"

"Wala."

"Good. Nextplace.

Sanichi Academy. Sa principal's Office. Sa ilalim ng desk, after 5 minutes tatawag ulit ako." tapos binababa na nya.

Babalik ako ulit? Pakshyt, malaman ko lang sino 'tong may pakana nito.

Agad akong umalis at nakarating ako sa School ng 7:10pm at ang oras na tatawag sya ay 7:13pm.

Wala na akong inaksayang oras pa, tumakbo ako agad sa office at hinanap ang cellphone.

"H-hello." hinihingal pa ako kaya napaupo ako sa sahig, "Medyo late ka ng 10 seconds. 1st offense mo yun, kapag umabot sa 3rd offense. Goodbye, princess ka talaga."

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon