Chapter 14

4K 90 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ng gabing iyon, hindi nakatulog si Neo. Kahit na napakakomportable na ng kanyang pagkakahiga sa kama ay mayroon pa ring bumabagabag sa isip niya. Ni hindi niya nga alam kung bakit.

"I've said too much," sabi niya sa isip. "But no, she deserves it."

"Nang dahil saken, hinika siya."

"Hika lang naman yun. It's nothing compared to what she did to me."

"But she doesn't really deserve the harsh words."

"She ruined my life."

"Pero mahal niya ako."

"Hindi ko naman siya mahal."

Napa-sabunot si Neo ng sariling buhok dahil sa kanyang mga iniisip. Tila nagtatalo ang kanyang mga konsensya, ang isa ay ang galit at ang isa ay awa.

"Hindi nga ba?"

*****

Pumasok si Jacob sa ward ni Cindy. Naabutan niya ang kaibigang umiiyak.

"Jacob..." nanghihinang tawag ni Cindy habang tuloy pa rin ang pag-iyak. Agad siyang nilapitan ni Jacob. "Jacob, alam niya na."

Niyakap niya si Cindy. Awang awa na si Jacob sa minamahal niya.

"Ang gusto ko lang n...naman, m...maging masaya ak...ko b...bago ako m...mamatay," sabi ni Cindy sa gitna ng pag-iyak. "G...gusto ko l...lang namang makaramdam n...ng pagmamahal eh."

Mas lalong humigpit ang yakap ni Jacob. Mismong siya ay naluluha na rin sa mga sinasabi ni Cindy.

"P...puro na lang a...awa ang natatanggap ko," patuloy na pagsabi ni Cindy ng hinanakit. "Y...yung mga nag-ampon s...saken. Pati y...yung mga magulang ni N...Neo, k...kaya siguro pinakasal k...kami. Siguro nga, p...pati si Neo, n...naawa lang din saken kaya n...niya ako p...pinasyal nung birthday ko."

"Cindy, hindi totoo yan," pagtutol ni Jacob.

"A...akala ko pa naman, m...mahal niya na ako," pagpapatuloy ni Cindy. "P...pero awa lang n...naman lagi ang natatanggap ko eh. Ayan, nagalit siya. W...wala naman t...talaga akong balak ilihim s...sa kanya yung ginawa kong p...pagnanakaw sa kumpanya eh, k...kaso nagalit siya k...kasi sinira ko daw yung buhay niya."

Kumalas si Jacob sa pakakayakap kay Cindy. Tinignan niya ang babae sa kanyang mga matang puno ng luha.

"N...ni minsan, h...hindi ko naramdamang m...mahalin ako ng isang tao. Oo, desperada ako, p...pero g...gusto ko lang n...namang maranasang maging m...masaya hanggang d...dumating yung araw na yun," sabi ni Cindy kay Jacob. "Ng...ngayon, Jacob, naliwanagan ka n...na ba?"

"Cindy, paano naman ako?" malungkot na sabi ni Jacob. "Ni minsan ba, hindi mo naisip na nandito naman ako?"

Hindi nakapagsalita si Cindy.

"Halos kalahati ng buhay ko, inalay ko para sayo. Mula nung bata tayo, ako na yung kasama mo tuwing sinisigawan ka ng mga umampon sayo. Hanggang nung maging asawa mo yung kaibigan ko. Tinulungan nga kita sa pagnanakaw mo," madiing sabi pa niya. "Hindi lang awa ang dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat ng yun para sayo! Cindy, mahal kita eh. Kung gusto mong maranasang mahalin, dati mo pa yun nararanasan kasi dati pa kitang mahal!"

Gulat na gulat si Cindy sa mga sinasabi ni Jacob kaya't hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Pero, ni hindi mo man lang napansin yun. Kasi puro ka na lang Neo. Pero ito pa rin ako, naghihintay ng tamang panahon," napailing si Jacob. "Siguro nga, dapat sinabi ko na lang 'to sayo noon. Para hindi na 'ko nasasaktan ng ganito. Pero natakot ako eh. Mas lalo akong natakot nung nalaman ko yang sakit mo. Cindy, ano na lang ang gagawin ko pag nawala ka?"

*****

Kinaumagahan ay mag-isang umiinom ng kape si Neo. Buong gabi siyang hindi nakatulog kakaisip tungkol sa nangyari.

Nabalik siya sa kasalukuyan nang may mag-doorbell sa pinto. Agad siyang tumayo para pagbuksan kung sino man ito.

"Neo."

Halos manghina ang mga binti niya nang makita si Cindy na nakatayo. Diretso ang tingin niya kay Neo, ngunit medyo mugto ang kanyang mga mata at namumutla.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi niya akalaing uuwi pa ang asawa niya.

Umatras nang bahagya si Neo para papasukin sa bahay si Cindy. Pumasok nga ang kanyang asawa at naglabas ng isang brown envelope at isang maliit na sobre. Nilagay niya ang mga ito sa coffee table.

Umupo si Neo sa sofa at tinignan ang mga dala ni Cindy.

"Yan ang dalawang bagay na matagal mo nang inaasam-asam," pagsisimula ni Cindy. "Yung nasa brown envelope, annulment papers yan. Pirma mo na lang ang kailangan at tapos na ang pagkakatali mo sa akin."

Nagulat si Neo sa sinabi ni Cindy. Maghihiwalay na ba sila?

"At yung nasa sobre, yan yung ninakaw ko sa kumpanya mo. Wag kang mag-alala, doble ang halaga niyan. Pagbabayad na rin sa sinira kong buhay mo," sabi pa ni Cindy.

Nanatiling kalmado ang mukha ni Neo kahit sa loob niya ay natetense na siya sa mga nangyayari.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo, Neo Formento. Ngayon, malaya ka na. Sana maging masaya ka," dugtong ni Cindy.

Napakagat si Neo ng kanyang labi. Pinipilit niya pa ring maging kalmado ngunit tila may kumikirot sa bandang dibdib niya.

"Muntik ko na palang makalimutan," nilapag ni Cindy ang isang singsing sa ibabaw ng sobre at brown envelope. "Wedding ring ko yan. Pinaka-iniingat-ingatan ko yan kasi naging tanda yan ng kasal natin. Gusto ko lang iwanan yan dito. Siguro kasi, nawala mo na yung sayo."

"What are you doing?" mahinang tanong ni Neo kay Cindy.

Nginitian siya ng babae, "I'm saying goodbye, for your own good. Binibigyan din kita ng pagkakataong ayusin ang buhay mong sinira ko. Na-realize ko na ring hindi nga talaga tamang ipagsiksikan ko ang sarili ko sayo."

Agad namang umiwas ng tingin si Neo sa sinagot ni Cindy.

"Sorry kung sinira ko yung buhay mo, Neo. This must be farewell, pero wag mo sanang kakalimutan na ni isang saglit, hindi nawala ang pagmamahal ko sayo."

Nakayuko na si Neo nang marinig niya ang mga yapak ni Cindy na naglalakad na palayo hanggang sa tuluyan na itong mawala at sumakay ng sasakyan.

Iyon ang sandaling nakaramdam siya ng matinding lungkot at pagsisisi. Ni hindi man lamang siya nakapagsalita. Ni hindi niya man lang napigilan si Cindy.

Wala siyang nagawa kundi umupo sa sofa at hawakan ang kanyang kwintas na ang pendant ay ang kanyang wedding ring na matagal niya nang suot.

*****

A/N: Wow. One month. Di naman masyadong halata na tamad ako, eh noh? K, dot. So, yeah, officially annulled na po ang CiNeo love team. Watdapak.

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon