The Test (note)

47 1 0
                                        

Nasaktan ka na ba? Naramdaman mo na ba yung feeling na parang mamamatay na ang puso mo sa sakit? yung halos gusto mo kainin ka na ng lupa para hindi mo na maramdaman ang milyong karayom na tumatarak sa kaibuturan ng kaluluwa mo? Kung hindi pa, I guess hindi ka pa nagmamahal . Hindi mo pa mahal . At malamang hindi mo siya kailanman minahal. 

Naranasan mo na yung sa sobrang sakit na napagdaanan mo, pakiramdam mo lahat sila iiwan ka lang? na panandalian lang silang magi-stay sa buhay mo? yung feeling na lahat nalang may imahe ka sa isip mo kung paano kayo magwawakas? Na sa tuwing di niya mami-meet yung expectations mo ,yung gusto mo , yung mga binuo mong pangarap sa utak mo ,iniisip mo na hindi siya sapat. Hindi siya karapat dapat para sa'yo.

Paano kung sa isang iglap, sa kakahiling mo ng taong mag-i stay sa'yo maiwan kang tuluyang mag-isa? Paano kung ikaw pala ang mali kasi na 'sayo na pinakawalan mo pa? Ikaw lang pala yung tulak ng tulak sa taong akala mong iiwan ka? Na ikaw lang pala yung maraming hiling sa buhay na di mo mahanap kasi pinipigilan mo na, hinaharangan mo pa?  hinayaan mong hulmahin ka  ng negatibo mong pananaw? hinayaan mong lunurin ka ng takot at pag-aalinlangan mo.

Nakalimutan mo na ba? Hindi mo ba napuna? Ni hindi mo ba naramdaman? Kung nasaan ka man ngayon, nandun ka pa 'din para magmahal. Kahit nasira ka, sinubukan mo pa 'ding tawirin yung daang alam mong maaari kang malaglag. Pinigilan mo man, sumaklolo ka pa 'din. Dahil kahit anong gawin mo, may nararamdaman ka at hindi titigil to hanggat may puso ka. 

Feel it at your own risk, adore and approach it as long as it's there. You're lucky enough to have someone that you love and loves you back.  Therefore, if not, you're still lucky that you feel/felt that tingling sensation . It makes you feel that you're alive and most of it all. It makes you happy.


COLLAGE (Random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon