Chapter 12

3.6K 77 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Busy si Neo sa pag-handle ng mga papeles sa kanyang opisina. Kada-oras ay napapahawak siya sa kwintas na suot niya. Nakatago ito sa ilalim ng suit niya.

Ang pendant ng kwintas niya ay ang wedding ring niya nang magpakasal sila ni Cindy.

Kung siya ang tatanungin, hindi niya rin alam kung mahal niya na ang asawa. Sa ngayon, ang alam lang ni Neo ay mas gumagaan na ang loob niya tuwing kasama si Cindy, kesa noong dati. Hindi niya alam kung paano siya pakikitunguhan kaya madalas ay sinusupladuhan niya na lamang ang asawa.

Binitawan ni Neo ang singsing at bumalik sa trabaho nang biglang may kumatok.

"Come in," walang ganang sagot ni Neo. Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok dito ang kanyang secretary. "Anong kailangan mo, Ms. Sandoval?"

"Sir, gusto ko lang pong ipaalam na na-trace na po namin kung saan napunta ang 70% ng dapat na income ng kumpanya for the last three months," tuloy-tuloy na sabi ng secretary. Nabitawan ni Neo ang mga papeles at tinignan nang nakakunot ang noo si Ms. Sandoval.

Nanakawan ng 70% ang income ng Formento Inc. three months ago. Ito ang dahilan ng pagkalugi ng kompanya at ito rin ang dahilan kung bakit napilitan silang makipag-merge sa Cecil & Gerald's, ang kompanya ng pamilya ni Cindy.

"Ito po, sir," binigay ng secretary ang isang brown envelope. Kinuha ito ni Neo, mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Hindi ko po yan pinagsabi sa iba at ako pa lang po ang nakakakita niyan."

"Ok, good. Pwede ka nang lumabas," walang ganang sabi ni Neo habang nakatingin pa rin sa envelope. Napansin niyang hindi pa rin umaalis ang secretary. "Ano? Narinig mo ba ako, Ms. Sandoval?"

"A...ah, ok, sir. Sorry, sir," sabi ng secretary at nagmadaling lumabas.

"Tsk," napailing si Neo at dali-daling tinanggal sa pagkakatali ang brown envelope. Kinuha niya ang puting papel na laman nito.

"What the..." hindi siya makapaniwala sa nabasa. "Sh*t."

*****

CINDY'S POV

"Opo, doc. Naiintindihan ko na po ang pwedeng mangyari saken," sabi ko kay Dra. Guevarra. Sinabi ko na sa kanya ang plano ko after one week. "Pero sana po, walang matatanggap na kung anong balita tungkol saken ang asawa ko."

"Hay. Kung yan ang gusto mo," pagbuntong hininga ni doctora.

"Ok, doc, salamat!"

Naglakad na ako palayo. Narinig ko pang bumulong-bulong si doctora.

"Tsk, tsk. She's impossible."

Hindi ko na yun pinansin. Wala rin akong mapapala kung papansinin ko pa yun.

Nung nasa sasakyan na ako, tinawagan ko sina Kate at Farra. Gusto kong magpakasaya ngayon, kasi pagkatapos ng one week, alam kong hindi na pwede.

"Hello, Kate?"

"Yah?"

"Pwedeng punta tayong mall ngayon? Na-contact ko na si Farra, ayos lang daw. Ikaw?"

"Sure! Hahaha! Actually, pupunta talaga ako. Good timing!"

"Ok, see you."

Hinung up ko na yung tawag at nag-drive na papuntang mall. Pero ano na kayang balita kay Jacob?

*****

JACOB'S POV

Biglang may kumatok sa pinto ng condo ko. Binuksan ko yun at nakita ko si Neo na galit na galit.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Tinignan niya ako na parang nagpipigil ng galit at tinapon ang isang brown envelope. Buti at nasalo ko yun.

"Sabihin mo nga, may kinalaman ka ba diyan?!" galit na tanong niya habang binabasa ko yung nilalaman ng papel. Pagkatapos noon ay binalik ko ang papel sa envelope at tinignan si Neo. "Ano?!"

"Oo, tinulungan ko siya."

"What the heck, Jacob?!"

"Bingi ka ba o sadyang tanga lang? Sabi ko, oo! Tinulungan ko siya, may kinalaman ako diyan!"

Nakatanggap agad ako ng isang suntok sa may panga ko kaya napahiga ako sa sahig.

*****

CINDY'S POV

"Salamat, Kate, Farra! Salamat kasi sinamahan niyo akong mag-mall ngayon," sabi ko habang palabas na kami ng mall. Gabi na rin kasi at kailangan ko nang umuwi, baka magalit si Neo. Marami-rami na rin kasi ang nabibili ko.

"Di ba nga, ikaw si Cinderella? Edi ako ang fairy godmother mo!" sabi ni Farra.

"Ikaw lang? Ano ako?" pagmamaktol ni Kate.

"Ikaw yung daga!" tapos ay tumawa nang napakalakas si Farra kaya nabatukan tuloy ni Kate.

Napapailing na lang ako sa kalokohan ng dalawa. I'm very blessed to have bestfriends like them. Hanggang kelan ko pa kaya sila makakasama?

Pagkalabas ay pumunta na sila ng ibang daan. Ako, sumakay na ng sasakyan ko. Uuwi na nga, di ba?

Paano kung tuluyan na akong kainin ng sakit ko? Mamimiss rin kaya ako ni Neo? Mmm... mukhang hindi naman. Pero, ayos na sakeng naging masaya ako kasi nakasama ko siya, napangasawa pa.

Ano kayang mangyayari sa kanilang lahat kung mangyari nga saken yun? Ano kayang magiging reaksyon ni Jacob? Ni Kate? Ni Farra? Ni Irene?

Meron kayang paraan para ma-contact ko si Irene kahit na sa huling beses man lang? Kamusta na kaya siya sa states ngayon? Mahal niya pa rin kaya si Neo? Hindi niya rin pala alam ang tungkol sa sakit ko.

Mabilis lang akong nakarating sa bahay. Pinarada ko na yung sasakyan ko tapos pumasok na. Hindi naka-lock yung pinto, ibig sabihin, nakauwi na si Neo.

Nakabukas yung ilaw sa living room. Nakita ko ang isang brown envelope na nakapatong sa may coffee table. Wala si Neo, baka nasa taas pa at nagbibihis.

Hmm... hindi naman masama kung tignan ko yung laman nung brown envelope, di ba? Baka naman tungkol yan sa company namin, pwede rin akong makatulong.

Kinuha ko yung brown envelope at yung papel na laman. Binasa ko yng nakasulat.

"5, 000, 000, 000 php, 70% income from Formento Inc., was transferred to Cindy Formento's bank account."

Nanlamig ang mga kamay kong nakahawak sa papel. Kasabay nun ang paninikip ng dibdib ko. Imposible. Imposibleng malaman niya ang tungkol dito.

Nabitawan ko ang papel nang makita si Neo na nakatingin saken mula sa hagdan. Masama ang tingin niya saken. Galit siya.

Akala ko, magiging maayos na ang lahat. Mukhang mali ako.

"N...neo," automatic na tumulo ang luha ko.

******

A/N: Pabitin muna, para masaya. Abangan ang susunod na chapters. Ang sabi ko nga, malapit na 'tong matapos.

Mention ulit kina Mariam at Ivy na readers ko sa school. Salamat!
Salamat rin sa lahat ng mga readers ko sa Wattpad community! First story ko 'to Wattpad, at sana patuloy niyong suportahan ito!

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon