Chapter 24

8.8K 186 1
                                    

Blaire/Keth's POV

"San mo ba kasi ako dadalhin? San ba tayo pupunta?" sunod na sunod kong tanong ko kay Kenji na ngayon ay nagmamaneho ng kotse nya.

"Basta! Just be quiet please." sabi nya.

Gabi na kasi eh tapos nambulabog pa sya samin sa bahay. =_= Hindi naman nya sinasabi kung saan kami pupunta. Tumingin ako sa cellphone ko at nakita kong 8:30PM na.

Bakit ba pumayag sila Mom na umalis pa ko? Inaantok na rin ako. Hay! Ako na ang mareklamo.


Ilang oras din ang byahe namin ni Kenji sa lugar ng pinagdalhan nya sakin. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at nakita kong 11PM na.

"We're here." sabi nya. Bubuksan ko na sana yung pintuan pero, "Wait." umikot sya sa kotse at pinagbuksan ako.

"T-Thank you." nauutal na sabi ko. Uhhh!! Umeepek ang gentleman side nya! at kinikilig ako sa ganyang gesture nya!

"You're always welcome." nakangiting sagot nya.

Umakyat kami sa pinakamataas na bahagi ng pinagdalhan nya sakin. "Nasan ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa manila parin naman tayo. Pero, nasa may high place to." sagot nya.

Pagkarating na pagkarating namin doon sa taas ay agad akong napatakbo sa mga railings ng lugar.

"Omy God." yun na lamang ang nasambit ko.

Para akong nasa America! O kaya nasa Japan! O kaya nasa England! Ang gaganda na mga City Lights na nakikita ko ngayon. Sobrang naamaze ako!

Inikot ko yung paningin ko ng may makita akong...


KAMA?!


"T-teka! Bakit may kama dito?!" naguguluhang tanong ko kay Kenji na nasa tabi ko rin at tumitingin sa City Lights.

"Mag s-star gazing tayo mamaya." tapos ngumit sya sakin.

Stargazing?! Pwede namang sa bahay o sa rooftop lang!

"Did you like it?" tanong nya sakin.

"Yes! SUPER!" masayang tugon ko. "Right?" lumingon ulit sya sa mga City Lights, "This is my secret place. Simula nung iniwan kami ni Mom, napadpad ako dito. Hindi ko alam pano akong nakarating dito. Basta ang alam ko naging tambayan ko na sya since. Parang wala kasing tao dito nagpupunta eh." sabi nya.

Oh. "May nadala ka na bang iba maliban sakin dito?"

Napalingon sya sakin nun, "Wala pa."

"A-ah." sabay iwas ko ng tingin. Shet! Nakakahiya!

"You're all my first. Don't worry." sabi nya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano dun hanngang napasinghap sya. "B-bakit? May problema ba?"

"Alas dose na! Mag sisimula na! Humiga na tayo!" sabi nya. "Ang alin ba?"

"Basta!!"

Nahiga din naman agad kami sa kama at napatingin sa langit. "METEOR SHOWERRRRRR!" napasigaw ako ng may makitang mabibilis na puting bagay sa langit na nagliliparan. Akala ko star gazing lang!!

"ANG GANDAAAA!!!"

Narinig kong tumatawa si Kenji sa tabi ko, "Bakitttttt?"

"Anong tinatawa tawa mo jan? Ha?"
"Ang cute mo kasi eh, para kang bata. First time mo ba?" namula naman ako sinabi nya. "Hi-Hindi ah! Naaamaze lang talaga ako pag nakakakita ako ng meteor shower!"

Hindi na lang ako tumingin sa side nya at nagfocus sa langit. Grabe. Nakakaspeechless yung ganito.


Halos 30 minutes din eh nawala wala na yung mga meteor shower. "Tapos na ba?"

"I think."

Tatayo na sana ako kaso, "MAY SHOOTING STAR!! Magwish ka dali."

Alam kong nakapa-abnormal ko kasi kakatapos lang ng meteor shower edi syempre, isa din yun sa mga meteor. Kaso, wala naman sigurong masama kung ineexpect kong shooting star yun. Mas mabilis din kasi sya kesa kanina kaya nasabi kong Shooting star 'yon.

Pumikit na lang ako at humiling.


Dear, shooting star.


Secret nalang yung winish ko! Haha. Napabuntong hininga ako at tumitig na lang sa langit. Mga kumikislap na bituin na lang yung natitira, ang liwanag pa naman ng langit kaya kitang kita sila.

"Anong winish mo, Kenji?" tanong ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Nothing." sagot nya.

"Eh. Wala? Sayang naman."
"No need. Nakatingin na ako sa pinakamagandang bituin ngayon. At, kahit ilang shooting star pa dumaan, wala na akong mahihiling pa."

"Talaga? Mas maganda ba yan sa mga shooting star kanina?"

"Yes, and I'm looking at her right now."

Her? May kasarian na ba ang mga star ngayon?

"Nasan? Turo mo naman!" tapos hinahanap hanap ko yung star na sinasabi nya.

"There." tapos nilingon ko yung side nya and this time.

Nakatingin sya sa direksyon ko.


"Eh?" yun na lang ang nasambit ko. Ako ba talaga ang tinitingnan nya or nasa likod ko lang yung star na sinasabi nya.

"Eh ka naman ng Eh jan." humarap sya ng buo sakin at nagsalita, "What I meant is, nasaharapan ko na yung napakamagandang bituin na nakita ko sa buong buhay ko. Ano pa bang hihilingin ko bukod dun? Kung nasa harap ko na yung hiling ko." mahabang pag eexplain nya.


O______O

>/////////////<


"Eh.. Uh.. Ah.." Ano ba!!!

Bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap ako.

"It's already 2am. You need to sleep." bulong nya sakin. Dito kami matutulog?! Well. Okay lang naman sakin. May kumot at unan naman kaya di masyadong malamig, pero nakakailang!! >///<


Maya maya rin, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Princess In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon