CINDY'S POV
Dinala ako ni Neo sa isang mall dahil dito ako nag-request. Nagtataka nga ako kung bakit siya mabait ngayon, alam niya kayang birthday ko?
Pumunta kami sa isang stuffed toy shop. Di ko na sasabihin kung ano, mahal ang endorsement.
Napukaw ng paningin ko ang isang malaking teddy bear. Grayish silver yung kulay niya at parang kumikinang. Ang cute-cute niya dahil merong red na ribbon siya sa chest.
"Tsk," nabaling ang atensyon ko sa pag-aalburoto ng asawa ko na mukhang naaasar na habang nakatingin sa paligid. "Do we really have to go in this kind of place?"
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ayaw niya pala dito.
"Sige, hubby, punta na lang tayo sa iba," walang gana kong sabi at tinapunan pa ng malungkot na tingin yung silver teddy bear. Nang tignan ko ulit yung asawa ko, nakita kong pabalik-balik yung tingin niya saken at nung teddy bear.
"Gusto mo ba yan?" tanong niya. Medyo nagulat ako dun, pero, bakit ba siya nagtatanong? Ibig sabihin, bibilhin niya yan? "Kung ayaw mo, edi wag."
Pinigilan ko siya sa paglakad palabas. Napaka-ill-tempered naman nitong asawa ko. Hindi lang makasagot, ayaw agad? Di ba pwedeng na-shock lang muna?
"Teka naman, hubby!" pagpigil ko.
"Ano? Akala ko ba, ayaw mo?" naaasar na tanong niya.
"Gusto ko yun, gustong gusto."
"Tsk. Di kasi sinasabi agad eh, pakipot pa," sabi niya at pumasok ulit sa loob ng shop. Lumabas siya nang dala-dala yung stuffed toy na silver habang nakasimangot. Ang cute-cute naman ng asawa ko habang dala yung stuffed toy. "Oh, iyong iyo na yan."
Inabot niya saken yung stuffed toy, siyempre kinuha ko. Niyakap ko yun agad at nginitian si Neo.
"Salamat, ha," sabi ko. Inirapan niya lang ako at naglakad kung saan.
Ayokong umasa pero... bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to? Dahil ba natututunan niya na rin akong mahalin? Sana...
"Hoy, babae, baka wala kang balak sumunod? Uuwi na lang ako..."
"Sabi ko nga, hubby, susunod," sabi ko at sinundan na siya habang buhat yung teddy bear. Nabasa ko yung pangalan niya sa tag na nakatahi sa may paa. Jacob. Natawa tuloy ako.
*****
Kumain kami sa isang restaurant pagkatapos gumala.
Tinignan ko lang si Neo habang nilalagay niya yung mga tray sa table namin. Anong pagkain namin? Marami. Nagutom kasi ako eh.
"Oh," sabi ni Neo habang inaabot saken yung pagkain ko. "Hindi ka naman masyadong nagutom niyan."
Nginitian ko lang siya. Nagsimula na siyang kumain samantalang naghahanap pa ako kung saan ko pwedeng ilagay muna si Baby Jacob para makakain naman ako ng maayos. Napaka-dambuhala kasi ng teddy bear na 'to eh, mas malaki pa sa unan ko.
"Walang lason yang pagkain," sabi ni Neo habang nakatingin saken. "Akala ko, gutom ka? Bakit di ka pa kumakain?"
"Eh kasi, hindi ko alam kung saan ko ilalagay si Baby Jacob..."
Natigil ako sa pagsasalita nang umubo si Neo. Mukhang nabilaukan siya. Uminom siya ng tubig, pagkatapos tumingin siya nang masama saken. Ano na namang ginawa ko?
"Baby what?" tanong niya.
"Uh... Jacob?" sagot ko naman.
Napasandal siya sa upuan niya at tinignan ako nang hindi siya makapaniwala saken. Nakakunot yung noo niya at mukhang galit na.
"May relasyon nga kayo nung gagong yun, noh?" asar na tanong niya.
Na-gets ko na kung bakit. Kasi akala niya, si Jacob ang pinag-uusapan.
"Wala, hubby. Ang ibig kong sabihin, itong teddy bear..."
"Pinangalanan mong Jacob ang laruan na yan?!"
Pinakita ko yung tag sa paa ni Baby Jacob kung saan nakasulat doon yung Jacob. Medyo kumalma naman siya nung nakita niya yun pero nakakunot pa rin ang noo niya.
"Ang pangit ng taste mong pumili ng stuffed toy," sabi pa niya at pinagpatuloy yung pagkain.
Ano bang problema niya kung Jacob nga ang pangalan ng teddy bear ko? At tsaka, magkaibigan naman sila ng totoong Jacob sa totoong buhay, ah. Bakit parang kinamumuhian niya na si Jacob ngayon? May kinalaman kaya yun sa pinag-usapan daw nila?
Nilagay ko na lang si Baby Jacob sa tabi ko at nagsimula nang kumain, kahit medyo uncomfortable pa rin kasi katabi ko ang isang dambuhalang teddy bear.
Tinignan ko si Neo na mukhang gusto na niyang basagin yung platong pinagkakainan niya. Nakakunot din ang noo niya. Simula nun ay hindi na siya nagsalita kaya nanahimik na lang din ako.*****
Nanood kami ng movie sa cinema. Ano yung movie? May pagka-romance-comedy siya. Hindi ko na sasabihin kung ano kasi nga mahal ang endorsement.
Ang awkward nga kasi may dalawang mag-syota pa ang nasa harapan namin na ang lakas maka-PDA. Kesyo mag-holding hands, maghalikan sa pisngi, at magkilitian daw in public. Nakaka-OP, sana ganyan din kami ni Neo.
Tinignan ko naman si Neo at kanina pa siya nakasimangot. Parang hindi nga siya nanonood kasi mukhang may iba siyang iniisip kahit na nakatingin siya sa screen.
Nung nasa part na sobrang nakakakilig na yung scene sa movie, nakita kong halos magyakapan na yung mag-syota sa harap namin. Try ko kaya kay Neo?
Hinawakan ko yung isang kamay ni Neo. Hindi siya kumikibo kaya sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Inangat ko yung tingin ko at nakita kong nakatingin lang siya saken, pero wala pa rin siyang kibo sa mga ginagawa ko.
Nanuod lang ako nung palabas hanggang sa bigla akong sumpungin ng antok. Hindi ko napigilan, nakatulog ako.
Ewan ko kung panaginip lang o totoong may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa may noo ko habang kinakain na ako ng antok.
*****
A/N: Yiiieee, salamat sa support, guys. Muah, with feelings!
Sarreh kung natagalan sa update. Yung chap 9, last week ko pa yun dapat ipinublish pero medyo short ako nun sa pera kaya walang pang-net. Yah know, maka-mobile.
BINABASA MO ANG
The Story of The Antagonist
General FictionSabi nila, gawin mo ang lahat ng paraan para makuha mo ang kasiyahan mo. Pero paano kung mismong kasiyahan mo ang nagtataboy sayo? Story by makatangpauso Book cover by makatangpauso