Chapter 11

3.6K 82 0
                                    

NEO'S POV

Nakatulog siya habang nakasandal sa balikat ko dito sa sinehan. Napaka-peaceful ng mukha niya kahit alam kong marami siyang pinagdadaanan ngayon.

Tsk. Bakit ba iniisip ko yun? Dapat nga ay magalit pa ako sa kanya. Pasalamat lang siya at birthday niya ngayon, at ilang oras na lang bago matapos ang araw na 'to.

There are so many reasons I should be hating on her.

Dahil sa pagpapakasal ko sa kanya, hindi na kami pwede ni Irene, ngayon tuluyan na siyang umalis. Alam kong arranged marriage lang yun at wala siyang kinalaman, but still, hindi man lang siya tumanggi kahit alam niyang may relasyon na kami ni Irene noon. Dahil sa kanya, Jacob and I are not in good terms. Hanggang ngayon, naghihinala pa rin akong nagtatanan sila. She's using drugs, and I think may sayad na rin siya sa utak. Ano pa bang kamalasan ang maibibigay niya saken?

Pero, nangyari na ang lahat. Dito na ba mag-eenter ang salitang move-on?

Siguro nga, tama si Irene. Asawa ko na siya, and she has all the reasons to get in my life.

Pero... aish! Mas maganda siguro kung ni katiting eh minahal ko siya, di ba? Pero hindi talaga eh! Kahit pigain man ako ni Aphrodite at Eros ngayon, walang space na nakalaan ang puso ko para sa kanya.

Awa. Oo, yun lang talaga. Kaya ko 'to ginawa ngayong birthday niya, kasi naawa ako. Na-guilty ako sa lahat ng pinaggagawa ko.

Pero, siguro nga, oras na para i-try ko ring mahalin ang asawa ko. Wala namang mawawala kung subukan ko. Tutal, mahal niya na ako.

Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo. Sigurado naman akong tulog na siya kaya imposibleng maramdaman niya pa yun.

*****

CINDY'S POV

Nasa sasakyan na kami ni Neo. Medyo gabi na rin at pauwi na kami sa bahay. Tahimik lang kami. Nagda-drive lang si Neo.

Imposibleng maging panaginip yung kanina. Ramdam na ramdam ko talagang may dumampi sa noo ko habang natutulog ako. Imposibleng ibang tao yun kasi nga si Neo ang katabi ko. Ibig sabihin, si Neo nga... pero imposible rin kasi ayaw niya nga saken! Nakaka-bobo namang mag-isip!

"Cindy."

Napatingin ako kay Neo na nagda-drive pa rin. Actually, nagulat ako sa pagtawag niya saken. Ni minsan, hindi ko pa siya naririnig na tawagin ako sa mismo kong pangalan. Madalas kasi ay hoy o babae ang tawag niya saken.

"B...bakit, hubby?" tanong ko. Ano kayang sasabihin niya? Na siya nga yung humalik sa noo ko kanina? Masamang umasa, pero ayos lang rin naman kung may katwiran kang umasa.

"Gusto ko lang sanang... hay," napabuntong hininga siya. "S...sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo."

Natigilan ako. Kanina, sigurado akong gising na gising na ako pero ngayon parang pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako.

"H...huh?" paninigurado ko.

"Tsk. I won't say it again," mukhang nabwisit na siya. Tanga mo kasi, Cindy, bakit nag-huh ka pa? Napansin kong nakatingin siya saken.

"B...bakit?"

"Well?"

"Anong well, hubby?"

"Wala ka bang masasabi sa sinabi ko?!"

Sorry naman, Neo, noh? Sadyang na-shock lang kasi ako.

"A...ah! Ano... uhmmm..."

"Tsk!"

"Hindi mo naman talaga kelangang mag-sorry saken, eh," sabi ko. "Naiintindihan ko namang sadyang hindi mo lang ako talaga mahal. At ako, sarili ko lang ang sinasaktan ko."

Pagkatapos kong sabihin yun, natahimik ulit ang paligid. Nakita kong nakakunot na naman ang noo niya sa pagda-drive.

Napansin ko na 12 am na pala. Tapos na ang birthday ko. Hay, bakit kung kelan ka masaya, tsaka pa napakabilis ng oras?

*****

Dumaan ang mga araw, medyo hindi na ako sinisigawan ni Neo. Pero suplado pa rin siya at hindi ako kinakausap. May improvement na rin kasi kahit papaano, kinakain niya na yung mga luto ko.

Si Jacob? Ewan ko na kung anong nangyayari sa kanya. Hindi na kasi kami madalas na nagkikita. Kinukumusta ko na lang siya kina Farra at Kate. Pero all in all, hindi na ganoon karami ang problema kesa dati.

Yung sakit ko? Ayun, walang improvement. Sabi ng doctor, nagiging mas malala na daw. Alam ko naman na mangyayari rin 'to eh. Kaya nga mas secured na ang taguan ng mga gamot ko para hindi na makita ni Neo.

Napatingin ako sa kalendaryo at tila mas bumigat ang pakiramdam ko. One week na lang pala bago mapalitan ang buwan na ito.

Tinignan ko si Neo na ngayon ay nagsusuot na ng suit niya papuntang opisina. Ni minsan, hindi ko siya nakitang ngumiti kasama ko.

One week na lang, Neo. Pagkatapos nun, promise, magiging masaya ka na. Konting tiis na lang.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si mama.

"To: Mama

Ma, payag na ako sa gusto niyo. After one week, we'll do it."

*****

A/N: Sa wakas! Hahaha! Dedicated kay @aqua_saira dahil nabitin daw siya sa last chapter. Ayan na, ha.

At tsaka, malapit nang magtapos ang The Story of the Antagonist (yeah, I know maikli siya). Pero you can expect more stories from me, kasi plano ko ring isulat ang My Ghost Girlfriend. So, please anticipate it alot!

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon