Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng readers ng story na ito. Sa mga kaibigan ko, sa P.O., sa naging readers ko sa school. Salamat sa inyo nang maraming marami! Salamat sa mga naghintay ng UD, at salamat sa mga taong hindi sinukuan ang pagbabasa sa storya na ito at nakaabot pa rito. Ngayon ay nagtatapos na ang TSOTA at... grabe, salamat talaga.
Pangalawa, since uso ito, gusto kong i-share ang facts ng pagbuo ko ng story na ito.
Facts About TSOTA
1. Sinimulan ko ang pagsusulat nito noong May, 2015 at natapos ng May, 2016. So, one year!
2. Na-inspire akong isulat ang The Story of the Antagonist kasi gusto kong mabigyan ng justice ang mga kontrabida sa bawat story. As you can see, pinakita ko ang side ni Cindy kung bakit niya pinaghiwalay sina Irene at Neo.
3. Since si Cindy and antagonist sa sarili niyang kwento, I made some plot twists para kainisan niyo rin siya.
4. Si Irene ang protagonist kaya hindi ko siya ginawang masama.
5. Medyo exaggerated ang sakit ni Cindy sa story, pero ang pangalan ng sakit niya ay Coronary Heart Disease.
6. Wala po akong planong lagyan ito ng cast so you're free to imagine kung ano man ang itsura ng characters. Haha.
7. Kung kapos po kayo sa kilig moments, well, hindi ko po talaga planong gawin itong romance kaya focused siya sa dramatic scenes.
8. Hindi ko po masyadong nilagyan ng details ang characters; such as age, birthdates, family, surnames, etc., because I want to focus on the scenes. Sorry. But! Cindy's surname is Alonzo (not mentioned within the story).
9. This is my first ever written novel so hindi ko po talaga siya hinabaan.
10. Tapos ko na po siyang i-reedit. And right now, hindi ko alam kung bibigyan ko siya ng sequel since wala talaga akong plans and ideas para sa book 2. Pero hindi ako magsasalita ng tapos, dahil I'm always open for opportunities. Lol.
So iyan na po. Talagang nagtatapos na ang story! Also, read my other works kung may time po kayo. Just visit my profile @makatangpauso.
BINABASA MO ANG
The Story of The Antagonist
General FictionSabi nila, gawin mo ang lahat ng paraan para makuha mo ang kasiyahan mo. Pero paano kung mismong kasiyahan mo ang nagtataboy sayo? Story by makatangpauso Book cover by makatangpauso