NEO'S POV
I was in such a depression. Ni minsan, hindi pa ako nagiging kasinglungkot ng ganito.
I'm such a loser.
I was too stupid. Hindi man lang ako gumawa ng paraan. I gave her chance into my heart, pero sinira ko rin yun. Nagpatalo na naman ako sa emosyon ko. Minahal ko na pala siya. Pero ni hindi ko man lang napansin yun kasi nabulag ako dahil sa galit.
At bakit nga ba ako nagagalit? Because she ruined my life?
No, she taught me to understand life. Na hindi ibig sabihing gusto mo, makukuha mo na.
Totoo nga palang tsaka mo lang malalaman ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito.
Ngayong wala na siya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong itapon at pagmumurahin yung annullment papers at yung sobre na nasa coffee table ko ngayon, pero alam kong walang magagawa yun.
Hinawakan ko ang wedding ring na pendant ng kwintas na suot ko. All this time, I never took it off. Ngayon, isa pang singsing ang kailangan kong itago. Yung singsing niya.
Our rings were already united, but their owners certainly aren't.
I'm such a loser.
*****
CINDY'S POV
I finally did it. Pinakawalan ko yung nag-iisang taong inakala kong makapagbibigay saken ng kasiyahan bago ko pa man lisanin 'tong mundo.
For the first time in my life, nagparaya ako.
Alam kong simula pa lang, naging makasarili na ako. I was that desperate. Sobrang desperada sa sarili kong kasiyahan at pagmamahal. Kasi, sa totoo lang, hindi ko naranasan yun.
Flashback
Hindi kami kinasal ni Neo sa simbahan. Ginusto niyang maging private ang kasal namin. Pinayagan ko siya dahil yun naman ang gusto niya.
Nandito ako ngayon sa bago kong tirahan. Bagong tirahan namin ni Neo.
Hay. Gaano kaya ako katagal na maninirahan dito?
Ang una kong ginawa ay umakyat ng kwarto ko at kinuha ang maliit na bote ng pills. Kumuha rin ako ng pentel pen at sinulatan yung bote ng paborito kong salita. Happiness.
Happiness. Yan ang matagal ko nang pinapangarap.
Ang mga pills na laman ng boteng 'to, gamot para sa sakit ko. Well, it doesn't exactly cure. Pero napipigilan ng gamot na 'to ang sintomas ng sakit ko. Para walang makaalam, para walang hahadlang sa kaligayahan ko.
Kahit wala nang cure ang sakit ko.
End of Flashback
Mas napapaluha ako noong naalala ko yun. Yun ang unang araw namin ni Neo bilang ganap na mag-asawa.
Pagkatapos noon, nakayanan kong mag-survive ng isang buwan. At pagkatapos noon ay nakagawa ako ng isang desisyon.
Flashback
Isang buwan na ang nakakalipas nang ganap akong Mrs. Formento. Wala pa ring improvement samin ni Neo. At wala pa ring improvement sa sakit ko.
Nagbihis ako para pumunta ng hospital. Magpapacheck-up ako, hindi para magpagamot, kundi para malaman kung gaano pa ako tatagal.
Si Dra. Guevarra ang personal doctor ko. Nag-hire ang adoptive parents ko ng isang doctor para tignan ang kondisyon ko.
"Cindy, kung hindi ka pa magpapa-heart transplant ay maaaring bumigay na ang puso mo," seryosong sabi saken ni doctora. "Sa tantsa ko, within one month, maaaring tuluyan nang magiging incurable ang sakit mo."
"Pero, doc, kapag nagpa-heart transplant ako ngayon, sigurado bang gagaling ako?" pabalang kong tanong. Medyo naiinis na ako. Alam ko namang wala nang cure ang sakit ko. Naaawa lang naman siya saken.
Tinignan niya ako na para bang mamamatay na ako, "Cindy, your life would be fatal. Maaari kang magamot, pero maaari ka ding mamatay during the operation. I would say fifty-fifty."
Fiftt-fifty. Sabi ko na nga ba. Ginawa lang 'to ng adoptive parents ko para malamang wala na talaga akong pag-asa. Para makuha nila ang buong ari-arian ng totoo kong mga magulang, pati na rin ang shares ko sa kompanya nila Neo.
Pero hindi ko pinakasalan si Neo para sa pera. Ginawa ko yun dahil ayokong mapunta sa wala ang buhay ko. Mahal ko siya, at dahil dun nakayanan kong lumaban. Naging makasarili ako.
I just badly want happiness.
"So, doc, kung magpa-opera ako next month sa katapusan, wala namang difference di ba? Fifty-fifty pa rin," firm kong sabi kay Dra. Guevarra. Pero hindi ako magpapa-opera. Willing akong mamatay. Alam ko namang magiging masaya ang adoptive parents ko sa pagkamatay ko, as long as I sign the contract. Pero sisiguraduhin kong masaya rin ako. "Doc, in one month, we'll do it."
"Pero..."
Hindi ko na siya pinatapos. Naglakad na ako palabas.
End of Flashback
At iyon nga. Halos one month ang lumipas. One month na inakala ko ay makukuha ko ang kasiyahan ko. Pero sabi nga nila, time flies the fastest when you're happy.
Pinaglaruan ako ng tadhana sa sarili kong laro. Nasampal ako sa mukha ng katotohanan. Talo ako.
Hinding hindi ko na matatanggap ang kasiyahang inaasam ko. Hindi ko na mararanasang mahalin ng isang taong mahal ko.
Napakalaki ng pagpapasalamat ko kay Jacob, kasi kahit hindi siya ang laman ng puso ko, nagawa niya pa ring maghintay. Nagawa niya pa ring lumaban para sa mahal ko, kahit na siya mismo yung nasasaktan. How ironic.
Bago pa man maubos ang mga natitirang araw ng buwan na 'to, sisiguraduhin kong wala na ako sa buhay nila.
Tinawagan ko si mama, "Ma?"
"Hello, Cindy?"
"Ma, pupunta ako diyan sa states. I made my decision, pipirmahan ko na yung will and testament."
"A...are you sure?"
"Ma, di ba na-text na kita noon? Sigurado na ako sa desisyon ko. I'll make sure that all my wealth and shares will be passed to you."
"O...ok, Cindy..."
Hinung up ko na yung tawag. Nararamdaman kong nakangiti yung stepmother ko ngayon pagkatapos kong sabihin yun.
Buti pa sila, masaya na dahil sa pera.
Tumayo ako. Ngayon ang araw na tuluyan na akong mamamaalam kina Farra, Kate, at Jacob.
*****
A/N: Opo, aminado pong tamad akong mag-UD. Sorry kung natagalan. Mention din kay quiana_06 na friend ko at dahil inapura niya po ako. Dejuk.
BINABASA MO ANG
The Story of The Antagonist
General FictionSabi nila, gawin mo ang lahat ng paraan para makuha mo ang kasiyahan mo. Pero paano kung mismong kasiyahan mo ang nagtataboy sayo? Story by makatangpauso Book cover by makatangpauso