Chapter 7

3.8K 77 0
                                    

"So, dude, pwedeng magtanong?" paninimula ko pagkatapos ng ilang shots namin ni Neo ng vodka. Tinignan niya ako nang may pagtataka.

"How are you and Cindy?" tanong ko.

Napasandal siya sa kinauupuan niya habang umiiling-iling.

"That girl," sabi niya. "She's useless."

Napakuyom ako ng kamao ko nang sabihin niya iyon. Bigla akong nakaramdam ng galit sa sinabi ni Neo.

"You know what? I even saw her taking drugs!" sabi niya pa. Natigilan ako sa sinabi niya. "Kanina lang, bago mo ako tawagan. Good thing you invited me here. I've had enough of her!"

Drugs? Imposibleng gumamit ng drugs si Cindy. At huminto ang tibok ng puso niya kanina, inatake siya ng sakit niya.

Sinubukan kong alalahanin ang scenario sa loob ng kwarto ni Cindy. Nakahiga siya sa kama, hindi makahinga, tapos nawalan ng malay. And on the floor... kung hindi ako nagkakamali, may capsules sa sahig.

So, inakala ni Neo na drugs yun?

"Alam mo, I'm planning for a divorce," natigil ang pag-iisip ko nang magsalita ulit si Neo. "I don't want her as my wife. Lalo na nang malaman kong she's into drugs..."

"You don't know her situation," sabi ko at napatayo. "Don't speak like that because you don't know anything!"

"I know her situation!" sigaw niya. "She's f*cking crazy!"

Hindi ko na napigilan. Lumipad ang kamao ko sa pagmumukha niya.

"Wag na wag kang magsasalita ng ganyan tungkol sa kanya," sabi ko habang nagpapalitan kami ng masamang tingin. "Pasalamat ka at mahal ka niya. But next time you talk trash about her, magkalimutan na tayo, Neo Formento."

"Pfft! Stop acting as if you understand everything."

"Yes I do! I f*cking do!"

"Then, what is it, Jacob? Ano ba talaga ang sitwasyon niya?" tanong niya nang may paghahamon.

Natigilan ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. I promised Cindy that I will keep her disease as a secret.

"Hah! I knew it. Hindi mo kayang sagutin ang tanong ko," sabi niya. "Hindi lang ako nagsasalita, pero napapansin ko na kayo eh. You're having affair with each other, right? That thirsty b*tch. Ikaw ang dahilan kung bakit late nang umuuwi ang babaeng yun, kasi nakikipagkita siya sayo."

Hindi ako makasagot sa mga pinagsasabi niya. Dead end na ako. Hindi ko pwedeng sabihin na laging inaatake si Cindy ng sakit niya kaya laging late na siyang nakakauwi.

Nakita kong sarkastiko siyang pumapalakpak saken.

"Hindi lang pala siya ang walang kwenta, pati rin ikaw. You really were my bestfriend," sarcastic niyang sabi.

Hinigit ko ang collar ng damit niya at nilapit ang mukha niya habang nakatingin nang masama, "Oo, mahal ko siya. Pero ikaw ang mas pinili niya kasi ikaw ang mahal niya. At totoo yung sinasabi mong nagkikita kami, pero hindi dahil we're having an affair, kundi dahil kinukwento niya saken ang tungkol sayo, tungkol sa kung gaano siya nasasaktan tuwing nararamdaman niya na hindi mo siya mahal!"

Binitawan ko ang collar niya nang patapon.

"Bukas na ang birthday niya. At least make her happy for just one day, bago mo man pagsisihan ang lahat ng kagaguhan mo!" sabi ko at iniwan siya doon.

*****

Pagkalabas ko ng bar ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Kate.

"Hello, Kate?"

"Jacob, gising na si Cindy. Sabi ng doctor ay stable na ang kalagayan niya, pero kailngan niya pang manatili sa hospital for two weeks bago pa man siya maging fully recovered..."

I cut her off, "Nakausap niyo na ba siya?"

"Oo. Namimilit siya. Sabi niya, gusto niya na daw umuwi. Help us, Jacob!"

"Ok, papunta na ako diyan," sabi ko at sumakay na sasakyan ko.

*****

"Kamusta na siya, doc?" tanong ko sa personal doctor ni Cindy na si Doctor Guevarra. Nandito ako ngayon sa labas ng ward ni Cindy sa hospital.

"Well, fortunately, bumalik na ang tibok ng puso niya kanina pa," sagot ni doc. "She's stable, for now. Pero kailangan niyang manatili dito for at least two good weeks for her full recovery."

"Pero, pwede ba siyang makausap ngayon?"

"Oh, sure!" sabi ni doc at tinuro ang pinto sa room ni Cindy.

Pumasok ako sa room ni Cindy at nakita ko sina Farra na kinakausap siya. Napatingin silang tatlo saken.

"Oh, Jacob. Yay, you're here," sarcastic na sabi ni Kate.

"Hay! Ikaw na nga ang kumausap dito, Jacob! Ang kulit eh!" sabi naman ni Farra, referring to Cindy.

"Ok, pwede na kayong umuwi," seryoso kong sabi.

"Hay, salamat! Akala ko, may papapuntahan ka pa samin eh. Kung makautos, like a boss?!" pagrereklamo ni Kate bago sila lumabas ni Farra. "Hoy, Cinderella, magpagaling ka, huh? Wag masyadong pabebe!"

Lumabas na silang dalawa. Nanahimik ang paligid nang maiwan kami ditong dalawa ni Cindy. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sabi nila Kate, kasama mo daw si Neo kaya wala ka dito kanina," panimula ni Cindy.

"Oo," firm na sabi ko. "Pero kung ano man ang pinag-usapan namin, hindi na yun importante. Ang mahalaga ay malaman niya na ang sitwasyon mo."

Nagbago ang tingin niya saken, magkahalong pag-aalala, lungkot, at takot.

"Hindi pwede," sabi niya.

"Pero asawa mo siya."

"Jacob, napag-usapan na natin 'to..."

"Pero lumalala ka na!" natigilan siya nang magtaas ako ng boses. Agad naman akong na-guilty sa ginawa ko. Umiwas ako ng tingin. "Sorry."

"Oo, alam kong lumalala na ang sakit ko," sabi niya. Nararamdaman kong umiiyak na siya. "Pero Jacob, natatakot ako. Natatakot ako na baka mas lalo niya akong kamuhian kung malaman niya ang tungkol sa sakit ko. Oo nga, hindi niya ako mahal. Pero mahal ko siya, at kaya kong gawin ang lahat para lang sa kanya."

Tumalikod ako sa kanya para hindi niya makita ang luha ko. Hindi naman ako madalas na ganito pero ang sakit na eh. Sa lahat ba naman ng mamahalin ko, siya pa. At ang mas masakit, yung malaman kong hindi niya susukuan ang mahal niya kahit anong mangyari. Hindi katulad ko, kasi nagpakaduwag ako.

"Jacob, can't you just let me happy for one last time?" madiin niyang sinabi saken. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko at humarap sa kanya. Nginitian ko siya nang mapait.

"Kung ganyan ang gusto mo, sige. Pagbibigyan kita. Sino nga ba naman ako para makigulo sa inyong mag-asawa?" sabi ko at binigyan pa ng emphasis ang word na mag-asawa. "Pero wag mong sabihing ito ang huling beses na magiging masaya ka. Dahil mahaba pa ang buhay mo at alam kong marami pang masayang mangyayari sayo."

"Salamat, Jacob."

"At hindi si Neo ang tinutukoy ko. Hindi siya ang magpapasaya sayo. Oo, alam kong mahal mo siya pero ramdam na ramdam kong nasasaktan ka dahil sa kanya."

*****

A/N: Yehet! Ohorat! Double update! Kung inakala niyong panis na ang story na 'to dahil sa tagal ng update ko, pwes oo! Lels. De, joke. Tuloy pa rin ang storya na 'to. Sorry sa intense na drama, napakalayo sa ugali ko. XD

Special mention kay MARIAM TRICIA KENDATUN dahil request siya nang request na dapat ay makita niya ang pangalan niya dito. Oh, ayan na, huh? All capslock pa yan para masaya.

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon