Chapter 4

3.8K 84 0
                                    

Day 4, at maayos pa rin naman ang kondisyon ko kahit papaano.

Ring... ring...

Teka, may tumatawag.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Cindy," narinig ko si Farra. "Ayos ka lang ba?"

Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro ay na-kwento na rin sa kanya ni Jacob.

"Alam mo na siguro, noh?" tanong ko. "Tsk, si Jacob talaga."

"No. Kami ang nangulit kay Jacob..."

"Kayo? So alam na rin ni Kate?" hindi ko napigilang itaas ang boses ko. Sa lahat ba naman ng makakaalam, bakit mga bestfriends ko pa?

"Sorry, Cindy," mahinang sabi ni Farra.

Muli akong napabuntong hininga. Wala na. Alam na nila eh. Ano pa nga bang magagawa ko?

Mukhang natahimik na yung luka-luka sa kabilang linya, baka mamaya eh umiyak pa yan. Ang dami ko na ngang problema, madadagdagan pa.

"Mag-ingay ka nga! Hay, oo na, ok lang naman ako, as ok as I can be," pag-aassure ko sa kanya.

"Sigurado ka?" nag-aalangang tanong niya.

"Aish! Oo nga, ayos lang ako. Oh siya, ibaba ko na 'to, may kelangan pa akong gawin," sabi ko at hinung up na yung tawag bago pa man makapagsalita pa si Farra. Nakakabanas naman eh, kaya ayokong nalalaman nila yung mga problema ko.

Speaking of problema, uminom ulit ako ng isang capsule mula sa bote nung Happiness. Hayaan na nga, ito lang naman ang solusyon ko eh.

*****

"Good morning, ma'am!" bati saken ng isang staff sa company ni Neo. Nandito kasi ako sa building, hahatiran ko ng pagkain si Neo, pambawi na rin sa hindi ko pagpansin sa kanya kahapon. Wala eh, ang sama ng nangyari saken.

"Ah, good morning!" nginitian ko yung staff. "Nasaan na si Neo?"

"Ah, si sir po? Nasa office lang po niya, sa fifth floor," sabi niya at tinuro ang elevator. "Gusto niyo po bang samahan ko kayo?"

"No, wag na. Kaya ko naman. Salamat," sabi ko at ngumiti ulit sa kanya bago pumunta sa elevator.

Habang nasa elevator, chineck ko muna yung hawak kong mga tupperware na may lamang mga pagkain, para kay Neo. Pinagluto ko pa siya.

Hay, sana naman magustuhan ni Neo ang mga 'to.

Ting!

Nagbukas ang elevator, ibig sabihin nasa fifth floor na ako. Naglakad na ako papunta sa opisina ng asawa ko.

"Good morning, Mrs. Formento!" bati saken ng mga staff na makakasalubong ko. Hay, ang sarap palang pakinggan na ang apelyido ng minamahal mo yung tawag sayo.

Nakarating din ako sa tapat ng pinto ng office ni Neo. Alam kong uso kumatok pero hindi na, gusto kong ma-surprise si Neo.

Ipipihit ko na sana ang door knob nang may marinig akong magsalita sa loob.

"I still love you."

Napahinto ako nang marinig ko ang nagsalita. Si Neo.

"Ako rin naman eh, mahal pa rin kita," isang boses naman ng babae ang narinig ko.

Alam kong nasasaktan ako. Pero ewan ko ba kung bakit ang tanga ko at pinagpatuloy ko pa ang pakikinig sa usapan nila sa loob.

"Let's be together again, Irene," narinig ko ang boses ni Neo na tila may lungkot sa mga boses niya. Kausap niya pala si Irene. Si Irene, na pinaka-pinagseselosan ko, dahil siya ang tunay na mahal ni Neo.

Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Ang tanga ko rin kasi. Bakit pa kasi ako nakinig? Akala ko pa naman, naging manhid na ako sa mga ganito, pero ang sakit pa rin talaga.

"Gusto ko rin yan, Neo..."

"Then, be it!"

Gusto kong isigaw na tama na pero nanghihina na ako. Sumasakit na naman ang chest ko, at nahihirapan na akong huminga. Hindi pwede.

Nabagsak ko sa floor yung mga tupperware na may lamang pagkain na para sana kay Neo. Tumunog ito nang malakas sa pagkakabagsak sa floor. Hindi ko na yun pinansin at nagmadaling naglakad papalayo dahil nandidilim na rin ang paningin ko. Gusto ko lang makaalis, dahil masakit na, at ayokong malaman nila ang tinatago ko.

*****

THIRD PERSON'S POV

Narinig ng dalawa ang malakas na pagbagsak ng isang bagay sa labas ng opisina kaya naman ay natigilan sila sa pag-uusap.

Binuksan ni Neo ang pinto upang malaman kung ano ang dahilan ng ingay at nakita niya ang isang paper bag na may lamang mga pagkain na nakalagay sa mga tupperware. Nakasalpak ito sa sahig at tila nabitawan ng may-ari.

Hindi napansin ni Neo na nasa likod na niya si Irene at nakatingin rin sa paper bag na nasa sahig. Dinampot niya ito at tinignan ang mga laman.

"Neo," malungkot ngunit seryoso na tawag ni Irene. "Hindi na pwedeng maging tayo ulit."

"Pero Irene, mahal naman natin ang isa't isa," sabi ni Neo na may halong pamimilit at kalungkutan sa boses niya.

Malungkot na umiling si Irene, at tinignan ang paper bag na hawak.

"Mahal nga kita, pero nakatali ka na sa iba. May asawa ka na, Neo," sabi ng babae at inabot ang paper bag kay Neo.

Naiwan si Neo sa loob ng opisina habang hawak-hawak ang paper bag na may lamang mga pagkain. Lumabas na si Irene, at rinig pa niya ang mga hikbi ng dalaga, patunay na umiiyak ito.

*****

A/N: Shet, pinapakinggan ko pa yung Let Me Be The One habang sinusulat 'to, kaya nakakaiyak. Haha. Naiiyak ako sa sarili kong kagagahan.

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon