Chapter 17

4K 73 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tatlong linggo na ang nakalipas nang iwanan ni Cindy ang Pilipinas. Kasama niya na ngayon sa America ang mga adoptive parents niya. Napirmahan niya na rin ang will and testament ng kanyang mga totoong magulang para maipasa lahat ng pamana nila sa mga umampon kay Cindy.

Sa tatlong linggo ring iyon ay mas naging malala ang sitwasyon niya. Mas pumayat siya, lumalim ang mga eyebags, at pumutla. Madalas na rin siyang nagmumukmok sa kanyang kwarto at walang araw na hindi siya umiiyak dahil sa mga taong naiwan niya sa Pilipinas, lalong lalo na kay Neo.

Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ni Cindy si Neo. Ngunit sa tatlong linggong iyon, wala siyang alam kung ano na ang nangyari sa kanyang dating asawa, pati na rin sa mga kaibigan.

Napakalala ng depresyong nararanasan ni Cindy dahilan para mas maging delikado ang kanyang sitwasyon. Mas dumadalas ang pag-atake ng sakit niya, buti na lamang ay lagi niyang dala ang kanyang gamot para mapigilan ang tuluyang paghinto ng tibok ng puso.

Ngunit sa mga araw na nagdaan, ni minsan ay hindi siya kumunsulta sa doktor. Hindi rin siya pinipilit ng mga umampon sa kanya na gawin ito dahil alam ni Cindy na hinihintay lamang nilang tuluyan siyang mawala para masolo ang lahat ng yaman niya.

CINDY'S POV

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ang itatagal ko. Kasi alam kong malubha na ang puso ko, at anytime pwede na akong mawala. Pwedeng bukas, next week, next month, next year.

Kung handa na ako? Hindi ko rin alam. Noong una, nagdesisyon akong willing akong mamatay basta makuha ko lang ang kasiyahan ko, ang mahalin ni Neo. Pero ngayon, wala na akong magagawa. Ano pa bang gagawin mo kung mismong kasiyahan mo ang nagtataboy sayo palayo?

Bumangon ako at nagbihis. Naisipan kong gumala ngayon. Mag-isa. Para naman malimutan ko kahit papaano ang kalungkutan ko.

Lumabas ako ng bahay namin. Ni hindi man lang ako pinansin nila mama at papa. Living with them is just like living with Neo before. Wala rin silang pakialam sakin.

*****

Hindi ko pa masyadong kabisado ang mga kalye dito sa town namin. Matagal-tagal din akong naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang café. Since gutom na ako, pumasok muna ako doon at nag-order.

Pumwesto na ako sa seat ko habang naghihintay nung inorder ko. Siyempre, nag-iisa lang ako dito.

"Cindy?"

Napatingala ako nang may tumawag saken.

"Cindy, how are you? Nandito ka rin pala."

Nginitian niya ako at umupo sa isa pang seat sa table ko. Magkaharap kami. Nginitian ko rin siya.

"Hi, Irene," bati ko kahit na hindi ko pa siya gustong makita sa sitwasyon ko ngayon. "Ayos lang ako. Three weeks pa lang ako dito."

"How come? Kasama si... si Neo?"

Biglang nag-tense ang mga balikat ko nang marinig ang pangalan niya. Oo nga pala, hindi pa alam ni Irene ang nangyari sa amin, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko pa siyang makita.

"May problema ba?" mahinahong tanong niya. Mukhang napansin niya ang pagbago ng posture ko sa pagkakarinig ng pangalan ni Neo.

I really envy this woman. Mas karapat-dapat siya para kay Neo. Napakabait ni Irene, natuto siyang magparaya para sa amin dati dahil kasal na kami ng minamahal niya. Pero ngayon, yung pagpaparaya niyang yun ay napunta sa wala.

"Please, Cindy, wag mo sabihing..."

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang naglabas ako ng isang buntong hininga.

The Story of The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon