Chapter 19

4.1K 73 2
                                    

NEO'S POV

Lumuhod ako sa harapan niya. Nakita kong tumutulo na ang luha niya habang nakayuko sa akin. Ako rin naman eh. I just want her so bad.

"Cindy, sobrang nagsisisi ako sa mga ginawa ko," sabi ko.

Flashback

"Good morning, hubby!"

"Tsk. Anong maganda sa umaga kung nakikita ko yang mukha mo?"

"Oh, hubby, kain na. Ipinagluto kita!"

"Wala akong gana."

"Sige na, hubby. Sayang naman 'tong niluto ko..."

"Sino bang nagsabing magluto ka? Huh?"

"Kkasi... kasi asawa mo ako."

"Tss. Walang kwenta."

End of Flashback

"Ni hindi ko man lang naisip kung anong pwedeng mangyari kung mawala ka sa akin. All these times, naghahanap ako ng paraan para mapasaya ang sarili ko pero... hindi ko man lang napansing nandiyan ka. Ikaw, yung walang tigil na nagmamahal sa akin, nagtitiis sa masamang pakikitungo ko sa iyo."

Yumuko ako. Hinayaan ko nang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Hindi ko rin kasi kayang makitang umiiyak si Cindy.

Flashback

"Ganyan ba ang oras ng pag-uwi ng babaeng may asawa, huh?" galit na tanong ko sa kanya.

"H... hubby..."

"Alam mo ba kung anong oras na, babae?"

"K...kasi..."

"Kasi ano? May lalaki ka?" medyo pasigaw na tanong ko.

Hindi ko alam pero sobrang nakakainis. May asawa siya, pero ang lakas ng gana niyang makapanglalaki.

"Oh, bakit di ka makasagot? Kasi meron nga?"

Nagsimula siyang umiyak. Mas lalo akong nainis. Bakit hindi siya makasagot? Meron ba talaga siyang lalaki?

"Tapos iiyak-iyak ka diyan. Tingin mo, maaawa ako sayo?" galit kong sabi. "Nang dahil sayo, nasira ang buhay ko. Akala mo ba, palalampasin ko yun?"

Oo, nalugi ang Formento Inc., at dapat ay kami ni Irene ang magpapakasal. Kaso ang mga peste kong magulang ang namilit na sa pamilya ng babaeng 'to makipag-partner. I know, it's not entirely Cindy's fault, pero nakakainis kasi alam niya nang may relasyon kami ni Irene pero pumayag pa rin siya sa kasal. She was Jacob's friend! She was supposed to be my friend, too!

"Pwes, kung balak mo lang sirain ang buhay ko, might as well ganun na rin ang gawin ko sayo," sabi ko. "At kung makita ko man yang lalaki mo, hindi ako mag-aatubiling saktan kayong dalawa."

At ngayong nakatali na siya sa akin, wala siyang magagawa kundi pagbayaran at harapin ang kasalanan niya.

End of Flashback

"Yung mga times na sinisigawan kita, sinusupladuhan, nagawa ko lang yun dahil gusto kong makaganti," I said. "But I realized, hindi naman talaga ikaw ang kinagagalitan ko, kundi ang mga magulang ko."

"Neo... hindi mo kailangang..." sinubukan niyang magsalita. Hinintay ko ang idudugtong niya pero mga hikbi lang ang mga naririnig ko.

Katahimikan ang bumalot sa paligid. I can't believe I'm saying all these things to her. Kung ako yung Neo noon, sigurado akong hinding hindi ko man lang iisiping lumuhod sa harap ni Cindy para lang mapatawad niya 'ko. Sobrang naging tanga ako.

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon