Chapter 6

3.8K 76 0
                                    

CINDY'S POV

Umuwi ako nang mabigat ang kalooban. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naaawa ako kay Irene, pareho lang naman kaming nagmahal. Hindi ko ma-imagine na hahantong ako sa ganitong sitwasyon sa buhay ko.

Paakyat na ako sa kwarto ko. Kailangan ko nang magpahinga. Masyadong nakakapagod ang mga nangyari, physically at emotionally.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, tumambad saken ang isang lalaking nakatayo sa harap ng drawer ko.

"N...neo?"

THIRD PERSON'S POV

"Ano 'to?!" sigaw ni Neo sa asawa habang hawak-hawak ang bote na may label na Happiness at may lamang mga puting capsules. "Sagutin mo 'ko, babae! Ano 'to?!"

Na-estatwa si Cindy sa kinatatayuan at hindi malaman-laman kung ano ang isasagot kay Neo.

"Gumagamit ka ng droga, huh?!" sigaw ulit ng asawa. "Ganyan ka bang klase ng babae, huh?!"

"Hubby... s...sorry..."

"Anong sorry?!" binuksan ni Neo ang bote at tinapon ang mga laman nito sa sahig.

"Wag!" sigaw ni Cindy habang pinapanuod si Neo na itapon ang lahat ng nilalaman ng bote. Tinapakan niya ang mga ito.

"Nakakasuka ka!" sigaw pa ni Neo pagkatapos itapon din ang bote. "Sa susunod na mahuli kitang gumagamit nito, kalimutan mo nang asawa kita."

Tinulak ni Neo si Cindy upang makalabas siya ng kwarto ng asawa. Naiwan doon si Cindy na umiiyak at naninikip ang hininga dahil sa nangyari.

Agad niyang ni-lock ang pinto ng kwarto. Umupo siya sa gilid ng higaan at hinawakan ang parte ng kanyang chest kung nasaan ang kanyang puso. Malalakas ang mga hikbi niya na tila nawawalan na ng hininga. Nakatingin siya sa mga piraso ng capsules na nakakalat sa sahig.

JACOB'S POV

Nagdadrive lang ako sa kalsada nang maka-receive ako ng text galing kay Cindy.

"From: Cindy

Jacpv tulong mandito c neo..."

Bigla akong nanglamig nang makita ko ang text ni Cindy. Halata sa mga typos niyang nagmamadali siya sa pag-type.

Agad kong kinontact si Neo at agad naman siyang sumagot.

"Hello?"

"Dude, punta ka sa condo ko. May kailangan tayong pag-usapan. Come, now."

"Can't we just talk through the..."

In-end ko na yung call bago pa man niya ako barahin.

"To: Farra

Pumunta kayo ni Kate sa condo ko. Papunta dun si Neo, keep him company habang pupuntahan ko si Cindy sa kanila. Emergency."

Hinarurot ko na ang sasakyan ko papunta kina Cindy. Ano na naman bang nangyari?

*****

Buti na lang at may susi ako ng bahay nila Cindy. Tumakbo agad ako paakyat ng kwarto niya at nakita kong naka-lock ito. Sh*t naman!

Wala na akong nagawa kundi sirain ang doorknob. Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama at nangingisay. Hawak-hawak niya ang chest niya at hingal na hingal.

"Cindy..."

Hindi natuloy ang sasabihin ko ng tuluyan siyang mawalan ng malay.

*****

"Huminto na naman ang heartbeat niya," sabi ng personal doctor ni Cindy pagkalabas ng ER. "You should avoid stressing her. Yun ang madalas na dahilan kung bakit siya nadadala dito."

"H...hindi ko rin po alam kung bakit siya nagkaganyan," sagot ko.

"Well, as far as I can see, she's going through a hard time. You should talk to her. At mas mabuti sana kung malalaman 'to ng asawa niya," seryosong sabi ni doc. "Alam mo namang napaka-seryoso ng sakit na Coronary Heart Disease. And her situation is getting worse."

"I understand, doc."

Nag-antay muna ako sa hospital pagkatapos ng ilang sandali pero umalis na rin ako. Naalala kong pinapunta ko si Neo sa condo ko, along with Farra and Kate.

*****

Nagmadali akong pumunta sa condo ko. Nang malapit na ako, nakita kong papalabas na si Neo, mukhang naiinis na siya.

"Wait, Neo! Saglit!" rinig ko ang pagpigil nila Farra sa loob.

"Shut up, both of you! Kung gusto niyo lang na mang-trip, it shouldn't have been me," sigaw niya pa. Nahinto siya nang makita niya ako. "You piece of bullsh*t! Papapuntahin mo ako dito, tapos wala ka rin? What kind of motherf*cker are you?"

"Sorry, ok? May nangyari lang na emergency..."

"The hell I care with that?! You just wasted my time!" pagmamaktol niya.

"Oh, Jacob, nandiyan ka na pala," sabi ni Kate nang makalabas na rin sila ni Farra.

"At bakit ba nandito rin 'tong dalawang 'to, huh?!" tanong ni Neo.
"Ah..."

"Kasi kakausapin din sana namin si Jacob about sa company niyo, alam mo naman. Stockholders din ang family namin dun eh. Eh nung pumunta ka dito, ikaw na ang kinausap namin," mabilis na pagdadahilan ni Kate. "Diba, Farra?"

"K...korek!" sabi ni Farra.

Tinignan naman ni Neo silang dalawa nang may pagtataka, he seemed unconvinced.

"Anyway, kung ayos lang, pwede na kayong umalis," sabi ko kina Farra at Kate. Inirapan pa ako ni Kate. Umalis na sila at naiwan kami ni Neo sa condo.

Nakatanggap pa ako ng text.

"From: Kate

Wow, you're welcome huh?! Pagkatapos mo kaming papunta-puntahin diyan sa condo mo pagkatapos i-entertain yang bipolar na asawa ni Cindy, papaalisin mo lang kami. Wala man lang pa-snacks? Pasalamat ka, alam naming mahal mo yung babaeng yun!"

Napailing ako sa text niya at nireplyan ko.

"To: Kate

Dumiretso kayo sa **** General Hospital. Nandoon si Cindy."

"Ano? Kung painapunta mo lang ako dito para bwisitin at panoorin kang mag-text..."

"No. You came here to talk to me. Pero hindi tayo dito mag-uusap," sabi ko at ni-lock ang condo. Pupunta kami sa bar.

Somehow, I need to know kung bakit madalas nang stressed si Cindy. At sigurado akong si Neo lang ang makakasagot noon.

*****

A/N: Sorry sa matagal na update! Akala ko nga, napanis na 'to eh! Salamat sa support!

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon